Allyson
Nasabi ko na kela mama na pupunta ako sa hospital. Di pa nila alam ang tungkol kay Brye. Lumusob pa rin ako sa ulan mabisita ko lang siya. Fvck sabi na eh. May masama akong kutob sa nabasag kong salamin eh. Di ako mapakali sa sasakyan ko dahil traffic na traffic dahil sa matinding ulan."Sh*t!" sigaw ko sabay tadyak ko na iritang irita. "Please. Hayaan mo naman akong makapunta sa ospital. Andun yung bestfriend ko. Malala ang posisyon niya ngayon pero bakit nangyari tong FVCKING SH*T TRAFFIC. Please pagbigyan mo naman ako."
Mga ilang minuto ang nakalipas ay umandar na ang mga kotse. Pero di gaano kabilis dahil malakas parin ang ulan.
Mga ilang oras ang nakalipas ay narinig kong nagriring ang phone ko. Tumatawag si Stace.
"Hello Stace? Bakit ba?"
"Liz. Dalian mo. Nandito kami ngayon sa ospital. Malala ang kalagayan ngayon ni Brye kaya dalian mo naman." natatarantang sinabi ni Stace.
"Oo nga eh! Kanina pa kasi tong Bullsh*t na traffic na toh eh! Gusto ko na rin umabot diyan pero ayaw umusad eh."
"Basta bilisan mo. Sige bye." pinatay na niya ang phone niya. Tinignan ko ang relo ko. Its 7:30 PM already. ANO BANG KLASENG ULAN TOH?! PATI BA PAGBISITA KO SA KANYA HAHADLANGAN PA NITO?!
Di ko na kinaya kaya lumabas na lang ako ng kotse ko. Naramdaman ko ang mabibigat na pagbagsak ng ulan. Malapit lang dito ang ospital kaya tumakbo ako papunta dun ng basang basa.
Pagkapunta ko pa lang sa loob ng ospital ay pumunta na ako sa elevator ng nagmamadali at basang basa. Ninlalamig pa rin ako pero tanggap ko yun. Kasi iniwan ko siya eh. Di ko siya hinintay. Di ko siya binigyan ng pagkakataong samahan ako at bumawi sa pagiwan niya sakin. I deserve this. Nagsisisi ako ngayon...
Naghanap ako sa kahit saang room para makita siya. Pero kahit ilang libot ko ay di ko pa rin siya makita. Natataranta na ako dahil baka mawala nanaman siya sakin.
Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng mga kwarto, ay swerte ko at nakita ko bigla si Luke na pababa ng stairs. Laking tuwa ko ng makita ko siya dahil siya lang naman ang pagasa ko para makita siya. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Luke!" nangangatog parin ang mga binti ko dahil sa lamig.
"Allice?! B-bakit basang basa ka?" nagtataka niyang tanong.
"Basta long story. Samahan mo muna ako papunta kay Brye. Please gusto ko siyang makita. Nagmamakaawa ako sayo kelangan niya ako ngayon!" nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Ngumisi siya sakin. "Di mo kelangan magmakaawa noh. Syempre dadalhin kita dun. Tara sumunod ka sakin."
Nagmamadali kaming umakyat papuntang 4th floor kasi andun siya nagpapagamot.
Nang papalapit na kami sa room niya ay unti unting mas lalong lumakas ang pangangatog ng binti ko. Nung makita ko siya sa loob at nakikita ko siya dahil may salamin na transparent dun. Nakita kong ginagamot siya ng nga doctor pero dahil makulit ako, pumasok ako sa loob. Nagulat ang mga doctor ng makita nila ako kaya pinigilan nila ako at pilit na pinapalabas.
"Brye! Gumising ka please!" sigaw ko sa kanya.
"Sorry miss pero kelangan niyo pong lumabas." hinahatak nila ako palabas pero pilit ko paring kumawala pero useless kahit na sobra ng lakas ang pag iyak ko.
"Bitawan niyo nga ako! Brye please Im so sorry! Gumising ka na please nagmamakaawa ako sayo please!" pero kahit ilang beses akong sumigaw ay wala parin. Andun pa rin siya sa higaan na walang malay. Gusto kong kumawala pero its too late. Bago pa nila ako mapalabas ay sumigaw ulit ako "Brye. Sana gumising ka na. That my wish for you." saka na nila ako pinalabas.

BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomantikWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...