Chapter 9

15 1 0
                                    


Allyson
Mga ilang oras ang nakalipas, kakauwi ko pa lang galing sa photoshoot ko kanina. Haaay stress.

Tinawagan ko si Stace para yayain siya sa foot spa para bukas.

"Oh yeah sure. What time?" Tanong ni Stace na mukhang Excited na excited.

"Wala naman akong photoshoot bukas kaya mga 12:00 puntahan na lang kita diyan."

"Oh sige. Muzta photoshoot? Sabihin mo pag meron ka para mapanood kita ha?" Tanong niya sakin.

"Oh sige sige. Wag mo lang ako tatawanan dun ghe ka lagot ka sakin." sabi ko ng may konting tawa.

Tumawa din siya ng di kalakasan. "Oh sige sige. Ay teka may aasikasuhin lang muna ako dito. At saka pag ginalingan mo dedesignan kita."

Napangiti ako sa kanya. "Talaga Stace?! Sige gagalingan ko pag yan kinalimutan mo yan kukutusan kita haha."

Humalakhak siya. "Sige bye." At saka binaba na ang phone niya.

Binuksan ko yung TV saka inilipat sa chanel ng taga ibang bansa. I heard kasi na may model na rarampa daw dun eh kaya binuksan ko para makita yung rampa skills nila. May nalalaman pa talaga akong rampa skills eh noh.

Pero bigla akong nalungkot ng bigla kong nakita na tapos na pala yung show na yun. Hay sayang.

"Hay sayang naman! Di ko pa napanood yun." sabi ko ng may kalungkutan.

Welcome to a night show! Where the hot issues in showbiz lives! Lets welcome our new guests!

Hay parang GGV lang eh noh. "Haaay! Makalabas na nga lang!"

Lets welcome our new guest! Bryson Buenaventura! Hi Bryson!

"Tsk di ko pa kasi--what...?" tama ba yung narinig ko? Unti unti kong nilingon ang TV namin. Paunti unting nagsisibagsakan ang mga luha ko sa pisngi ko.

Hello. Thank you for inviting me. Wazzup!

At ang mga babae dun sa TV ay biglang nagsitilian. Crap sikat na siya. Saka parang lumaki ang katawan niya at di na siya masyado payat katulad nung 1st year college. Nagbago na siya. Ang lahat sa kanya. Pero nagbago narin ba ang tingin niya samin? I mean naaalala parin ba niya kaming lahat sa gang? I damn missed him. Gusto ko siyang puntahan sa States para yakapin at kausapin. Argh! Miss na miss ko na talaga siya! Kelan kaya siya babalik? Napagdesisyonan ko na lang na patayin ang TV. Ayoko muna siyang tignan na nagbago na ang itsura niya. Nakakalula kasi eh. Kasi biruin niyo na matagal na kaming di nagkikita pero makikita mo na lang siya na nagbago na pala siya. Brye please go back...

Itinulog ko na lang yung stress na nararamdaman ko sa nakita ko kanina sa TV. Hayaan ko na lang makakalimutan ko din yun.

Kinabukasan ay pumunta na ako sa bahay ni Stace para makaalis na agad kami.

"Ano ready ka na Stace?" Sabi ko sabay upo sa sofa.

Nagsuklay muna siya ng buhok niya bago sumagot sakin. "And Im ready. Lets go and lets relax together and ever and ever and ever." sabay tawa.

"Sira ka talaga. Tara na nga."

Habang nakasakay na kami sa sasakyan ni Stace, di na ako nag dalawang isip na tanungin si Stace tungkol sa kanilang dalawa.

"Stace. Pwede ba magtanong?" Tanong ko sa kanya.

"Hay naku Allice. Nagtatanong ka na kaya. Kumunot naman ang ulo ko.

"Tsk Stacey naman eh. Hindi yun. Just promise me na di ka magagalit?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Panatang makabayan." sinampal ko naman siya ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Hay naku Stace." mas lalo siyang tumawa. "Oh sige na nga. Ano ba yun?"

Napalunok muna ako bago ako magsalita. "Stace. Nililigawan ka na ba ni Fred." Bigla na lang siyang umiwas ng tingin sakin at mas naging focus sa pagdradrive niya.

"Ewan ko kung ano plano niya kung manliligaw ba siya or magtatago na lang ba siya at di ako haharapin." sabi niya na may dala dalang seryosong mukha.

"Pero sasagutin mo ba siya agad agad kapag liligawan ka niya?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo Liz kapag niligawan niya ako eh sasagutin ko agad siya? Eh sa panliligaw pa lang ay kitang kita na na duwag siya. Eh kapag nagka relasyon na kaya kami?" sabay tingin ulit sa daanan.

"Ah ganon ba... ah sige." Sabay iwas ng tingin sa kanya.

Nung nasa foot spa na kami, biglang may sinabi sakin si Stace na nakakaexcite. "Allice."

"Ano yun?" tanong ko sa kanya habang nakatoon ang pansin ko sa magazine.



"Iniisip ko lang naman kung pwede ba tayo magreunion. Namiss ko na rin yung pagkikita nating lahat eh. Yung paguusap nating lahat." nagulat ako sa sinabi ni Stace at napangiti sa sobrang excite.

"Talaga Stace?! Sige ba! But we have to ask them kung kelan sila free para lahat ay magkikita kita. Saka tayong magbabarkada lang naman diba?" Tanong ko sa kanya ng malakas ang tono.

"Oo naman. Sa susunod na lang yung reunion nating lahat ng magkakaklase. Unahin muna natin yung sating magbabarkada." sabi niya sakin.

Grabe nakakaexcite naman yun! Magkakasama ulit kami! Eeek!

Pagkatapos namin magpafoot spa ay dumeretso na agad kami sa kotse niya at umalis papuntang parlor.


"Haaay grabe na relax ako dun ah Allice." sabi niya sakin sabay paandar ng kotse.


"Haha same here." minsan na nga lang kami magkafreetime at magkita ni Stace eh. Yung iba laging busy.


Habang nasa car niya kami, bigla naming nalagpasan ang MOA. Pero nagtaka ako ng bigla kong nakita na dinudumog na pala yun ng mga tao. Siguro may concert dun.


"Stace. Bakit ang daming tao dun sa MOA?" Tanong ko sa kanya.


"Ah siguro may artistang nagco concert dun. Balita ko may artista daw na pumunta dito galing sa States eh. Nagconcert siya dito. Pero di ko kilala kung sino yun." sabi niya sakin.


Hmmm sino naman kaya yun? Taga States? May bigla na lang akong naalala dun. Haaay baka hindi siya yun. Bahala na nga. Umalis kami para magrelax di para dun. Oh well. Irerelax ko na lang sarili ko at susubukan ko munang kalimutan siya.


Ok andito na kami sa parlor. Pero nabigla kami sa nakita namin.


"Hi guys. Muzta?" Si Ruth andito? Mas exciting! Mukhang bonding namin ng girls toh ah?

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon