A/N: Starting with this chapter I will only do Cassie and Derrick's POV unless I super need to switch it to other characters. I will try my best to focus more on their story.
Cassie's POV
It has been a week since I started to get along with Derrick. Hindi pa man kami ganoon ka-close pero at least ngayon nag-uusap na kami as if magkaibigan na talaga kami.
He doesn't ignore me or act weird around me anymore. Nag-uusap na kami na parang normal na magka-klase. Walang ilangan.
Although minsan napapansin kong medyo nahihiya pa siya sa'kin which is a given since matagal din kaming hindi nagpapansinan.
Ngayon nga ay magkikita kami sa favorite coffee shop ko para mapag-usapan yung research paper namin.
Hindi naman kaming dalawa lang. Lahat ng members ng group namin ay kasali.
Habang naghahanap ng maisusuot, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na "Hindi ito DATE Cassie! Ano ba yan! Ba't nahihirapan kang mamili ng damit?!!! Hayzzzzz" .
Halos 30 minutes na kasi akong pabalik-balik sa closet ko at naghahanap ng damit. Ang dami nang nakalatag sa higaan ko. Halos lahat na yata nang magaganda kong damit ang nandoon. Sa huli, nakumbinsi ko ang sarili kong magsuot nalang ng isang simpleng shorts, blouse na kulay maroon at sneakers.
9a.m ang usapan namin. 7:30 pa lang kaya napagpasyahan kong mag-breakfast nalang muna. Oo ako na ang maagang nagising. 6a.m palang gising na'ko. Weekend pa naman ngayon. Excited kasi!
Pagkatapos kong kumain, naghugas muna ako ng pinggan bago umalis.
In-expect kong ako ang mauunang dumating sa coffee shop sapagkat maaga akong umalis ng bahay. Pagkababa ko pa lang ng jeep ay tinawagan ko agad si Raffy.
Ako: "Hello! Raffy! sa'n ka na? Nandito na akong coffee shop."
Raffy: "Cass! Hindi mo ba na-receive yung message ko sa'yo kaninang umaga?"
Ako: "Huh? Nag-text ka ba? Wala naman yata akong na-receive eh"
Raffy: "Ano? eh nagtext kaya ako. paki-check nga sa inbox mo. Baka di mo lang nabasa."
Ako: "O cge. Wait lang ha..wag mong ibababa."
Chineck ko kaagad yung inbox ko. Meron nga. Kaninang 6:30 ko na-receive yung text niya.
Ako: "Raffy! Ba't di ka makakarating?? Anong emergency iyan?..Naman eh!"
Raffy: " Kasi ano...ahhh...pinapauwi ako ni mama.. tama.. nakasakay na nga akong bus ngayon pauwi eh... pasencya na talaga Cass.."
Ako: " Ganyan ka eh...nang-iiwan...haizzz..wala naman na akong magagawa.. Sige.. sasabihan ko nalang sila."
Raffy: "Pasencya na talaga Cass. Hayaan mo next time.. babawi ako..Promise..."
Ako: "Okay lang... basta ha...aasahan ko yan..Cge na bye"Pagkababa ko nang cellphone ko pumasok na ako sa coffee shop.
"Cassie! Dito!" sigaw nang isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siya na nakakaway sa'kin. Nasa dulo pala siya nakaupo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ba't ako kinakabahan? Naisip ko.
Bago pa man ako makalapit sa table namin, may napansin akong super weird na couple sa kabilang side. They were both wearing jackets and shades. Tapos naka-cap pa. Ang init kaya ngayon. kaya nga naka-shorts at blouse lang ako eh...weird!
Medyo familiar yung faces nila kaya lang hindi ko maisip kung bakit. Hindi ko naman makita yung mukha nila dahil sa laki ng shades at isinuot pa nila yung hood nung jacket nila. Weird talaga!
Dahil sa kakatingin ko sa Weird Couple na iyon hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa table namin, nabangga tuloy ako sa isang chair.
"Ouch! >.<""Oi Cass! Dahan-dahan lang. Sino ba kasi yang tinitingnan mo?" sabi niyang may halong pag-aalala. Pag-aalala nga ba?
