Allyson
Sigh no choice. Sana di muna nila kasama si Brye. Di ko pa siya kayang harapin noh.Nilapitan ko si Mama para tanungin kung kasama ba si Brye.
"Ah di ko alam eh. Wala siyang sinabi kung kasama si Bryson." sabay tingin ulit sa kanyang mga hugasin.
Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang CP ko. Tatawagan ko si Tita.
"Uh h-hello po--"
"Uy Allyson! Kamusta? Miss na miss na kita hija! Ano maitutulong ko sayo?"
"Uhm tita. M-mag isa lang po ba kayo pupunta dito s-samin?" Tanong ko ng pautal utal.
"Ay oo hija. May shooting kasi sila Brye eh. Kaya di siya makakapunta. Bakit mo na tanong?"
Yes! Yes yes yes yes YES! Di siya kasama! What a relief! Halos mapatalon ako sa tuwa.
"Ah w-wala po." sabi ko sabay ngiti.
"Ah ganon ba? Oh sige sige. Bye hija. Punta na ako diyan." sabay patay niya sa Cell Phone niya.
Salamat naman.
Paalis na sana ako pero biglang tumunog na lang agad ang Cellphone ko kaya tinignan ko ulit yun.
Nang nakita ko na kung sino ang tunatawag ay bigla na lang nangatog ang tuhod ko at ang kamay ko. Nilapitan ko yun ng paunti unti dahil natatakot pa akong kausapin siya.
Dahan dahan kong sinagot ang cellphone ko at dahan dahan kong inilapit ang Cell phone ko sa tenga ko.
Kinalibutan ako ng narinig ko na ang malamig niyang boses.
"Hello Allice? Naaalala mo pa naman ako diba?"
Dapat nga ako nagtatanong sa kanya nun. Siya na nga ang nang iwan siya pa ang magtatanong niyan.
"Bestie. Namimiss na kita. Sorry di ako makakasama sa punta ni Mama diyan ah. May shooting kasi kami eh."
Paunti unting bumuhos ang luha ko sa mukha ko habang tinatakpan ang bibig ko para maiwasan ang pag hikbi ko.
"Hello Bestie? Andyan ka ba? Bakit di ko ko kinakausap?"
Shitzu ka! Ikaw nga ang di nakikipagusap samin ikaw pa ang magtatanoong sakin niyan?!
"Bryson! Your shooting is starting now!" sigaw ng director nila. "Oh okay okay! Sige na Allice. Kung may sakit ka,Pagaling ka ha? Sa reunion magkikita ulit tayo. Ok bye. I love you." Saka patay ng phone niya.
Sakit? Oo may sakit ako. Sakit sa puso. Ang dami na ngang bandage di pa nagagamot eh. At dahil sayo yun. Sakit sa pagiwan mo.
I love you? Sapat na ba yung tatlong words na yun para tapatan ang sakit dulot ng pagiwan niya sakin? Ano akala niya sakin? Iiwan iwan ka yun lang ang maririnig mo sa kanya? Sorry na lang siya.
Binaba ko ang cellphone ko sa table na malapit sa kinatatayuan ko habagg nanginginig nginig parin ang kamay ko. Bumaba na lang ako papuntang sala sabay upo sa sofa namin habang tumutulo parin ang mga luha ko.
Habang nakaupo ako sa sofa namin habang nanonood ng movie, biglang kumatok nablang bigla ang pinto namin. Bubuksan ko na sana kaso naunahan na ako ni mama saka ningitian niya ako bago buksan ang pinto namin.
Nang binuksan na niya ang pinto ay biglang sinalubong ni tita si mama ng yakap at nagpalitan ng pagwewelcome sa isat isa. "Oh hi! How are you?" tanong ni Tita.
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...