Cassie's POV
"Ermmm, Hi!" sabi niya. Sa kakatitig ko sa tapat na row hindi ko na napansin na may umupo na pala sa tabi ko. "Ummm, Hello!" I answered awkwardly baka kasi nakita niya akong nakatitig dun sa katapat niya.
"I'm Teresa, Tessa nalang ang itawag mo sa'kin. bago ka rito noh? Ngayon lang kasi kita nakita eh" pagpapakilala niya while offering her hand to me. Nakita ko namang genuine yung pagpapakilala niya and feeling ko friendly talaga siya kaya tinanggap ko na. Hindi rin yata niya nakita ang pagtitig ko dun sa katapat niya o sadyang hindi niya nalang pinansin..hmmmm..
"Cassie, transferee ako dito " sabi ko naman sa kanya. Nag-usap lang kami ni Tessa habang naghihintay sa teacher namin. Nakagaanan ko agad siya nang loob, Nalaman kong same lang pala kami ng degree na kinukuha and 2nd year na siya since nag.CE (Civil Engineering) agad siya habang ako naman nag.nursing pa ng isang taon.
Oo nursing student ako dati sa isang prestigious school. Pahirapan dun kasi nga mga matatalino lang talaga kinukuha nila. Kaya ko naman kaya lang nalaman ko na mahirap daw makakuha nang trabaho yung mga nurses kasi daw overpopulated na ang unemployed, eh hindi naman kami mayaman kaya ayun nagshift nalang ako. CE talaga yung gusto kong kunin kaya lang gusto ni Papa na mag.nursing ako kaya sinubukan ko muna. Sabi din kasi nila bagay daw sakin maging nurse. Pero nung napabalita na mahirap na makahanap ng trabaho ang nurses nagshift agad ako. kaya heto ako ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mabilis tumakbo ang oras, lunch time na pala. Ime-meet ko si Tessa sa canteen kasi sabay na daw kami kumain. Ipakikilala niya rin sakin yung iba pa niyang friends.
Nang dumating ako sa canteen nandun na rin pala sila. Lumapit ako agad. In.introduce naman ako ni Tessa sa kanila at isa-isa din silang nagpakilala. Si Liz, short for Elizabeth, na medyo kikay at mahilig daw sa cosplay. Si Karl, na mahilig naman daw sa fashion design. Oo, hindi siya straight. Sayang nga eh, sobrang gwapo pa naman niya. Finally, si Sam,short for Samantha,naman na sobrang hilig daw kumain.
Nagkwentuhan lang kami buong lunch break. Madali ko silang nakagaanan nang loob. Pareho kasi kami mag-isip. Feeling ko nga matagal ko na silang k.close kahit ngayon lang kami nagkakilala. Classmate ko rin pala sila sa 3 subjects habang si Tessa naman 4 subjects. Yung 3 subjects ko kasi na natitira pang.first year pa lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Since first day of school today puro introductions lang ginawa namin sa bawat subject. Nalaman kong Derrick pala ang pangalan nung guy na nakatitigan ko kaninang umaga. Same lang din pala kami ng course at 2 subjects lang kami magkaklase. Parang stalker lang eh noh? Pero hoy yan lang ang alam ko...hindi rin naman kasi ako mahilig magresearch nang tao. Nakakahiya feeling ko sobrang invasion of privacy na kahit nga mag.view lang ng profile sa facebook eh...hehe
Umuwi agad ako pagkatapos nang klase ko. Pumasok agad ako sa room ko at nagchange na nang pambahay. Tinulungan ko na rin si mama magprepare ng dinner pagkatapos kong magbihis.
"How's your first day Cassie?" tanong sa'kin ni mama while cooking. "Okay lang naman Ma. Meron na akong new friends." sagot ko naman sa kanya. Close kami ni Mama pero not to the point na ikikwento ko yung lovelife ko sa kanya.. Awkward yun eh. Ayaw din muna nila ni papa na magkaboyfriend kami ng sister ko.
May sister ako who is a year older than me. Siya yung pinakaclose ko sa family namin, Siya yung takbuhan ko tuwing meron akong problems na hindi ko masabi kay mama. Her name is Macy. Accountancy yung kinukuha niya. Mas matalino siya sakin pero mas maganda ako sa kanya. Hindi ako assuming, yun lang talaga ang palaging sinasabi nila samin..
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bago matulog chinecheck ko yung facebook at instagram accounts ko. Pagkaopen ko palang nung FB ko may notifications agad. In-add na pala ako nina Karl, Tessa, Liz at Sam pero meron pang isa...familiar yung pangalan kay viniew ko agad yung picture. Biglang bumilis yung heart beat ko. Hindi ako mapakali. Napangiti ako..
"Pero paano niya nalaman yung account ko??" nasabi ko sa sarili ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry hindi kasi ako magaling gumawa nang script kaya medyo narrative siya..hehe..
Papasencyahan niyo na! Enjoy!!
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...