Allyson
Di ko pa rin siya masyado napapatawad. Pero susubukan kong bigyan siya ng second chance.Habang nagreresearch ako tungkol sa mga model, bigla kong narinig na nag-beep ang CP ko. Nagtext si Brye.
From: Bryson
Allice. Diba bukas meron kayong photoshoot? Ano oras ang uwian mo?
Agad ko namang nitext si Brye.
To: Bryson
IDK. Why?
Narinig ko agad na nagbeep ulit ang cellphone ko.
From: Bryson
Gusto sana kitang sunduin pauwi eh. Alm kong di mo pako napapatawad ngayon eh. Pero Dnt wrry bbwi ako syo bkas.
Nitext ko ulit siya.
To: Bryson
Sure. Rply nlng kta bkas.
Bago ako bumaling ulit sa research ko, agad na siyang nagtext ulit sakin.
From: Bryson
Ahm sige. Basta hanggat di ako pumupunta dun sa building, wag ka mna aalis. Cge wg k n reply kung busy ka.
Bumaling na lang agad ako sa research ko at bigla ko na lang nalaman na 10:45 PM na ng gabi kaya pinatay ko na lang ang laptop ko at saka dumeretso na sa higaan ko para matulog.
Kinabukasan, umalis na ako sa bahay namin para makapunta na agad sa photoshoot ko. Agad naman akong nilapitan ng stylist ko ng natataranta. Agad ko naman siyang kinausap.
"Ahm bakit parang natataranta--"
"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa nagsisimula ang photoshoot. Nagagalit na si manager. Dalian mo baka magalit sayo yun!" hinila niya ako ng buong puwersa papunta sa elevator at mukha parin siyang natataranta.
"Eh sabi mo diba na ang oras ng photoshoot ay 8:00 AM? Kaya ito pumunta ako ng tamang oras. Bakit ako malelate?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"ANONG 8:00?!" pasigaw niyang tanong. "Ang sabi namin 7:00! Si ka ba nakinig kahapon?! Beastmode na beastmode na si Sir ngayon!"
7:00 AM? Eh ang rinig ko ay 8:00 ang usapan namin ah? Nakinig naman ako habang nakikinig ako sa headset ko. Ay. Kaya pala. Nakaheadset pala ako. Tatanga tanga din pala ako. Hehe.
Nung bumukas na ang elevator, hinila agad ako ng Stykist ko ng buong pwersa nanaman. Hay. Pagkapasok ko sa loob ay naptingin agad sa akin ang manager namin na pulang pula ang mata. PATAY.
"Bakit ka nalate Liz?" tanong ng manager namin.
Napalunok muna ako bago magsalita. "Ah kasi sir... ang akala ko po kasi ay ang usapan ay 8:00 AM--"
"ANONG 8:00 ANG PINAGSASABI MO DIYAN?!" ohmagad. Beastmode nga talaga ngayon si sir. Oh no. "NAKINIG KA BA TALAGA SA USAPAN NATIN KAHAPON, LIZ?!"
Napayuko na lang ako sa sobrang takot. "S-sorry sir--"
"ANONG SORRY?! ANO BA GINAWA MO KAHAPON?! NAKINIG NG MUSIC? PANO MO MARIRINIG ANG USAPAN NATIN KUNG NAKATOON YANG MALAKI MONG TENGA SA WALANG KWENTA MONG MUSIC?! GOSH LIZ!" Saka siya nagkamot ng ulo niya at di mapakaleng naglalakad lakad. "Tsk! Tama na nga! Marl."
"Yes sir?" tanong ng stylist kong si Marl.
"Ngayong day na toh, I cancel muna natin ang photoshoot ngayon. Ako na bahala sa dahilan na sasabihin ko sa mga staffs." tapos biggla siyang lumingon sakin at nilapitan ako. "At ikaw Liz. Sorry sa tantrums ko kanina. Basta wag mo ng uulitin ulit yun. Kundi alam mo na ang mangyayari. Ok?"
Napalunok muna ako bago ko siya sagutin. "Y-yes sir. P-promise." saka siya lumayo sakin at pumunta sa sarili nuyang desk. "Sige pwede na kayong umuwi. Saka Liz tandaan mo mga sinabi ko ha. Sige bye."
Tumango na lang ako sa kanya saka bumaling na agad siya sa mga ginagaw niya sa desk niya.
Umupo muna ako sa upuan sa 1st floor para itext ko si walangyang bestie ko.
To: Bryson
Oy. Tapos na ang photoshoit namin. Sunduin mo na ako.
Agad niya naman akong nitext.
From: Brye
Sige sige. Wag ka aalis diyan. Isusuko ko buhay ko pag umalis ka dyan.
Hindi ko na siya nitext at patuloy akong naghintay sa kanya. Habang naghihintay ako, bigla kong narinig ang mga malalakas na kulog kaya nagdesisyon na lang ako na magheadset na lang.
Habang nakikinig ako ng music ay biglang sumulpot sa harapan ko si Marl na stylist ko kaya tinanggal kong headset ko para pakinggan ang sasabihin niya sakin.
"Bakit, Marl? Anmeron?"
"Ahm pwede mo ba ako samahan papunta sa bahay namin? Kagit hatid mo lang ako. Need ko lang na may sasakyan na maghaatid sakin papunta dun. Para mas mabilis. Madali kasing mabaha samin dun eh. Sige na please."
"Ah eh kasi--"
"Yehey! Sige salamat!" hinila na niya ako pero bigla kong nahulog ang salamin ko. Kaya nabasag ito.
"Oops. Sorry Liz. Manong J!"
Tumingin ako sa kanya. "Bakit Manong J?"
"Manong Janitor. Manong J! Pakilinis naman tong salaming nabasag. Nagmamadali kami eh. Salanat Manong! Halika na Liz." tinuloy niya parin akong hinila papunta sa kotse ko.
Nabasag yung salamin ko. Parang nay masama akong kutob dun. Pero baka sa movies lang nangyayari yun.
Habang nasa kotse na ako, sinubukan kong tawagan si Brye. Pero ayaw matawagan ng phone ko. Siguro naka-off ang phone niya. O kaya busy siya sa pagdradrive ng car niya. Ah basta.
Mga ilang oras ang nakalipas ay nahatid ko na si Marl sa bahay nila saka nakauwi na rin ako samin pero patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan samin. Dumeretso na ako sa kwarto ko saka binuksan na ang TV ko sa kwarto ko. Balita na agad ang nakita ko.
Haban nanonood ako ng balita ay bigla kong narinig na binuksan na ni mama ang pintuan ko sa kwarto ko saka pumasok na may dala dalang soup.
"Anak. Ang lamig lamig ng panahon. Eto. Kainin mo toh para mainitan ka man lang."
Kinuha ko naman agad ang soup ko "Sige salamat pala dito."
Umalis na siya ng kwarto niya saka bumaling nako sa balita.
Nagtaka nung nakita kong may aksidente ang nangyari malapit sa daanan papunta ng building namin.
" Kotse na Ford, nabangga ng ten wheeler truck kaninang 8:30 AM."
Kinabahan ako sa nakita ko sa TV. Nistop ko muna ang pagkain ko sa soup ko nung narinig kong tumatawag na pala si tita Lani--nanay ni Brye-- kaya agad ko itong sinagot.
"Hello po tita?"
Bago sumagot si tita ay narinig kong humihikbi sila ng sobrang lakas. "Liz! Wag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo." patuloy parin siya sa paghikbi niya pati na rin ang mga taong kasama niya.
"A-a-ano po yun tita?" mas lalo akong kinakabahan sa kung ano ang sasabihin niya.
"Liz. Si Brye..." bigla kong naramdaman ang mga tuhod kong nangatog ng marinig kong sumunod na sasabihin niya.
"Si Brye. Nacomatose dahil sa pagkakabangga niya sa ten wheeler truck nung 8:30 Pm!"
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...