Chapter 8

21 1 0
                                    


Allyson
Andito kami ngayon sa school habang nagpapakasaya. Ooops oo nga pala its December 20 already. Wala kaming inisip kundi magpakasaya lang ng magpakasaya at wala munang bad vibes. Eh! Kalimutan na muna yan. Kaya nga party diba? Ginawa ba ang party para maging malungkot lang ba tayo? Diba hinde?! So just dance!





Nung pumatak na ang 12:00 PM ay tinigil muna nila ang sayawan dahil may games daw na magaganap ngayon. Ayoko sa mga games sa party. Ayaw na ayaw ko talagang nakikipag participate sa mga laro ng parties eh. Im just there para lang makipagsayawan noh. Haaay life.




Pumunta na lang ako sa table na kung saan nadoon din yung ibang classmates namin na ayaw ding makipagparticipate.




"Ayaw mo din?" Tanong sakin ng babae naming kaklase.





"Ah. Ayaw ko sumali dun. Nakakahiya kasi eh." Kaya ang ginawa ko na lang ay magselfie ng magselfie hanggang sa magsawa ako sa mukha ko. Haha.





Bigla akong nilapitan ni Brye at hinawakan ang balikat ko. "Allice. Tara join tayo sa laro nila oh. Mukhang masaya sila dun."





"Ayoko. Baka kasi kung ano pa ang ipagawa nila sakin. Saka nakakahiya din noh."





"Ah ganon ba." saka siya tumabi sakin.





"Ano ginagawa mo?" Tanong niya sakin.





"Ah eto nagseselfie lang. Tara selfie tayo." sabay tutok sa mukha namin pero mabilis siyang nakaiwas sa camera kaya di siya nakunan. "Ayoko Allice."





"Sige na Brye. Diba aalis ka na sa 28? Edi picture tayo para may remembrance tayo. Please please please." sabay paawa sakanya.





"Tsk. Eh eto na nga po eh. Wag ka na pong makulit." sabay tingin sa camera.





"Yay. Ok pose na one two..." and then click.






"Ok isa pa. One two..." click again. Pagkatapos nun ay tinignan ko na agad ang itsura namin sa picture. Haaay grabe. Kahit saang angulo ay gwapo pa rin siya.






"Sige salamat. Post ko lang sa FB. #WithmyBFF #Partyparty" sabi ko habag pinopost ang pic namin.



Mamimiss ko tong party na toh dahil ilang araw na lang ay lalayo na siya sa tabi ko. Di lang tong moments na toh kundi siya din. Ang mukha niya, ang kakulitan niya, ang pagiging good buddy niya sakin. Pati narin ang pagmamahal na pinapadama niya sakin.







And a few days ago, eto na. Eto na ang kinatatakutan ko. Pumunta na kami sa Airport para ihatid siya. Kumpleto kami sa gang para lang makita namin siya.







Yung iba samin ay nangiyak ngiyak na. Well kasama pala ako dun. Pero alam ko din naman na babalikan niya din ako pagkatapos niyang magaral dun. Nakasama ko nga siya nung Chtistmas eve. Pero di ko na siya makikita sa New Years eve. Naalala ko tuloy nung bata pa lang kami ay lagi kaming magkasamang nanonood ng fireworks. Ngayong year na toh ay di ko na siya makakasama. Shitzu! Mamimiss ko talaga siya ng todong todo.







"Brye sure na sure ka na ba talaga diyan?" tanong ni Ruth ng paiyak.







Nginitian niya kami habang ang mga luha niya ay nagsimulang nahulog sa mukha niya. "Oo." simpleng sagot niya.







"Mamimiss ka namin bro." Sabi nila Tip at Fred. Lumapit naman sa kanya si Luke para yakapin siya. "Sana maging masaya ka dun." Sabi ni Luke.







Dumating na agad si Bryly at nilapitan si Brye ng patakbo. "Kuya. Ready na daw sabi nila mama and papa."







