Chapter 19

13 0 0
                                    


Derrick's POV

Agad akong tumayo sa aking upuan nang matapos magbigay ng instructions si Sir. Pumunta ako sa assigned seats namin. Magkatabing umupo sina Kate at Raffy habang si John naman ay umupo sa kabilang dulo.

Ibig sabihin yung dalawang magkatabing upuan nalang ang vacant at kaming dalawa nalang ni Cassie ang hindi pa nakakaupo.

 Sinenyasan ko si John na magpalit kami nang upuan pero hindi ito nagpatinag na parang sinadya talaga nila ang seating arrangement namin.  

Tiningnan ko si Cassie na papalapit pa sa area namin. Hindi siya tumitingin sa'kin kaya umupo nalang ako sa seat next to John.

"Everybody please be seated." sabi ni Sir. Naupo na si Cassie sa tabi ko. Kausap na niya ngayon sina Raffy at Kate and from what I have heard they were discussing on who's going to be our leader.

"Before I give you your assigned projects. Choose your group leader. Group Leaders please come forward. I'll give you ten minutes to decide. " si Sir.

Agad naman silang tumingin lahat sa akin. I know that look, Iyong tipong sigurado na sila na ikaw ang pipiliin at wala kang mapagpipilian dahil marami sila. so I tried to suggest the first person that crossed my mind. Alam ko rin kasing magaling siya. Matalino...at higit sa lahat she has this grace even under pressure.

"Guys! I'd go for Cassie as our group leader" sabi ko trying to convince them to change their minds.

I gave John my pleading eyes for him to second my suggestion ngunit pinaglipat-lipat lang niya ang kanyang tingin sa'min ni Cassie which is still a good sign for me. Ibig sabihin I can still persuade him.

"Si Derrick nalang guys! Mas magaling kaya siya kaysa sa'kin. at saka...ahmmmm..mas malapit lang yung bahay nila...hehehe...isa pa...officer ako ngayon sa org natin kaya magiging busy din ako. Mas maigi kung siya yung group leader." si Cassie. Lumingon siya sa'kin. Nginitian niya ako sabay sabing 

"Ikaw nalang Dee...please...^_^" ayun oh! sino pa bang makakahindi niyan. hayyyy Cassie kung alam mo lang.

Napalunok ako. Ang bilis nang tibok nang puso ko. After three years...3 long years ngayon ko lang nakita ulit ang ngiti niyang iyon. Siya lang ang nakikita ko ngayon..Feeling ko ang bagal nang takbo nang oras...na para bang tumigil sa pag.ikot ang mundo...

I was still in a trance when someone snapped her fingers in front of me. That brought me back to reality. Nakita kong namumula na ang pisngi niya while trying to get my attention.  

"Dee..ikaw na ha...lumapit ka na kay sir..tayo nalang yung wala pang leader sa harap." sabi niya sa'kin.

Napatango nalang ako...alam kong namumula na rin ang aking mukha...at hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko kay Cassie..Isang salita lang sa lahat nang sinabi niya ang na-register sa utak ko... ISA lang...

DEE...ang sarap pakinggan sa tenga... lalo na't sa kanya iyon nanggaling... siya lang ang tumatawag sa'kin niyan...feeling ko tuloy endearment niya iyon para sa'kin...

Tinapik ako ni John sa balikat. Sign na kailangan ko nang tumayo at pumunta sa harap.

Pagdating ko sa harap may binigay na huling instructions si Sir para sa bawat group..

 Bunotan...Iyon ang paraan ng pagpili ng project para sa bawat group.. Dalawang projects nalang ang naiwan at ako nalang ang hindi pa nakakabunot...Naku naman malas pa naman ako sa bunutan...haysssss...

Bumalik na ako sa area namin to discuss to them kung ano ang mga gagawin namin sa whole semester para sa subject na ito.

"...We will still have discussions...so kailangan parin natin pumunta sa room every meeting para na rin sa attendance... our seating arrangement will be the same as what we have now..ibig sabihin hindi na pwedeng makipag-palit ng upuan..." sabi ko...tumingin ako kay Cassie...bigla siyang namula sa sinabi ko.. Ibig sabihin makakatabi ko si Cassie the whole sem..YES!

"Class! when you're done...you may leave..Thank You" si Sir.

Bago lumabas nang room hiningi ko na ang number nila..Isa-isa naman nilang binigay iyon...Huli kong hiningan ng number si Cassie.

"Cassie...pahingi na rin ng number mo...kung okay lang sa'yo..." sabi ko while offering my phone to her. Nginitian ko siya

"ahmm...si-sige..." sabi niya sabay hablot nung cellphone ko. She inputted her number then returned my phone.

"Thanks!^_^...cge alis na'ko..mauna na ako sa'yo" pagpapaalam ko sa kanya...

Tumalikod na ako at akto na sanang aalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Ahm...Dee...saglit lang..."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: bitin na naman ba??..ang iksi noh??..sorry guys ha..hindi ko na rin kasi alam kung paano isusulat iyong laman nang utak ko..peace y'all...

I'll do my best next chapter..Ganbatte to me! ^_^




Unrequited LoveWhere stories live. Discover now