Chapter 21

13 1 0
                                    


Allyson
"Ano, Liz? Ready ka na ba?" tanong ni Stace habang naghahanda naman ako ng mga prutas at iba pang healthy foods dahil pupunta kami sa ospital. "Sandali lang Stace. Nandun na ba sa ospital yung iba pa nating kasama sa gang?"

"Oo daw. Kakatawag ko lang sa kanila. Sabi nila tayo na lang ang wala dun eh. Tayo na lang ang hinihintay nila," sabi niya habang nakatingin siya sa mga dadalhin namin "Nandun daw sila sa harap ng room ni Brye. Hinihintay daw muna nila tayo para sabay sabay tayong papasok sa loob."

"Ano ba ang pinagusapan nating oras?"

"Ahm dapat andun na tayo ng mga 10:30 AM." tapos bumaling na siya sa relo niya. "At 10:00 AM na ngayon. 25 Minutes ang oras ng biyahe dun."

Inayos ko na yung mga dadalhin namin kay Brye at saka binitbit ko ito. "Ok Im done. Lets go. Lets use my car."

Dumeretso na kami sa kotse ko ng nagmamadali. Baka kasi malate kami sa usapan eh. "Time is gold." Thats my motto. Hehe.

"Saan ba ulit yung hospital?" tanong ko kay Stace at saka pinaandar na ang kotse ko.

"Sus. Nakalimutan mo na agad?" inirapan na lang niya ako.

"Ay. Naaalala ko na. Eto naman napakasunget. Hays tara na nga."

"Buti naalala mo na. Dalian mo baka malate tayo!"

Ah ganyanan Stace ha? Hihihi abangan mo na lang ang gagawin ko.

"Nge! Bakit ganyan ka makatingin sa--AAAAHH!"

Napasigaw siya dahil pinaandar ko ang kotse ko ng sobrang bilis. Halos mangiyak ngiyak na siya dahil sa takot eh. Kaya nistop ko ang kotse ko.

"Oh sabi mo dalian ko?" sabay tawa ko.

"Shitzu you! Sabi ko dalian mo kilos mo di yung pagpapaandar mo! Ikaw talaga Liz! Pag ako naatake sa puso naku jusko! Di ko alam magagawa ko sayo."galit na tono niyang sinabi.

Tinigil ko muna ang sarili ko sa pagtatawa saka nagsalita ulit. "Hala grabe--OA lang po? Inatake agad diba pwedeng himatayin muna?" saka ako bumalik sa paghahalakhak ko.

"Hay ewan ko sayo," inirap niya ako "Hayst stop laughing! Bilisan mo na--yung kilos mo di yung pagpapaandar mo. Lagot ka talaga sakin kapag binilisan mo pa yan." saka ako bumalik sa pag dradrive ko.

Nung malapit na kami sa ospital ay biglang nagpakita naman tong si Traffic. Kung kelan malapit na dun na titigil. Hay life.

"Tsk kasi naman kung kelan malapit na tayo dun pa titigil. Shitzung traffic naman eh oh!"

"Yaan mo na uusad din yan. Pag momoveon nga umuusad, Traffic pa kaya?" lumingon ako kay Stace saka ko siya sinampal ng mahina.

"Hoy Humuhugot ka nanaman." sabi ko ng nakahalf smile.

"Ow. Ikaw ha," naramdaman namin na umusad na nga ang traffic. "Yan na. Umusad na. Nakamoveon na. Masaya ka na?"

Humalakhak ako ng onti. "Hay ewan sayo. Magmoveon ka na nga sa traffic. Yung traffic nakamoveon na ikaw di pa."

"Haha ewan ko sayo."

Dumeretso na kami sa hospital kasi 10:28 AM na kaya dali dali kaming pumunta sa elevator. Hingal na hongal kaming dalawa sa loob at pawis na pawis.

"Hay potek naman. Sana makaabot tayo."

Nang bumukas na ang elevator sa 4th floor, dali-dali kaming dumeretso sa kwarto ni Brye. Bigla napigtas ang sintas ng sapatos ko. "Argh. Sige mauna ka na, Stace. Isisintas ko lang tong sapatos ko."

Lumingom sakin si Stace. "Uhm oh sige. Basta bilisan mo lang." saka siya umalis.

Nang natapos ko nang sintasin ang sapatos ko, bigla kong nakita si Luke sa likod ko na pababa sa stairs. Lalapitan ko sana siya pero biglang may nakita akong babaeng kaakbayan. Hindi siya si Ruth. Di ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod silang dalawa. Sino naman yun? Di kaya nagloloko yun si Luke? Sana naman hindi kundi di ko na siya mapapatawad sa pangalawa niyang pagiwan kay Ruth. Sana di tama ang inaakala ko.

