Chapter 6

16 0 0
                                    

Cassie's POV

Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. I'm with Raffy, isa sa mga naging ka-close ko. Classmate ko siya sa lahat ng subjects. Pareho kasi kaming transferee, nag-accountancy kasi siya bago nag-CE..Sayang nga eh, 1 year nalang pala sana yung kulang para grumaduate siya eh ang kaso gusto niya talaga maging Engineer kayo ayun...shift agad..

Si Raffy pala lagi kong kasama kapag may ibang class sina Tessa. Madalas pag wala kami sa canteen, sa library kami tumatambay para magpalamig, malakas kasi dun yung aircon. Eh ngayon nga papunta kaming canteen para magmeryenda nang may mapansin si Raffy.

"Oi, Cass, anjan na naman siya! Tingin ko talaga stalker mo yan. Parang alam na alam niya kasi yung sched mo." sabi niya sa'kin habang patingin-tingin kay Jake.

"Oi Hindi Ah! Malay mo naman Raf same lang talaga yung vacant time natin and coincidence lang na nandun siya kung saan tayo laging tumatambay." nasabi ko. Pero ang totoo nagdududa na rin ako. Napapansin ko na rin kasi. Hindi naman siya lumalapit.

"Coincidence? Parang OA naman na yata ang pagiging coincidence niyan Cass. Isipin mo nga natapos nalang yung midterms... tapos finals na natin next week eh nandoon siya parati kung saan tayo lagi tumatambay. Dati ko na siyang nakikita. Akala ko rin dati coincidence lang eh parati naman siyang tumitingin sa table natin. Alangan namang ako yung tinitingnan niya." Sabi niya sa'kin sabay irap.

Ang totoo niyan matagal ko na ring napapansin si Jake. Alam ko rin na ako yung tinitingnan niya lagi. Kapag si Raffy naman kasi yung kasama ko, sa corner kami parati pumepwesto. Kasi kung hindi niyo pa napapansin masyadong talkative si Raf.. Mas makwento siya kaysa sa'kin..mas observant din..siya rin kaya yung unang nakahalata sa ginagawa ni Jake.

Paupo na kami ni Raf sa favorite spot namin dito sa Canteen nang mapansin niyang palapit sa'min si Jake.

"hoy Cass! Lumelevel-up..Lumalapit na..baka mamaya niyan papalitan mo na ako.Siya na lagi mong kasama." panunudya niya.

"Hindi ah! Ikaw pa...eh ikaw pa naman yung study buddy ko maliban kina Tessa." paninigurado ko sa kanya.

"Hi Cassie! Pwede makishare ng table?" sabi ni Jake nang makalapit na siya sa'min sabay ngiti. Tiningnan ko naman muna si Raf bago sumagot. Nag.nod naman siya agad kaya...

"Ah, sure. Sige maupo ka" medyo nag-aalangan kong sagot.

Naupo naman agad siya sa tapat ko. Kumakain lang talaga siya. Hindi siya nagsasalita..Iniiwas niya rin yung tingin niya samin, kaya kami nalang ni Raf yung nag-uusap.

Paminsan-minsan nililingon ko siya kasi nga baka interesado siya sa pinag-uusapan namin ni Raf. Tuwing napapansin niya naman na nakatingin na ako sa kanya bigla siyang nagsa-smile ^_^. Ang Weird!

Nung hindi ko na kinaya ang ka-weirdohan ni Jake, siniko ko si Raffy at binigyan ng You-do-something-para-makaalis-na-tayo-dito look. Ang weird kaya nung taong tinititigan ka lang tapos hindi nagsasalita. Tapos bigla pang ngumingiti pag tinitingnan mo...

Buti nalang talaga at matalino tong si Raf, nagets niya agad yung ibig sabihin ng tingin ko.

"Cass malapit na pala yung klase natin.Kailangan na natin umalis, pero samahan mo muna ako sa department ha may kukunin lang ako, may time pa naman eh" sabi niya sakin sabay wink ;). Napatingin naman agad ako sa relo ko May 30 minutes pa kami kaya naisip kong okay na rin na excuse yun.

"O cge ba.. tara!" sabi ko kay Raf. Tumingin naman agad ako kay Jake para magpaalam. "ahm Jake...we'll go ahead..may pupuntahan raw kasi kami ni Raf, cge ha" Tiningnan ko si Raf saka sabay kaming tumayo.

"Pwedeng sumama?" biglang tanong ni Jake. Nagkatinginan naman kami ni Raf. Shaks grabe din ang isang to ah! Hindi maka-gets! . Binigyan ko naman agad si Raffy ng magpalusot-ka!-look.

"Ah kasi Jake may kakausapin pa kami tsaka kikitain namin sina Tessa. Cge ha" palusot naman ni Raf. Lumingon siya sakin sakto naman nag-ring ang cellphone ko. Tessa calling... Saviour ka talaga Tessa! ^_^

"Hello! Tessa! papunta na kami ni Raffy diyan.." nagwave nalang ako kay Jake saka agad naglakad paalis. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang makita ko Siya..OMG!

Napansin kong palipat-lipat ang tingin niya sakin tsaka kay Jake. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, biglang naging blank ang expression ng mukha niya at dali-daling iniwas ang tingin niya sakin. Hala! Anong Nangyari! Dineadma ako!??! -_-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sino kaya yun?? Bakit kaya nangdeadma?...At aba! stalker type pala si Jake..nakakatakot naman!..

Medyo maiksi yung update ko ngayon..pasencya na!

Enjoy!

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now