"Huh? ah eh wala.. yung super weird couple lang sa far end. Eh ang init-init kasi tapos naka-jacket pa sila." sagot ko sa kanyang nakatingin ulit sa weird couple sa dulo.
He followed my gaze at nakita din niya yung couple na sinasabi ko. Napangiti siyang labas ang dimples niya. Saka ko lang napansin yung suot niya. Terno pala kami. He's wearing a maroon polo shirt, shorts na hangang tuhod and sneakers.
Nagmukha tuloy kaming couple sa damit namin. Talaga naman!... Kinilig ako sa naisip ko.
Fresh na fresh pa siyang tingnan. obvious na bagong ligo. sabagay malapit lang naman yung bahay nila dito. Ang gwapo niya naman ngayon...hayyy... Bigla tuloy akong n.conscious."Ba't ka namumula? May lagnat ka ba?" bigla niyang tanong. Nakatingin na pala ulit siya sa'kin.
Bigla niyang hinawakan ang noo ko. Lalo naman akong namula.
"Huh? Ah eh..wala..okay lang ako.. Dala lang siguro ng init..Siya nga pala... Si Raffy hindi raw makakarating. Pinauwi raw siya ng mama niya." pag-iiba ko ng topic. Baka mahalata niyang kinikilig ako..nakakahiya!
"Ganoon ba? Eh tinawagan rin ako nina John at Kate sabi nila di rin daw sila makakarating... Haizzz.. Pa'no to? Tayong dalawa lang" pag-iinform niya naman sa'kin.
Nakita kong parang tumaas yung gilid ng labi niya na tila ba pinipigilan niyang mapangiti. Ba't naman siya mangingiiti? pagkokontra ng utak ko sa nakita ng mga mata ko.
"So ano nalang ang gagawin natin ngayon?" naitanong ko sa kanya. Baka kasi gusto niya nalang umuwi kesa makasama ako.
"Hmmm... Okay lang ba kung magbrainstorming nalang muna tayo kung paano gagawin yung research natin. Kahit yung sequence lang ng gagawin natin. Para naman di masayang yung pagpunta mo dito. Medyo malayo pa naman ang sa inyo. Okay lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Di ko maiwasang mapangiti sa pagka-gentleman niya. Kahit papano di siya nag-suggest agad na umuwi nalang at iwan ako dito.
"Oo..okay lang naman... kahit naman siguro hindi matuloy yung meeting natin tatambay pa rin ako dito." sagot ko naman sa kanya nang nakangiti.
Nag-stay muna kami sa coffee shop. Madali lang kaming natapos sa pagbe-brainstorm ng mga gagawin namin later para sa project kaya nag-usap muna kami ng ibang bagay.
"Sie! Ma-may lakad ka ba ngayon after dito?" bigla niyang tanong sa'kin.
"Ah...wala naman... pupunta sana kami nina Tessa doon sa bagong bukas na Carnival kaya lang na-cancel kasi marami ang hindi makakasama." sagot ko naman sa kanya.
"Ganoon ba? Ako din eh gusto kong pumunta doon...Hmmm... Gusto mo bang pumunta?... I mean...Okay lang bang magpasama sa'yo?"
"Ahhh...ehhh...nagpapasama ka sa'kin sa carnival?" nalilito kong tanong sa kanya. Is he inviting me??! O.O
"Sana... Kung Okay lang sa'yo...." sabi niya na parang kinakabahan.
IS HE ASKING ME OUT ON A DATE??? IS THIS A DATE???
"Sure! ^_^"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Here you go guys! Another update. Sorry kung natagalan medyo nagging super busy lang..hehehe peace y'all (^_^) V
Anyway baka makapag-update ako ng sunod-sunod next week dahil marami na akong time! Weeeeeeh!
YOU ARE READING
Unrequited Love
RandomAlam mo yung feeling na kompleto na ang araw mo sa tuwing nakikita mo siya? Yun bang biglang bumibilis ang tibok nang puso mo tuwing nakikita mo ang ngiti niya. Yung parang nasa heaven ka na sa tuwing titingnan ka niya... Iyan ang nararamdaman ni Ca...