Di ko na lang pinansin yun kaya dumeretso na ako papunta sa kwarto ni Brye at ang unang una kong nakita sa labas ay ang buong gang. Nakaupo sila dun--pero wala si Luke--nilapitan ko agad sila. "Guys!"

"Uy. Hayst. Bakit ang tagal mo, Liz?" tanong ni Ruth.

Hay kung alam mo pang nakita ko.

"Ah eh wala. Nisintas ko yung shoes ko. Kaya yun natagalan ako," sabi ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto "Tara na guys. Pasok na tayo sa loob."

Nang pagkapasok namin sa loob ay nakita na agad namin si Brye na nakaupo sa tabi niya. Simple lang suot niya. Nakajacket habang nakaV-neck na t-shirt sa loob at naka pants. Nakita rin namin si Brye na nakabenda pa rin ang katawan niya. Pero ang braso at ang kanyang tiyan na lang ang may benda sa kanya.

"Yo," sabi ni Brye habang nakasandal sa unan niya. "Napadalaw kayo?"

"Siyempre naman. Pano magiging buo ang gang kung wala ka?" sabi ni Fred kaya nagsi halakhakan kaming lahat.

"Huy musta tiyan? May Abs na rin ba? Akin 8 packs," pagmamalaking sabi ni Tip kaya bigla akong namula nung naalala ko nanaman yung nahawakan ko ang abs niya nung bumisita siya samin. Hayst control Liz. Control.

"Haha oo naman bro. Nahawakan pa nga ni Liz eh. Di ba Liz?" Shitzu Brye! Kelangan pa bang sabihin yun?

"Tsk tumigil ka nga Brye! Damn you!" bulong ko sa kanya.

Nagsitawanan ang lahat sa amin pero si Brye ay tahimik pa rin at nakatulala. Hay kahit ngayon ang tahi tahimik niya parin.

Habang naguusap yung ibang gang, nakita kong umiinom lang si Brye ng soda at nakasandal pa rin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Pero nakita ko na lang sa gilid ko na naka smirk siya. Tsk! Brye!

Lumapit ako sa kanya habang bitbit-bitbit ko ang mga prutas para sa kanya. "E-eto na yung prutas na inihanda namin sayo ni Stace--" natigilan ako dahil hinila niya ako at nilapit ang mukha niya sa tenga ko.

"Thank you Allice," mas lalo akong namula sa sinabi niya. "Ang cute cute mo talaga pag namumula ka."

Mas lalo na talaga akong namula kaya tinapik ko ang braso niyang may benda.

"Ow! Ano ka ba di ka naman mabiro!"

"Ah so biro lang na cute ako ah!" tinapik ko ulit sita sa braso.

"Ow! Stop it!" Sabi niya habang nakatingin sakin ng seryoso. "But seriously, youre cute. Kahit saang anggulo, bestie."

"Ewan ko sayo," pupunta sana ako kela Stace at Ruth na kinakausap si Bryly pero hinila niya ako papunta sa gilid niya. "Uy wag mo naman akong iwan Bestie. Nagsawa ka na ba sa kagwapuhan kong toh?"

"Hay naku Brye. Wag ka masyadong assuming." hinayaan ko na lang siyang tabihan siya. Pero katahimikan lang ang bumabalot samin. Pero bigla na lang akong nagulat sa susunod niyang itatanong sakin.

"Allice," lumingon ako sa kanya habang umiinom ako ng juice kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay. "Do you like me?"

Nasamid ako sa sinabi niya kaya ubo ako ng ubo kaya tinapik niya ako sa likod. Nilapitan niya ako para tulungan ako sa pagkasamid ko. "Hey. Are you ok?"

"S-sorry. Ano ulit tanong mo?"

Ngumuso siya sa harap ko bago magsalita "Sabi ko Do you like me?"

Napalunok ako dahil sa nerbyos na nararamdaman ko. "Bakit mo naman na tanong?"

Umiwas siya ng tingin sakin "W-wala lang. G-gusto ko lang n-naman manigurado eh."

"Brye," tumingin ako ng diretso sa kanya. "Kahit na anong mangyari, di magbabago ang tingin ko sayo. Ok? Tandaan mo yan."

"Aaah. Sige." bumalik siya sa pagkakasandal niya pero kita ko sa mga mata niya ang pagkalungkot niya.

Di kaya may gusto siya sakin? Teka. Oh Allice. Wag ka ganyang magisip. Wag ka masyadong assuming. Baka gusto niya labg manigurado. Wag ka agad magisip ng ganyan. Di yun totoo. Sana nga di totoo.

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon