Mabigat ang loob ni Anna dahil magdadalawang araw na siyang iniiwasan ni Adrian. Lalo pang nagpalungkot sa kanya ang dahilang aalis na siya sa simbahan at lilipat na sa uupahang silid ng hindi man lamang niya nakakausap si Adrian. Naisipan niyang puntahan ito sa kuwarto nito matapos mag-hapunan para harapin na.
"Adrian." Mahinang tawag niya rito ngunit alam niyang rinig ito ng lalaki.
"Pasiyensiya ka na Anna, wala pa akong panahong makipag-usap sa'yo." Mahinang sabi nito sa kanya.
"At kailan ka magkakaroon ng panahon, sa tingin ko malabo pang mangyari iyon pero kinakailangang mangyari na iyon ngayon. Alam kong mali ang ginawa ko, kaya nga ako naririto." Simula ni Anna. Isipin mong walang malisya iyon, dahil iyon ang totoo o kaya naman, hinihilinhg ko lang. Kalimutan mo na lang na ginawa ko iyon. Maaari bang kalimutan mo na lang iyon?" tanong niya.
Hindi nakasagot si Adrian, pakiramdam niya ay parang mahirap iyong kalimutan.
"Ano ba? Sumagot ka naman." Hiling niya.
Hindi pa rin sumagot si Adrian.
"Adrian, lilipat na ako bukas, oo nga at malapit lang iyon rito, pero hindi na iyon magiging kagaya ng dati, ng una tayong magkakilala, at tiyaka ayaw ko namang umalis ng simbahang ito ng may galit ka sa akin."
"Mabuti na nga sigurong ganito na lang ang sitwasyon natin." Ani Adrian na sa wakas ay nagsalita.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." Naguguluhang sabi ni anna.
"Mabuti pang magkahiwalay tayo."
Lalong nagulat si Anna sa sinabing iyon ni Adrian. "Pero darating rin ang araw, malay mo sa lisang linggo, o sa isang buwan, magkakasalubong din tayo sa daan, at ayaw ko namang dumating iyon na nagkakailanganan pa tayo sa isa't-isa. Bakit ba ganyan ang reaksiyon mo?"
Hindi sumagot si Adrian. Ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan na kapag tumagal pa silang dalawa at magakasama, baka tuluyan ng makalimot si Adrian at iwanan ang propesyong mahal na mahal niya.
"Huwag mo naman sanang gawin uli ito sa akin, magsalita ka naman." Pakiusap ni Anna.
"I'm sorry Anna, I can't." ani Adrian at tinalikuran si Anna.
Katulad ng una nilang pag-uusap, wala ring nangyari rito. Hindi rin nila nailabas ang mga gusto nilang ipaabot sa isa't-isa.
Maulan ang araw na iyon. Hindi alam ni Anna kung bakit, pero pakiramdam niya ay sumasabay ang buhos ng ulan sa dalamhating nadarama niya. Hindi man ganoon katagal ang inilagi niya sa simbahan, pero ewan niya ba, ang pakiramdam niya ay naging bahagi siya ng isang pamilya, ppamilyang kasama si Padre gabriel, Bining at Adrian, ang pamilyang kailanman ay hindi niya naranasan sa totoo niyang pamilya.
"Adrian," tawag sa pinto ni padre Gabriel.
"Bakit po?" tanong ni Adrian matapos buksan ang pinto.
"Anong klaseng ugali ba iyang ipinakikita mo, hindi ko itinuro ang ganyang klaseng asal sa'yo."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin." Painosenteng tanong ni Adrian.
"Huwag ka nang magkaila, alam kong alam mo ang sinasabi ko, hindi ka man lang ba naawa sa tao," ani Padre Gabriel at pumasok sa may silid ni adrian at marahang isinara ang pinto. "Aalis na si Anna, hindi mo man lang ba siya sasamahan."
"Para ano pa po, malapit lang namn po ang lilipatan nila."
"Hindi nga ako nagkamali, nakikita ko sa'yong mga mata, hindi ganyan ang reaksiyon mo kung para sa'yo ay walang malisya ang ginawa ni Anna."
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Fiksi RemajaMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..