Chapter 4

12 0 0
                                    

Derrick's POV

Papasok na kami ni Jake sa classroom namin nang makasalubong namin si Sir Jet, yung teacher namin sa Surveying. Nagmamadali siyang lumabas na parang hindi mapakali.

"Oh Boys, buti maaga kayong pumasok. Pupunta na sana akong department eh."  bungad niya sa'min.

"Oo nga Sir eh, ba't po yata parang nagmamadali kayo?"  sagot naman ni Jake.

"Eh kasi nasa labor room na raw yung wife ko. Manganganak na raw. Pakisabi nalang sa class na walang pasok today. Sige alis na ako. Kayo na bahala ha!" sabi niya at agad na umalis.

"Sige Sir! Congrats!" sabay naman naming sigaw ni Jake. Naisipan naming isulat nalang sa board na walang pasok para hindi na namin kailangang hinatyin yung iba pa naming classmates. Lahat naman nang kakilalang nakakasalubong namin eh pinagsasabihan namin para hindi na nila kailangan pang pumunta sa room. Naisipan ko namang bumili muna nang makakain sa Canteen bago umuwi since wala na akong pasok sa hapon.  

"Oi Jake, punta muna akong canteen. May bibilhin lang ako" sabi ko sa bestfriend ko.

"Sige bro, uuwi narin ako sa boarding house. Inaantok na ako eh." sagot naman niya.  

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagpasok ko palang sa canteen, Siya agad yung nakita ko. Yung girl kahapon sa first class ko. Nakatalikod siya sa'kin pero alam kong siya iyon. Tiningnan ko yung mga kasama niya sa table at nakita ko si Karl na boardmate ni Jake. Palagi kasi akong tumatambay sa boarding house nila kaya kami nagkakilala. Naalala kong classmate ko nga pala siya sa surveying kaya...

"Karl!" tawag ko sa kanya. Nag-wave lang siya at sinenyasan akong lumapit kay nilapitan ko na sila. Sinadya ko talagang tumayo sa likod nung girl. Papansin kumbaga pero walang effect, ni hindi man lang siya lumingon...haizzzz...

"Wala daw tayong pasok mamaya sa surveying. May emergency daw si Sir. Nakasalubong ko siya." pag-iinform ko sa kanila. Tumango-tango lang si Karl at yung dalawang girls habang Siya(si girl) at yung katabi niya naman ay focus na focus sa pinag-uusapan nila.

Isa-isang ipinakilala sa akin ni Karl yung mga kasama niya. Hay salamat naman. Sina Tessa at Sam pala yung nakikinig samin habang Liz naman ang pangalan nung kausap Niya(ni girl). 

Magsasalita na sana siya nang makita kong siniko siya nung si Tessa. Hindi ko narinig ang ibinulong ni Tessa sa kanya pero bigla siyang napalingon. Kinabahan ako kasi baka makilala niya ako. Nakakahiya kasi napatitig talaga ako sa kanya kahapon nang matagal. Ikaw ba naman kasi ang makakita nang mala-anghel na mukha..haizzz.. 

Nakita kong namumula na ang mukha niya nang bigla siyang umiwas nang tingin kaya napa-smirk ako. "Hi I'm Derrick and you are?" pagpapakilala ko. I offered her my hand para makipagshake hands. Buti nalang tinanggap niya. "Hello, I'm Cassie" . Ang lambot ng kamay niya para akong nakukuryente. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko.Dug dug dug dug dug dug. Hindi ko maintindihan. Ang bilis ng tibok nito na feeling ko sasabog na siya, Babawiin ko na sana ang kamay ko, mabuti nalang at nauna siya, ayoko kasing ako yung unang bumitaw baka isipin niyang rude ako.

Napansin kong iniiwas niya ang tingin niya sa'kin kaya nagpaalam na rin ako. "Cge Guys, I'll go ahead"  Nag-wave ako saka agad na naglakad paalis. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pag-uwi ko sa bahay nagbihis agad ako saka ko kinuha yung gitara ko. Mahilig akong gumawa nang cover sa mga kanta. Ipinopost ko ito sa youtube marami namang nagla.like... Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko kasing maganda ang boses ko at gwapo pa kaya maraming views lahat ng cover ko. Chineck ko muna yung FB ko nang mapansin kong nag.online siya. nagchat naman agad ako.

"Hi! ^_^" dinugtungan ko na rin nang cute na emoticon na nag-wewave.

"Hello! :)"

"Kamusta?"

"Okay lang...Ikaw?"

"Okay lang din. What u doin'?"

"Movie marathon..(insert emoticon eating popcorn)..Ikaw?"

"Nanonood ng videos sa youtube...Hmmm..pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na..kanina pa!.. :))))"

"Oo nga naman! (insert LOL emoticon)"

Hindi ko na namalayan 2 hours na pala kaming nag-uusap. Isipin mo yun 2 hours akong walang ibang ginawa kundi magchat lang sa kanya.. Pero okay lang masarap naman kasi talaga siyang kausap. Maloko din. Marami kaming napag-usapan. Nalaman kong transferee pala siya. Kaya pala hindi ko siya napansin last year.  Alam ko na rin ngayon na dalawang subjects lang talaga kami magkaklase..haizzz..Ibig sabihin minsan ko lang siya makikita.

Paano ko nga ba nalaman ang FB ni Cassie? Simple lang. Kahapon kasi doon ako tumambay sa boarding house nina Jake. Nagja-jamming kami nang makita ko si Karl sa living room nila. Lumapit ako sa kanya at nakita ko yung picture na vini-view niya sa FB niya...Nakatayo lang ako sa likod niya..Hindi niya yata ako napansin. Tiningnan ko yung name nung may-ari nung picture saka dali-daling umalis. Nang makabalik ako kina Jake in-open ko yung FB ko at sinearch yung name. In-add ko siya agad at agad ding inexit yung FB ko.

Naputol yung pagfa-flashback nang utak ko nang marinig kong may nagbuzz.

"Oi Dee, out na ko uuwi na kasi ako.Ciao! ^_^"  bago pa ako makapagreply nag.out na siya...haizzzz..hindi man lang ako nakapagpaalam.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bitin ba?..hehehe...ito na pinakamahaba kong chapter na nagawa.. Basa-basa din pag may time!..hehehe...Enjoy!


Unrequited LoveWhere stories live. Discover now