Cassie's POV
One month na ako dito sa new school ko. Nakapag-adjust na rin ako sa tulong nina Tessa, Liz, Karl at Sam. Marami na rin akong naging kaibigan. Kadalasan mga lalaki. Mas mabilis ko kasing maka-vibes yung mga lalaki kesa sa babae. Ayoko kasi sa mga maaarte. Iyon bang wagas kung makapagmake-up, sobrang iksi nang skirt at panay sleeveless o kaya damit na halos kita na ang kaluluwa. Kaya nga ba maraming nababastos.
One month na rin mula noong nkachat ko si Dee(Derrick). Medyo disappointed nga ako eh. Akala ko kasi tuloy-tuloy na. Sobrang kilig ko pa naman nun. Naalala ko nga na sa sobrang kilig ko napapa.smile ako bigla habang nagre-reply. Isipin nyo ito, nanonood kami nang horror movies: The Conjuring tsaka Annabelle tapos bigla -bigla akong nagsa-smile.. Minsan nga pag di ko na kinakaya yong kilig, nagpapaalam akong pupunta nang bathroom. Hayyyyy Kailan pa kaya yon mauulit?? >.<
Naglalakad ako habang nagde-daydream kay Dee nang biglang may nabunggo sa'kin. "Hala! Sorry! -_-"nasabi ko. Pinulot ko agad yung librong nahulog niya. Pagtingin ko naman sa mukha niya, ngumiti siya sa'kin. Yung ngiting nakakaloko. Gwapo naman siya pero mas pogi parin si Dee. Mas may appeal kasi si Dee sa'kin eh.
"Oi, diba ikaw yung transferee? Cassie right?" tanong niya sakin.
"Uhm, Yes?" sagot ko sa kanya. Nakita niya siguro yung confusion sa face ko kaya nagpakilala siya agad. "Oh! Ako nga pala si Jake, cousin ni Karl. He told me so much about you."
"Oh, I didn't know na may cousin pala si Karl dito." I said. Confused pa din. Bakit di nakwento sakin ni Karl??.
"Oo, kaunti lang kasi ang nakakaalam. Hindi rin naman namin pinagsasabi. Wala rin nagtatanong cause we have different surnames. Yung Dad ko tsaka yung Mom kasi niya yung magkapatid." sabi niya na para bang nabasa niya yung laman ng utak ko.
"Oh I see" magpapaalam na sana ako nang may tinawag siya sa likod ko.
"Bro! Nakilala mo na ba 'tong transferee natin?" sabi niya habang tinuturo ako. Napalingon naman ako. Shaks Naman! Hindi ako ready!!!... Nagsmile agad siya nang makita niya si Jake. OMG! Grabe! Ang Gwapo! Complete na ang araw ko..haizzz..
"Oi Bro, andito ka lang pala. I've been waiting for hours! Nang-chi-chicks ka pa!" sabi niya kay Jake
"OA mo naman bro, nagmamadali na nga ako eh nakabangga ko tong si ms transferee." Ngayon niya lang yata naalala na may kasama sila kaya napatingin siya sakin. Nakita kong nabigla siya na agad namang pinawi at pinalitan nang sobrang cute na smile. May dimples siya!
"Hi S-Cassie!" sabay smile ulit showing his perfect white teeth. OMG nginitian niya ako!!! Cassie Kalma...kalma lang.. huwag pahalata.
"Hello De-Derrick!" nginitian ko na rin siya. Ipinagdarasal ko nalang na hindi awkward o pilit ang ngiti ko..haizzz..
"Bestfriend! Magkakilala na pala kayo? why didn't you tell me?" biglang sabi ni Jake. Nabigla din talaga ako sa sinabi niya. Anak ng Hipon!! Bestfriend??!! Ito pala yung bestfriend na ikinwento sakin ni Dee??..Shaks!
"Oo Bro! Classmate ko kasi siya sa 2 subjects. I didn't know you were interested." sagot niya naman kay Jake. Napansin kong nawala agad ang ngiti sa mga labi niya.
"Hay Bro! Alam mo namang pag beautiful girls eh Go ako diyan. Ikaw talaga" natahimik naman ako. Napansin kong napatingin sakin si Dee. I felt awkward kaya agad akong nagpaalam.
"Oi cge guys! alis na'ko. May klase pa kasi ako." tiningnan ko si Jake at ngumiti "Nice meeting you Jake" ibinaling ko naman kay Dee ang tingin ko saka ko siya binigyan ng aking sweetest smile.
Agad naman akong umalis bago pa nila mapansin yung pamumula nang mukha ko.Cassie huwag kang pahalata!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinilig ba kayo?..ako? soooobra!..hehe...Kilig-kilig din pag may time.
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...