Cassie's POV
"Dee saglit lang.." pagpigil ko sa kanya. Paalis na sana siya nang bigla kong hawakan ang braso niya.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking lakas ng loob pero naisip kong kailangan ko talaga siyang makausap.
This is now or never. Kailangan nang mawala yung awkward na feeling kasi di ba 5th year na kami..at saka...ngayon group leader pa namin siya... Baka magkaproblema pa kami sa project namin pag nagkataon...
"Oh..Cassie..bakit?" sabi niya sa'kin na nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya..
Namula naman ako sa ginawa niya. Bigla tuloy akong na-conscious. Naku naman! baka akalain niya nananyansing ako...haizzz
Pasimple kong tinanggal ang kamay kong nakahawak pa rin sa braso niya.
"Ahm...Ma-may lakad ka ba ngayon?...mmmm...pwe-pwede ba kitang makausap?...mmm...pe-pero kung may lakad ka okay lang..ne-next time nalang... ba-baka busy ka...sige next time nalang...hehe" nauutal kong sabi.
"Ahhh..wala naman...bakit? may kailangan ka ba? Tungkol saan?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ahhh..pwede bang sa coffee shop nalang tayo sa labas mag-usap? Kung okay lang sa'yo...Don't worry libre ko...ako naman ang nagyaya." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Sana lang hindi niya mahalata ang kabang nadarama ko.
"Oh sure! Wait lang sasabihan ko lang muna sina Jake tsaka Gio..baka kasi hanapin nila ako...Okay lang ba?" tanong niya
"Ahh..sige...pwede bang sa coffee shop nalang tayo mag-meet? Baka kasi magtanong sila kung bakit tayo magkasama.. Nakakahiya naman sa'yo...sasabihan ko rin naman sina Tessa para hindi rin nila ako hanapin...Okay lang ba iyon?" ganting tanong ko sa kanya with a shy smile on my lips.
"Ahh..sige ba...sige magkita nalang tayo sa coffee shop. I'll be there in about 15 minutes..." he said while checking the time.
"Sige sure...see you! ^_^" pagpapaalam ko sa kanya sabay ngiti.
Agad kong pinuntahan sina Tessa para magpaalam. Dumiretso na akong coffe shop pagkatapos.
I arrived at the coffee shop earlier than Dee. He still has 5 minutes... I entered the shop and chose the seat at the far end... Sinadya kong piliin ang pwestong iyon sapagkat walang tao sa parteng iyon.. ibig sabihin tahimik...walang sagabal at higit sa lahat walang makakarinig sa mapag-uusapan namin.
I am still sitting on the table I have chosen earlier waiting for Him. It has been almost an hour since our meeting time but he's still not here.
Um-order na lang ako at aktong gagawa ng assignment. Kanina pa kasi ako dito. Kanina pa ako tinitingnan ng mga staff. Hindi ko nalang sila pinapansin. I act as though wala na akong hinihintay.
I am keeping myself busy with all these assignments but he always pops up in my mind. Bigla-bigla kong naiisip kung bakit hindi siya sumipot.
Honestly, I am disappointed. I mean... I barely have the courage to confront someone. Lalo na kung hindi ko naman kaibigan... matatawag mo ba naman kasing kaibigan ang isang taong iniiwasan ka? Hindi diba?...
Thoughts come rushing in my mind na para bang may nag-aaway sa utak ko.
Baka may emergency...
Baka iniiwasan ka pa rin niya...
Baka nawili sa pakikipag-usap kina Jake...
Baka ayaw ka niya talaga kausapin...
Baka nakalimutan niya...
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...