Allyson
Its 5:00 am already nung nakita ko na nasa sofa si Stace. Nilapitan ko agad siya sa sofa saka nilapitan."Stace, ano kelangan mo at naparito ka samin?" Tanong ko sa kanya ng may pagtataka.
Napalunok muna siya at yumuko tapos liningunan niya ako na may kasamang lungkot. "Kasi... minsan kasi iniisip ko kung dapat kong layuan si Fred or hindi."
Nagulat naman ako bigla at nagtaka kung bakit niya iniisip yun "Stace?! Gumising ka nga! Bakit mo naman siya lalayuan? Eh antagal tagal na nating magkakaibigan--"
"Kasi naiilang ako sa kanya. Di ba may gusto siya sakin?" Pinutol niya ang sinabi ko.
Natahimik ako ng sandali at saka kinunot ang aking noo. "Stace. Hindi porket na may gusto ko sa kanya eh lalayuan mo na siya. Isipin mo nga na ang tagal tagal na nating magkakaibigan pero lalayuan mo lang siya? Tignan mo kami ni Brye. Kahit na may gusto ako--" di ko na binuo ang sinasabi ko dahil tinakpan ko na ng kamay ang bibig ko. Shucks sinabi ko ba talaga yun?!
Nanlaki ang mga mata niya saka ngumisi ng parang evil smile sakin. "Aha! Huli ka babae ka! Seruyoso may pagtingin ka sa kan--"
Tinakpan ko ang bibig niya gamit ng kamay ko. "Ssshhh! Wag kang maingay! Baka may makarinig!"
Nang inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya ay bigla siyang tumawa ng malakas ng halos mangiyak ngiyak na siya sa sobrang katatawa. "Pero seryoso?"
Tumango na lang ako sa kanya sabay ng pagpula ng mukha ko. "P-pero onti lang. Mga 25% lang naman. Pero dapat nga talagang pigilin ko ang nararamdaman ko sa kanya kasi baka masira lang ang pagkakaibigan namin. Kaya dapat itago ko na lang iyon. Wag mo ipagsasabi sa kahit sinong tao ah lalong lalo na sa kanya."
Ngumiti siya sakin ng sobrang pagkalaki laki at nag 'thumbs up' siya sakin. "Okay."
Maya maya pa'y nagpasya na siyang umuwi na muli. Kaya hinatid ko na muna siya sa labas at niyakap ng mahigpit. "Just remember Stace. Wag mo na siyang layuan at hayaan mo lang siyang magkagusto siya sayo pero kaibigan ka parin niya kaya dont worry."
Ngumiti na lang siya ng onti salin bago siya umalis. "I-ill try my best." At tinalikuran na niya ako at dumeretso sa sidewalk.
Nang pumasok na ako sa loob eh bigla na lang may kumatok sa pinto ulit namin. Siguro si Stace ulit yun. Nang binuksan ko iyun eh bigla akong nagulat sa nakita ko. Si Brye ang sumunod na bumisita samin. Sinabi niya lang naman ang tungkol sa di niya pagpansin kanina sakin. Naiintindihan ko naman siya dahil di lang naman siya ang iniwan ni Steve kundi ako. Parehas niya kaming niloko at iniwan na parang isang tuta na pinagsawaan niya lang. Sana maging maayos na si Brye ngayon.
Kinabukasan, sabay nanaman kaming umalis papuntang school. Lagi naman eh nasanay na ako. Sabi niya sakin na okay na daw siya ngayon. Salamat naman.
Maaga kaming pumasok sa school. Mga 40 mins. muna bago ang bell namin. Habang naglalakad kami sa hallway, biglang tumunog ang Cellphone niya.
"Wait lang Allice. Sagutin ko lang toh." Saka pumunta sa sulok.
Ilang sandali pa ay bumalik na siya sakin at patuloy na naglakad papunta sa locker room.
"Brye. Sino yung nakausap mo?" Tanong ko sa kanya ng mahinhin.
Mukhang malungkot si Brye pero di naman siya galit. Nakatingin nanaman siya sa daanan na parang di ako direktang tinitignan. "Wala yun. Wag mo na yung pansinin. Its not that so important." Hay naku yan nanaman ang paglilihim niya sakin. Halata naman sa mga mata niyang nagsisinungaling siya. Bahala na nga siya.
Habang patuloy kaming dumadaan sa hallway eh biglang nakasalubong nanaman namin si Yasie at ang friends niya. Nang nakita nila ako bigla na lang nila akong inirapan. Bigla nablang nagsalita si Donnalyn.
"Ew. What a freaky girl." Sabi ni Donnalyn.
"Yeah youre right Donnalyn. What a pathetic slash poor slash gross girl. Freak." sabi ni Christine.
"Guys stop it. Baka kasi sumabog nanaman ang ulo ni Allice at lumabas ang malalaki niyang ugat sa ulo niya eh. Mas nakakadiri yun." at biglang nagsitawanan silang tatlo habang palayo ng palayo sila samin.
"Allice wag mo na lang pansinin. Titigil din yang mga yan." I think he's right. Pero sana magkatotoo naman yang sinasabi ni Brye. Kakasawa na yung nga mukha nila eh.
Kaya tumuloy na lamang kami sa locker room at nakasalubong ang barkada namin na naglolocker din. Parang magaganda din ang gising ng mga toh ah. Pero sana naman magpansinan na sina Stace at Fred. Hay what a beautiful morning!
"Hi guys. Anmeron ngayon?" Tanong samin ni Stace.
"Anong klaseng tanong yan Stace?" Pagtataka kong tanong.
"I mean bakit parang ang tahimik niyo nanamang dalawa?"
"Ah wala. Serious lang talaga kaming dalawa ngayon."
Nagpatuloy na kami papunta sa room kahit na may 25 mins. pang natitira bago pumasok si Ms. Tabachinching. Kaya yun nagkwento kwentuhan muna kami at gumagawa ng sari sariling gawain. Pero si Brye? Tahimik parin. Gusto ko siyang tanungin pero baka sigawan nanaman niya ako eh. Kaya pinigilan ko na lang sarili ko at gumawa na lang ng homework na di ko nagawa kahapon.
Haha rush our lang eh noh. Hay. Makisalamuya na nga lang muna sa friends ko. Hihi.
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...