Chapter 17

8 0 0
                                    

Cassie's POV

It's been more than 3 years since the last time I had a talk with him. I thought by now I'm used to it but No. Every time I see him in school I couldn't help but ask myself Ano nga bang nangyari? Bakit siya umiiwas? Did I do or say something to him na hindi niya nagustuhan? Pero hanggang ngayon wala pa ring sagot kahit isa man lang sa mga tanong na iyan.

For the first two years after that incident with Jake, hindi ko na siya nakikita during break time... na para bang alam niya kung saan ako pumupunta. at tumatambay. Inakala ko rin noon na may girlfriend na siya kaya hindi na siya tumatambay sa school..kaso sabi ni Jane madalas daw umuuwi yung Kuya niya 'pag walang pasok... haizzzz.. -___-

Madalas na pala kaming magkasama ni Jane kapag walang pasok. Ewan ko ba..magaan lang talaga ang loob ko sa kanya..Feeling ko may nakababatang kapatid ako pag andyan siya...Oi hindi yan dahil kapatid siya ni Derrick ha. Magaan lang talaga ang loob ko sa kanya(defensive). Siguro rin dahil medyo mature na din siya mag-isip at marami din kaming pagkakatulad. Personality wise marami talaga.

Last semester.. napansin kong madalas nang tumambay ulit sa school si Dee. Madalas kasama niya sina Gio. Hindi pa rin niya ko pinapansin o kaya tinitingnan pero at least ngayon nakikita ko na ulit siya nang madalas.

Si Jake? Hindi na masyadong bumubuntot sa'kin. Salamat naman! Although bigla-bigla pa rin siyang sumusulpot. Siguro napagod na rin. Hindi naman din talaga siya nanligaw. Sumasama lang talaga siya sa'min. Minsan nakita ko nga siyang nakatitig sa bestfriend kong si Tessa eh. Alam na alam ko ang ganoong titig noh. Ganoon ko kaya titigan si Dee dati. Alam ko at sigurado ako kay Tessa talaga siya may gusto. Pero kung bakit siya sumasama sa'min? Iyan ang aalamin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Second week na nang pasukan...5th year na kami. Oo 5th year na rin ako.. Meron na din akong 3 advance subjects dahil sa kaka-summer ko. Naging classmate ko din si Dee noong summer kaya ngayon magkaklase kami sa LAHAT ng subjects. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil makikita ko na siya everyday o magiging awkward pa din kasi iniiwasan niya pa rin ako.

Pero naisip ko rin na okay lang kasi kasama ko rin naman sina Tessa, Raffy, Karl, Sam at Liz. Nasanay na rin naman akong iniiwasan niya. Minsan lang talaga awkward kasi may mga times na kailangan ko siyang lapitan. haizzzz.. hindi nalang din ako nagsasalita.

Ngayon nga hinihintay namin yung teacher namin. Part-timer daw tsaka bago. 10 minutes na siyang late pero kahit isa walang lumalabas ng room. Rule kasi namin dito sa University na 30 minutes dapat hihintayin yung teacher kaya heto nag-uusap-usap nalang muna kami sa room.

Paminsan-minsan nililingon ko si Dee. Palinga-linga siya na parang may hinahanap. Umikot ang ulo niya at lumingon sa direksyon ko. Palinga-linga pa din na parang hindi pa niya nakikita ang hinahanap niya..hmmmm...Sino kaya ang hinahanap nito?.. Siguro may crush siyang kaklase din namin. Siguro totoo yung mga naririnig ko tungkol sa kanya. haizzz...Sana ako nalang. -__- ...

Napayuko ako sa naisip ko. Hindi ko maiwasang manghinayang...malungkot... hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Alam ko namang imposible na magkagusto siya sa'kin..A simple, average...ordinary girl..sino nga lang ba naman ako diba.. at saka diba iniiwasan pa niya ako... oh ano ako ngayon..haizzz

May narinig akong tumikhim..Siniko pa ako noong nasa tabi ko. Inangat ko ang ulo ko. Nagulat ako sa nakita ko. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko... Matagal na rin nang maramdaman ko ang ganito. When I looked up nakita kong nakatitig siya sa'kin. Those beautiful dark brown eyes staring straight on me. Hindi siya umiiwas nang tingin kahit na nakita niyang nakatingin na rin ako sa kanya.

Bigla kong naalalang hindi pala niya ako pinapansin kay napatingin ako sa right side ko, nag-uusap lang sina Karl at Tessa... sa kabila ko naman ay ganoon din sina Sam at Liz. Both sides ay walang pakialam sa kanya kaya tumingin na din ako sa likod ko. Walang tao

Tiningnan ko ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa'kin pero ngayon he seemed amused... Tinaasan ko siya nang kilay. Obvious na obvious na pinipigilan niya ang tawa niya. Ngumiti siya. Isang simpleng ngiti. Feeling ko tuloy nasa heaven na ako.

Pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong matuwa...hindi ito dapat nakakatuwa...hindi ako dapat maging masaya dahil lang sa isang simpleng ngiti... dahil ... baka bigla na naman siyang maging snobbish.. baka pagkatapos naman ng araw na'to balik na ulit sa walang pansinan.. masasaktan lang ako... I don't want to hope...

Hoping for something impossible to happen is impossible. Iyan ang natutunan ko sa mga nagdaang taon. Iyan ang natutunan ko sa kanya..sa nangyari sa amin...wala pa ngang nangyayari eh

Natigil ako sa pag-iisip nang may tumikhim sa harapan. Dumating na pala yung teacher namin...

"Good Morning Class.. Today I will divide you into groups...No one can change groups and no one can work individually... You will have to work with your group mates...if you refuse.. DROP this course " sabi nung teacher namin with authority. OH My Gash! Strict si Sir!!!

"...Liz, Karl, Sam, Tessa and Jake you will be in one group.. " pagpapatuloy ni Sir sa groupings.

"Ang swerte nyo naman...haizzz...Sino kaya groupmates ko..." bulong ko kay Tessa. Nag-smile siya bigla at siniko ako.

"Pakinggan mong maigi si sir... last group na daw.." sabay na sabi nina Tessa at Karl na sabay ding tumingin kay sir.

"...and FInally John, Raffy, Kate, Cassandra and Derrick" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni sir. Oh my Gulay!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Cassie's real name is Cassandra Jean which means yung Cassandra sa huli ay walang iba kundi si Cassie. Just to be clear guys... If you haven't figured out sa previous chapters... Jean ang name na ginamit niya sa FB and instagram accounts niya.

You may be wondering kung kalian isasagawa yung plan?..well...soon my friends...kaya enjoy muna kayo! ^_^


Unrequited LoveWhere stories live. Discover now