Allyson
Pumunta ako sa bahay nila Ruth dahil may importante akong itatanong sa kanya.
Kumatok ako sa pinto nila at agad naman niya ako pinagbuksan. "Oh Liz. Napadalawa ka? Tara pasok ka." binigyan niya ako ng malaking ngiti bago umupo sa sofa nila.
"Ruth. May sasabihin ako sayo tungkol sa nakita ko sa hospital nung bago kami makarating ni Stace sa kwarto ni Brye."
"Ano yun?"
Bumuntong hininga muna ako. "Nakita ko si Luke. May kaakbayang ibang babae."
Nanlaki ang mga mata ni Ruth sa sinabi ko pero bigla na labg uto napawi dahil ngumiti siya sakin. O__________O
"Guni guni mo lang yun, Liz. Baka naman may sakit ka." kinapa niya ang noo ko pero tinggal ko agad ito.
"Wala akong sakit Ruth nakita ko talaga siya promise cross my heart peksman,"
"Tsk. Baka nahihilo ka lang tara punta tayo sa park para makalanghap ka ng simoy ng hangin,"
"Hindi! Totoo nga yung sinasabi k--"
"Ssssshhhh tara na."
Hinila niya ako papuntang kotse nuya at pumunta na sa park.
"Tara punta tayo sa ice creaman para makapagpalamig ka."
Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya. Bakit ba ayaw niyang maniwala sakin? Nakita koyun gamit ang dalawa kong malalaking mata. Baka nasasaktan lang siya. Ewan basta! (_ _ ")
Nilibre na ako ni Ruth ng ice cream pero kahit anong sabi ko pa ay ayaw niya pa ring maniwala.
Habang bumalik ulit siya sa ice creaman para bumili ulit ng another ice cream, bigla akong napalingon sa likod ko. Nanlaki ang nga mata ko nang makita ko si Luke na may kaakbayan nanaman siyang babae. Siya nanaman yung babaeng kaakbayan niya nung nakita ko sa hospital pababa ng stairs.
Agad akong nagreact kaya hinila ko ang braso ni Ruth "Tara Ruth may ibidensya ako dali!" malakas ang paghila ko sa kanya kaya wala suyang nagawa kundi magpahila na lang.
"Sorry manong balikan ko na lang kayo!" sabi ni Ruth habang hibihila ko siya papunta kay Luke. Nakita ko si Luke kaya agad ko siyang tinawag.
"Luke! Bumalik ka dito!!!" sigaw ko na may galit na tono.
Agad siyang napalingon pati na rin anf babaeng kasama niya. Maganda yung babae at parang blanko lang ang pinapakita niya saming dalawa ni Ruth.
"Liz?" Tanong ni Luke. "And Ruth? Ano ginagawa niyo dito?"
Binitawan ko ang braso ni Ruthney para lapitan si Luke at hampas hampasin sa dibdib niya ng paulit ulit. Nagulat si Ruth at yung babae sa ginawa ko kay Luke. "Manloloko ka pa rin Luke! Akala ko ba si Ruthney lang! Bakit may iba kang kasamang babae?! Pinagkatiwalaan kita!"
"Huh? Ano pinagsasabi ko Liz? Liz stop it."
Tumigil ako sa paghahampas sa kanya. "Sino mas mahal mo. Yang babaeng yan o si Ruth?"
Nagsitawanan silang tatlo. Hanudaw? Bakit sila tumatawa ay drama series toh? Hello.
"Siyempre silang dalawa."
"Di pwede yun! Dapat iisa lang ang babaeng nasa puso mo!"
Lumapit sakin yung babaeng kabit. Hmph maganda nga kabit naman ew.
"Actually mahal ko din si Ruth."
O____________O
MAHAL NIYA SI RUTH?! DIKO MAINTINDIHAN MGA PINAGSASABI NILA! CRAP.
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
Storie d'amoreWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...
