"Mukhang maaga tayo, hon." Ani Gladys kay Andrew.
"Oo nga, magi-eight pa lang naman kasi." Sagot naman nito.
"Okay lang iyon, para mahaba-haba ang inuman."ani Paul. "Don't worry Anna, before nine or ten, ihahatid na kita." Panigurado niya. "Thank you, nga pala uli, ha." Muling pasasalamat ni Paul ng nasa loob na sila ng bar.
Ngumiti lang si Anna, tanda na okay lang sa kanya. Halos malula siya sa dami ng inorder na pagkain ni Paul. Mukha ngang magtatagal sila sa bar na iyon sa loob-loob niya.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nagsimula ng dumami ang tao sa bar na iyon. Ang iba nga na paparating pa lang ay wala ng maupuan. Nagsimula na rin ang kantahan na hated ng bandang tumutugtog doon. Mga makabago ang kantang kinakanta ng mga ito, maliban na lamang sa mangilan-ngilang lumang kanta na nire-request ng mga customer.
"Now it's time for our audience to sing." Ani ng babaeng vocalist na hinihingi ang participation ng audience.
Nang marinig iyon ng mga customer ay walang kiyeme itong nagsipag-participate. May mga ilan na kumanta ng sintunado, at may mga mangilan-ngilan lalo na ang mga matatanda na kumanta ng napakalumang kanta na kung ihahalintulad ngayon ay masasabi mong baduy.
"Okay last na lang." Iyon ang request ng vocalist. "Isang audience partcipation pa, and then kami na uli."
"Anna! Anna!" ani Paul, na sinabayan na rin nina Gladys and Andrew.
"Hindi, ayoko," namumulang sabi ni Anna.
"Sige na, napakaganda ng boses mo." Ani Paul.
"Oo nga naman, pa birthday mo na sa akin." Ani Andrew.
"O, birthday wish na iyan." Ani Gladys.
"Please." Muling pamimilit ni Andrew.
"Anna! Anna! Anna!" panimula muli ni Gladys na sinundan ng dalawa.
Walang nagawa si Anna kung hindi ang tumayo dahil nakuha na ng tatlo ang atensiyon ng vocalist.
Lumapit ang vocalist sa kinaroroonan niya upang siya ay kausapin.
"You are?" tanong ng vocalist.
"Anna." Nanginginig niyang sabi. Halos matuyuan siya ng laway.
Oo, aaminin ni Anna, sanay nga siyang kumanta sa harap ng maraming tao, pero hindi iyong biglaan. Hindi niya kasi iyon pinagpraktisan.
"Anong kakantahin mo, ang request ko lang no medyo senti naman, ng makapag-emote naman ang mga customer natin." Ani ng vocalist. "Gusto niyo ba 'yon?" tanong pa nito sa mga audience.
"All By Myself." Request ng isa sa mga audience.
"All By Myself daw, ang taas noon, pero alam ng banda iyon, ikaw Anna, alam mo ba iyon." Tanong muli ng vocalist.
Tumango si Anna. Bumilang ang keyboardist ng lima para simulan ang kanta.
Halos hindi makapaniwala ang audience sa ganda ng boses niya. Mangha silang lahat. At mismong si Anna ay nadala na rin ng kanta dahil umakma ang lyrics ng kantang iyon sa nadrama niya ngayon, nag-iisa at nalulungkot. At dahil nga nadala siya ng kanta, ay lalong pinamangha pa niya ang mga nakikinig. Isang malakas na palakpakan ang ibinigay sa kanya ng mga tao roon sa bar ng matapos ang kanyang pagkanta.
"Oh right!" napahiyaw na sabi ni Paul habang papalapit si Anna sa kanilang lamesa.
"Galing," ani Andrew.
"Wa me say, you are so talented." Ani gladys.
"Thank You." Ani Anna ng makaupo na ito sa kanilang table.

BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..