"Ok Bryly." sabay tingin samin ni Brye na may kasamang ngiti. "Sorry guys. But I have to go." Sabay yakap nila kay Brye pero di ko siya kayang lapitan.







"Allice." kinabahan ako sa tawag niya sakin. "Yes Brye?"






"Just promise me na magiging masaya ka kahit na wala ako sa tabi mo." Sasagutin ko sana siya kaso tinalikuran niya agad ako kaya di ko na siya nahabol. Pero kung iiwan ko lang siyang di kinakausap, mas lalo ko siyang masasaktan. Aalis na nga siya di ko pa pinansin. Edi parang naramdaman niya lang na wala siyang BFF na nagaalala para sa kanya.








Biglang na lang akong tumakbo ng wala sa sarili. "Brye!" tumigil na siya sa paglalakad niya kaya niback hug ko na siya sabay tulo ng mga luha ko sa mukha ko. "Brye! Ipangako mo na babalikan mo ko. Kaming lahat. Wag mo kaming kakalimutan! Pangako mo yan!" Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at mas lalong lumakas ang pagiyak ko.





Kumalas na siya sa pagkakayakap ko sa kanya saka hinarap ako. Hinawakan niya ang mukha ko saka hinawakan niya ang chin ko ng isa niyang kamay. "Wag ka magalala Allice. Hinding hindi ko kayo kakalimutan. Hinding hindi ko kayang kalimutan kayo. Lalo na ang friendship natin. Pangako yan." at hinalikan niya ako sa noo saka tumulo na ang kanyang mga luha. At umalis na siya saka tinalikuran ako.








Inaasahan kong totoo yang sinasabi mo. I love you Bestie. Dont forget that.






Kinabukasan, nagising ako ng biglang naalala ko na na nasa States na pala siya ngayon. Yung tipong pagkagising mo ay inaasahan mo na kakatok siya sayo saka kakamustahin ka ng "Kamusta? Okay ka lang ba Bestie? Smile naman diyan!" Namimiss ko yung mga sinasabi niyang katulad nun. Gusto ko ulit siyang puntahan, samahan at tabihan. Pero huli na ang lahat. Nasa States na siya. Sana maayos lang ang kalagayan niya dun.







Pagkatapos mangyari yun at ilang araw narin ang nakalipas, biglang naganahan akong bumangon ulit. Alam kong babalikan niya kami kaya naka bangon ako nang dahil dun. I felt Im became stronger than before. Naging successful ang lahat sakin. Nakamove on narin ako ng onti dahil dun. Andyan naman ang gang para pasiyahin ako eh so dont need to worry. Naging mas malakas na ako ng umalis si Brye sa tabi ko.






Hanggang sa...











































3 years ago...


















































"Ms. Ramirez, are you ready for your next photoshoot?" tanong sakin ng make up artist kong taga Italy.


3 Years from now ay naging model ako ng magazine. Nakakatuwang isipin na ang bilis ng takbo ng oras noh? Model na ako ngayon. Marami na rin ang nangyari saming magbabarkada.


Si Stace ay naging Fashion Designer. Wala parin siyang lovelife ngayon eh. Si Fred ay naging Architect. Di parin siya nanliligaw kay Stace. Si Tip ay naging director. Si Ruth naman ay naging baker. Actually may sarili na siyang bakery. At si Luke naman ay naging Engineer kadahilanan kung bakit nagkaroon ng sariling bakery si Ruth. Aaaww how sweet.


Pero may bigla akong naalala...


Naging artista nga ba si Brye? Di na siya masyadong nakakapag text samin eh. Kamusta na kaya siya? Miss ko na rin siya eh.


"Liz. Its photoshoot time!" Sigaw ng make up artist ko.


"Ay sorry. Eto na." sabi ko sa kanya.


Allice. Dont lose hope. Babalik din siya. Babalikan niya din kayo. At matutupad niya din yun.

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon