Cassie's POV
Last day na ngayon ng pasok. I am walking, going to the lobby to meet with the others. Napagkasunduan kasi naming magcelebrate right after nang last exam. Hindi ko kasama si Raffy ngayon kasi nagpaalam siyang susunduin yung girlfriend niya kaya heto't solo flight ako. Buti nga't hindi na naman sumulpot si Jake. Recently kasi para siyang kabote. Sumusulpot nalang bigla kung saan. Hindi ko alam pero sumasama lang naman siya 'pag si Raffy lang yung kasama ko.
Hindi ko na rin masyadong nakikita si Dee. Lately kasi sa classroom ko nalang siya nakikita. Hindi na rin siya tumitingin sa'kin. Tingin ko iniiwasan niya ko. Hindi ko naman mawari kung bakit. May kasalanan ba ako sa kanya? May ginawa ba akong ikinagalit niya? Hindi ko siya maintindihan :(
Dati naman palagi kaming nagkakasalubong sa hallway. 'Pag nagkikita naman kami hindi niya nakakalimutang ngumiti. Alam ba niyang tumitigil ang takbo nang oras ko sa tuwing nagsi-smile siya sa akin?. Na sa tuwing nakikita ko siya nakokompleto yung araw ko?.
Now, everytime he sees me para siyang napapaso. Na para bang may sakit akong nakakahawa. One time I was in the hallway talking with my friends, I saw him, I was taking up all my courage to say Hi pero nung medyo nakalapit na siya't nakilala ako bigla siyang huminto. He turned around and left. It was then that I truly realized na tama nga ang hinala ko. Iniiwasan niya talaga ako :( . I felt hurt...disappointed.. confused... Iyon bang feeling na hindi mo maintindihan kung bakit ka iniiwasan nung taong parati mong nakikita, parating nagsa-smile sa'yo, parating nagpapabilis ng heart beat mo. Okay lang sana sa'kin kahit maging friends man lang kami. Okay lang kahit hindi kami nag-uusap basta't nakikita ko lang yung mga ngiti niya. But now, with all these that happened. feeling ko kahit anino niya ayaw niyang makita ko.
Pagliko ko sa huling hallway na dadaanan ko para makarating sa lobby nakita ko sina Tessa at Jake. They were talking. Their faces were really serious like they were in deep argument. Close pala sila? naisip ko. Kasi diba nagiging sobrang seryoso ka lang naman pag close kayo nung kasama mo?
I was halfway through nang makita kong paalis na si Jake. Si Tessa naman biglang lumingon sa direction ko. Nang makita niya ako agad siyang nag-smile at lumapit.
"Cassie! Anjan ka na pala! Ikaw nalang yung hinihintay namin." bungad niya sakin nang magkalapit na kami.
"OO, eh kasi medyo nahirapan ako sa last exam kaya medyo natagalan ako. Tsaka ang layo kaya dito nung room ko, nasa 4th floor pa." sagot ko naman sa kanya.
Nang makarating na kami sa lobby nandoon na sina Karl, Liz, at Sam kasama yung dalawa pa naming kaklase na sina Marco at Vince. Sabi kasi nila the more the merrier daw. Si Marco mas matanda samin ng 1 year. Medyo late nakapag.college dahil sa sakit niya, Si Vince naman second courser, RMT na iyan eh gusto ding mag.Engineer.
"O Guys san tayo magce-celebrate?" tanong ni Vince.
"Magka-KARAOKE!" sabay-sabay naman naming sigaw. One of the things we do that unites us. Ang magkantahan. Mahilig kaming kumanta lahat. Pare-pareho din yung trip naming music. Pareho ding maganda yung boses namin lahat kaya tuwing magcecelebrate kami madalas sa Music Hits, isang karaoke bar.
Sabay-sabay kaming umalis. Sakay nang dalawang nagco-convoy na kotse. Magkasama kami nina Liz, Karl,at Sam sa isang kotse habang si Tessa naman ang kasama nina Marco at Vince sa kabila. Sa bar na namin din ime-meet sina Raffy kasama nung girlfriend niya.
Nasa Music Hits na kami. We were here for two hours now. Nag-rent kami nang private room kung saan pwede kaming magdisco habang may kumakanta. Medyo tipsy na sina Tessa, Liz Karl at Sam. Sa aming lima ako lang yung hindi masyadong umiinom. Madalas ladies drink with no alcohol content iyong ino-order ko. Natatakot kasi akong malasing.
Lahat nang girls maliban sa'kin andun sa dance floor kasama nina Raf at Karl habang si Vince naman yung kumakanta. Party music kasi yung napagtripan namin kantahin ngayon. Only Marco's left to accompany me. Nag-enjoy naman ako..kahit papano nakalimutan ko iyong lahat ng bagay na may kinalaman ni Dee. Nag-uusap lang kami ni Marco nang makaramdam ako nang kirot sa'king dibdib. Pilit kong huwag ipahalata kay Marco para hindi na sila mag-alala. Nagpaalam muna akong lalabas saglit para magpahangin.
"Marco, labas muna 'ko saglit. Magpapahangin lang. Pakisabi nalang sa kanila."
"Oh cge, lapitan ko muna sila. Will you be alright?" sabi niya, Tumango naman ako at agad ding naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko palang nang pinto, napahinto ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Ate Macy??!"
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...