Chapter 7

18 2 0
                                    


Bryson
Kung pwede lang talagang umayaw sa desisyon nila mama sakin malamang ginawa ko na para lang kay Allice. Para makasama lang siya at mapasaya araw araw. Ang wish ko lang naman ay sana sa oras ng pagalis ko ay di siya malungkot. At sana sa oras ng paguwi ko ay nakikita ko siyang masaya. I love her. Pero parang ang pagmamahal ko sa kanya ay di lang as friend. Saka ko na aaminin sa kanya. Sa tamang oras kung saan matatanggap niya ang nararamdaman ko sa kanya.





2 araw ang nakalipas nung binisita niya ako sa bahay namin, dun ko lang narealize na its December 18 already. Two days na lang at magpapaparty na sila sa school. Nakakalungkot nga lang na 8 days pagkatapos ng partyng yun ay flight na namin papunta sa States. Kung kelan iiwan ko na ang kaisa isahan kong naging tunay na Best Friend sa akin. Crap kung pwede nga lang itigil ang nalalabi naming oras para lang makatabi ko lang siya buong magdamag.




Ngayong nasa school kami at naguusap sa oras ng break na nasa favorite table namin, wala kaming ginawang magbabarkada kundi mag usap usap na lang. Masama bang lubusin na lang ang mga nalalabi kong oras just for them?




"Alam mo Brye? Di lang si Allice ang makakamiss sayo kundi kami din.Isa ka ding clown or makulit na miyembro dito sa atin." Sabi ni Stace ng paiyak.




"Oo nga bro. Mamimiss din namin ang pagiging masiyahin mo dito at ang pagsasamahan nating lahat. Pati narin ang pangaasar namin sa inyo ni Allice." Sabi ni Fred.




"Haaay nakakalungkot nga naman dahil isa satin ay aalis na dito sa gang natin. Di na tayo magiging kumpleto."sabi ni Tip.




"Haaay naaalala ko naman yung pagiging kaibigan nating tatlo simula pa nung bata pa tayo ni Allice." Sabi ni Ruth.




"Mababawasan na rin yung miyembro ng lalaki dito sa gang. Kami na lang ni Tip, and Fred ang lalaking andito sa Gang."sabi ni Luke.




"Saka mawawala na rin sa tabi ko ang kaisa isahan kong Best Friend. At di ko na siya makakausap ng personal." sabi ni Allice saka tumingin sakin.




Wala na rin akong magawa kundi ngitian na lang sila. "Guys dont be sad. Kahit na wala nako sa tabi niyo, di niyo na ako nakikita ng personal, at least di mawawasak ang friendship nating lahat diba? Saka may Facebook, Messenger at Skype para makausap niyo ako diba?"





"Pero iba parin ang nakikita ka namin ng personal eh!" Sabi ni Fred.




"Dont worry guys. Stop crying. Di naman ako mamamatay diba? Magaaral lang naman ako sa States eh. Babalik naman ako dito after 3 years para makasama ulit kayo."sabi ko.


"Basta ipromise mo na lang samin na di mo kami kakalimutan at lagi mo kaming kakausapin ha?" hikbi ni Allice.




And then I have her a big smile. "Promise."




"Tsk! Tama na nga yang *sniff sniff* pagdradrama natin. Group hug na lang tayo guys."




And then nagsitayuan na kami at nagsilapitan at nagyakapan sa isat isa. Grabe mamimiss ko tong moment na toh.




Ang gusto ko pa naman maging trabaho ay maging artista. Siguro sa States na lang ako magiging artista. Bukod sa gwapo ako--hehe--magaling daw akong umarte. Bata pa lang kasi ako sumasali na ako sa mga program. Andun ako sa stage at nagaarte artehan. At sumasali ako sa mga dula dulaan. Edi pasok na!




Bago pa ako makauwi eh tinawag agad ako ni Allice. "Brye!"




"Ano ba yun Allice?" Tanong ko ng nakataas ang kilay ko.




"Eh kasi gusto ko sana sumabay pauwi sayo. Pwede ba?" Tanong niya sakin.




"Ah sige. Basta libre mo ako ah?" Pabiro kong sinabi.




Di siya natuwa sa sinabi ko saka tinulak ako ng pabiro. "Kasi naman eh sasabay lang may palibre libre ka pang nalalaman diyan." Haha nakakatuwa naman ang pagkapikon niya. Di parin siya nagbabago. Kaya nga nagustuhan ko siya diba?




"Haha eto naman masyadong pikon. Nagbibiro lang naman haha." sabay gulo ko sa buhok niya.




Habang naglalakad kami pauwi samin, eh naisipan naman naming magusap na lang kesa balutin naman kami ng katahimikan. Boring kaya yun.






Kung pwede lang ako makipag usap dito kay Allice ng buong magdamag ginawa ko na talaga eh. Pero bilang na ang araw ko dito. Bilang narin ang araw ng pagkikita namin. At bilang na rin ang pagmamahal ko sa kanya.






Pagkauwi ko pa lamang ay inatupag ko naman agad ang homeworks ko para mamaya eh facebook na lang aatupagin ko.




Bago ako matulog, binalikan ko agad ang mga pictures naming magbabarkada. Ang sarap balikan lahat lahat ng pagsasama namin. Gusto ko pang manatili dito. Gusto ko pa silang makasama. At gustong gusto ko ring pigilan ang oras. Argh! Naiistress nanaman ako ngayon! Oo ayokong umalis. Pero magulang ko sila. Kelangan ko silang sundin. Wala akong magagawa kundi sundin na lang sila.




Pagkagising ko, naisip ko na agad na bukas na ang Christmas party namin sa school. Half excited half sad. Excited na akong makasama sila. Sad naman akong malapit na akong umalis. Saka bukas na din babalik sila Mama, Papa and Bryly.




Naghanda na ako para sa school. Bigla ko namang naisip na baka makasabay ko nanaman si Allice papuntang school. Sana nga lang.



Nung paalis na ako eh biglang nangyari nga ang wish ko. Si Allice na nga yun! Kaya agad kong siyang nilapitan para mag-hi sa kanya.




"Allice! Stop!" Sigaw ko sa kanya.




"Brye? Brye!" nilapitan na rin niya ako. "Tara na at sabay na tayong pumunta sa school."




Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Okie doki." Masaya kong sinabi.




Nainip na lang kami bigla kaya nagusap na lang kami tungkol sa party bukas sa school. "Uy Allice. Bukas na pala ang Christmas party natin. Subukan mong di umattend talagang di kita pupuntahan sa inyo bago ako umalis." Sabi ko na may dala dalang seryosong mukha.




"Siyempre naman noh. Para makumpleto naman tayo bukas sa gang." Sabi niya sabay siko sakin.




Ilang sandali pa pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang natahimik kami ng sandali kaya binasag ko na lang yun.




"Allice."




"Yes Brye?"




"Puntahan mo ako sa Airport sa December 28."




Nginitian niya ako bigla sa sinabi ko. "I will."

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon