Hindi sumabay si Anna sa hapunan na ipinagtaka ni Padre Gabriel.
"Wala ba sa taas si Anna?" tanong ni Padre Gabriel.
"Nandoon po, hindi raw po muna siya sasabay dahil busog pa raw po siya," sabi ng katiwalang si Bining.
"Naku, akyatin mo uli, sabihin mong masamang tinatanggihan ang grasya." Utos ni Padre Gabriel.
Paakyat na si Bining na masalubong niyang bumaba ng hagdan si Anna.
"Narito ka na pala iha," ani Aling Bining.
"May problema ka ba iha?" tanong ni Padre Gabriel.
"Wala po." Ani Anna at tiningnan si Adrian sa kinauupuan nito.
"Buweno, sumabay ka na sa amin, kanina pa naghihintay ang pagkain."
"Salamat po, pero ang totoo'y busog pa po ako, bumaba lang ako dahil gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na nakahanap na po ako ng matitirhan ko pansamantala habang nagbabakasyon po ako rito."
"Bakit iha, hindi mo na ba gusto rito."
"Hindi naman po, ang katunayan eh maganda po rito."
"Iyon naman pala eh, bakit ka lilipat, hindi ka naman kita pinaaalis, at isa pa hindi ba wala kang pera."
"Huwag po kayong mag-alala Padre, meron po akong naitago, at tsaka malapit lang naman po rito sa simbahan, diyan lang naman po kina Aling josefa." Ani anna na pilit iniwasan tingnan si Adrian.
"Diyan ba kay Josefa, aba'y malapit lang naman pala."
"Hayaan po ninyo at araw-araw naman po akong pupunta rito para bisitahin ko kayo."
"Desidido ka na ba talaga?" ani Padre Gabriel.
"Opo. Sa katunayan po ay sa isang linggo na po ako lilipat."
"Ganoon ba. Pero tatandaan mo, kapag kinakailangan mo ang tulong, katukin mo lang ang pinto nitong simbahan at welcome na welcome ka rito."
"Salamat po."
----------
Gabing-gabi na ngunit nasa hardin pa rin si Anna, nakaupo at nag-iisip. Nang makita siya ni adrian ay nilapitan siya nito.
"Sorry," ani Adrian.
"Wala 'yon," ani Anna na para bang nakonsiyensiya ng makita ang hitsura ni Adrian."
"Sigurado ka?"
"Oo, pasiyensiya ka na sakin," ani Anna. "Marami lang kasi akong problema."
"Ganoon ba." Ani Adrian. "Baka may maitutulong ako."
"Salamat na lang, pero, kaya ko pa naman,' ani Anna.
"Huwag ka sanang makukulitan sa akin, pero sa tingin ko masyadong mabigat ang dinadala mo, kailangan mo talaga ng tulong ng ibang tao, hindi man sa akin, pero puwede mong sabihin kay Padre Gabriel, tiyak naman maiintindihan ka noon," payo ni Adrian.
"Pasiyensiya na, pero, hindi ko talaga puwedeng sabihin kahit kanino, hindi pa ngayon, pero hindi mo alam, baka balang araw, kailangan ko na talagang may pagsabihan nitong problemang ito, malay mo sabihin ko sayo, nagkakaroon na rin kasi ako ng tiwala sa'yo." Ani Anna.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..