Chapter 10

12 0 0
                                    

Cassie's POV

6 months later...

It's been 6 months since the last time na nagkausap kami ni Dee. Naging magkaklase parin naman kami last semester pero everytime I see him I felt awkward. Iyon bang feeling mo may nagawa kang mali? Iyong parang may nagawa kang kasalanan para hindi ka niya pansinin. I have never figured out kung ano talaga ang nangyari at bigla nalang siyang naging snobbish sa'kin. Up until now I'm still wondering.

Si Jake naman parang buntot. He goes wherever I go. Minsan pinapasakay niya ako pauwi.  Minsan nagpapalusot na ako para huwag siyang sumama. Hindi ko rin siya ma-gets hindi naman kami close. I mean he's weird. I don't really know kung anong motive niya but I will really try to find out soon. Hanggang ngayon kasi bigla-bigla pa rin siyang sumusulpot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ngayon andito kami sa Canteen. I'm with Karl and Tessa. Pinag-uusapan namin ngayon kung anong activities ang sasalihan namin for our sports fest. I already signed up for 2 sports: volleyball and table tennis. Two sports that I love playing. I may not be the best player for these sports but I can say that I can play good. Tessa will also play volleyball with me while Karl said manonood nalang daw sila nina Liz and Sam. They're not really into any sport.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Practice game namin ngayon for volleyball. Our coach gave us a 15-minute break when somebody suddenly shouts my name...

"Cassie!" Napatingin ako sa tumatawag. Si Lance pala, classmate ko nung highschool. Pagtingin ko sa kanya nag-wave siya at lumapit agad siya sa'kin.

"Hi Cassie! may favor sana ako sa'yo" bungad niya. Ngayon lang kami ulit nagkita after 2 years pero iyan talaga pambungad niya sakin. Grabe!

"What?" I asked

"Pwede bang ikaw nalang maglaro sa game namin ni Christy sa Table tennis? mixed doubles...kasi may lakad pala kami sa schedule nung game namin. Sige na ha.. Magaling ka naman eh!" sabi niya. Same lang pala kami nang course na kinuha.

"Ayoko nga! wala pa akong experience sa mixed doubles noh! Tsaka wala rin akong ka-partner!" sagot ko naman

"May partner ka na! Kilala mo si Gio? Yung top sa batch natin? Siya yung magiging ka-partner mo. Don't worry he's good. Please?" he asked again this time with puppy dog eyes and perfect smile. Haizzz talaga naman!

"Hindi ko siya kilala noh? Isa pa..How can I be sure na darating siya sa araw nung game? Baka mag-waste lang ako nang time...mafo-forfeit lang." sabi ko naman sa kanya.

"Oo na yan ha! Wait lang pupuntahan ko siya...Babalik ako agad" pagpapaalam niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kakatapos lang nung practice game namin nang bumalik si Lance kasama yung GF niya. Hindi ko agad sila nilapitan dahil may reminders pang sasabihin si coach kaya umupo muna sila sa bleachers. Noong natapos na kami, naglakad ako patungo sa kanila, kasama ko si Tessa. Tumayo naman sila agad nang makita kaming parating.

"Cassie! Nasabihan ko na siya. Darating daw siya." sabi ni Lance. Nag-nod lang ako sa kanya saka ngumiti sa GF niya.

"Cassie Thank you ha.. Okay lang ba talaga sa'yo? baka kasi pinilit ka lang ni Lance.. May family gathering kasi kami sa araw na yun..eh sinabihan ko si Lance na maghanap siya nang ibang partner pero gusto niya daw sumama sa'min..Buti nalang talaga pumayag ka.." saad ni Christy sabay ngiti na parang nahihiya.

"Okay lang yun Christy anyway nandito naman ako sa school niyan and hindi naman siya nag-conflict sa activities ko kay pwede kong iinsert sa schedule ko. Kaya lang hindi ko naman kilala iyong partner ko kaya baka matalo lang din kami. hehe" tugon ko naman sa kanya.

"Hala! Mas may chance pa nga kayong manalo eh. You both play better than us individually so you really have better chance than us." si Christy.

"Cass, sino nga ba ang magiging partner mo diyan sa table tennis?" tanong naman ni Tessa sa'kin na kanina pa nakikinig.

"Hindi ko kilala...sabi ni Lance Gio daw yung pangalan eh.. Top daw natin yun" sagot ko naman sa kanya.

"Si GIO?! You mean the great Gio na halos i.perfect lahat ng exam sa lahat ng majors natin?!? Sporty din pala siya?" biglang sabi ni Tessa.

I frowned at her outburst. Ganon siya kagaling?. Tiningnan naman ako ni Tessa na nakataas ang kanyang kilay na parang sinasabing Ba't di mo siya kilala? Pinandilatan ko naman siya ng mata and gave her a should-I-know-him look. She just shrugged. Nagpaalam naman sina Lance at Christy dahil may gagawin pa raw sila.

Maya-maya may napansin kaming pumasok sa Gym. A group of guys. Hindi ko sila kilala kaya hindi ko na rin sila pinansin.

I was arranging my things para makauwi na kami nang biglang may huminto sa gilid ko.

"Hi! I'm Gio... Cassie right?" sabi niya habang nakangiti.

Tiningnan ko lang siya. Napansin kong kausap na ni Tessa iyong iba pa niyang kasama.

"Uhh, hello!" ang nasabi ko lang.

"Lance said you were asking for my number..." sabi niya.

ANO RAW!!! humanda ka sakin Lance! Grrrrr... I stood there shocked, wide-eyed and totally embarrassed. I have never asked a man for his number. Lalo na kung hindi ko naman kilala..Grabe! He must have seen how flustered I am so he continued...

"...Don't worry..I didn't believe him..I just came here to ask for your number instead...I mean it will be easier kung may contact ako sa'yo...if it's okay with you..." he stared at me waiting for my response.

"Ahmmm... sure..." I agreed. He then handed me his phone.

"Just type it here then..."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Ang dami bang new characters?.. Pasencya...don't worry you'll know their importance sooner or later..hehehe..Please vote! and comments are highly appreciated! ^_^

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now