Derrick's POV
We will have a meeting today with my group mates for our Research Project. It is a meeting yet I can't help but think that Cassie will be there too so I need to look presentable. I want to look good for her.
Hindi naman ako mapili sa damit na isusuot. Madalas kung ano man ang kunin ko sa closet yun na agad ang isinusuot ko ngunit ngayon para akong babae. Hindi ako makapili agad nang susuotin. Hay naku naman talaga. Ano bang ginawa mo sa'kin Sie!!! ang nasabi ko nalang sa aking sarili.
Sa huli naisipan kong suotin ang kulay maroon na polo shirt ko at cargo shorts at sneakers. Mabilis akong nagbihis at agad nang pumunta nang coffee shop.Isang oras pa ang hihintayin ko para sa oras ng aming pagkikita ngunit sinadya ko talagang maging maaga dahil gusto kong andun na ako pagdating niya.
Naisip kong doon na rin magbreakfast since maaga pa naman.
Habang kumakain napansin kong may couple na pumasok sa coffee shop. They look so weird dahil sa suot nila. Imagine this, they are both wearing hooded jackets tapos ang laki pa nang shades nila na halos buong mukha na ang natatakpan. They look really suspicious kaya napaisip ako.
They both look like my age. Napatingin sila sa direksiyon ko. Obvious naman na ako ang tinitingnan nila dahil wala naming ibang tao dito sa gawi ko.
Pagkaupo nila agad na dinukot nung babae yung cellphone nya at may tinawagan. Saglit lang yun dahil parang wala pang isang minute ibinaba niya na ang cellphone niya.
I managed to finish my breakfast kahit paulit-ulit kong pasimpleng tinitingnan yung weird couple. Hindi ko alam kung anong hinihintay nila ngunit napansin kong nagging madalas yung pagtingin nila sa area ko.
I asked the waiter to clean my table para pagdating ng groupmates ko ay malinis na siya. I was about to text John when I received a message from Kate saying na hindi na siya makakapunta dahil may biglaang lakad daw sila ng mama niya. I replied to her saying it should be fine dahil apat pa naman kaming mg.be-brainstorming.
Pagkatapos kong ma-send yung message ko para kay Kate eh tumawag naman si John.
"Hello Bro! Hindi ako makakapunta ngayon sumama kasi yung pakiramdam ko. Naparami yata ang inom ko kagabi. Pasencya ka na ha..Pakisabi din sa kanila. Sige Bye" Pagkatapos noon ibinaba na niya yung tawag.
Anong meron sa mga tao ngayon? Bakita parang bigla naman yata silang hindi makakapunta? Sana lang dumating kahit man lang si Sie! Naisip ko,
Napatingin ako sa labas. Nandoon na pala siya. Nakatayo lang at may kausap sa phone. Baka si Raffy.
Pagkatapos noon nakita kong ibinaba niya na ang cellphone niya at pumasok na ng coffee shop.
"Cassie! dito!" sigaw ko sa kanya.
Nang marinig niya ang boses ko ay agad niya akong hinanap. Kumaway pa'ko sa kanya at ngumiti. Nakita niya naman ako.
Nagtungo na siya sa table ko nang bigla siyang lumingon. Hindi ko alam kung sino ang tinitingnan niya dahil sa sobrang daming tao sa banda ng tinitingnan niya. Malapit na siya sa table nang mabangga siya sa upuan ng table ko.
"Ouch! >.<" ika niya.
"Oi Cass! Dahan-dahan lang. Sino ba kasi yang tinitingnan mo?" sabi ko. Bigla naman akong nag-alala dahil parang wala siya sa kanyang sarili.
"Huh? ah eh wala.. yung super weird couple lang sa far end. Eh ang init-init kasi tapos naka-jacket pa sila." sagot niya sa'kin na nakatingin ulit sa kabilang banda nang coffee shop.
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...