Chapter Thirteen

45 0 0
                                    


Kinabukasan, halos dalawampung minuto na ang nakaraan sa pinag-usapan nilang oras para magkita ay hindi pa rin dumarating si Anna. Kahit na ganoon ay abot pa rin ang kaba ni Adrian. Hindi sioya makapaniwala na mangyayari sa kanya na siya ang yayayain ng isang babae.

Halos abot hanggang tenga ang ngiti ni Adrian ng makita ng dumarating na si Anna. Sa malayo pa ay aninag na niya ang kagandahan nito.

"Sorry ha, mukhang kalahating oras akong late." Ani Anna.

"Okay lang, kabibihis ko pa lang naman." Pagtatakip ni Adrian sa sarili pra hindi mapahiya sa sobrang eksaherado niya. "Saan ba tayo pupunta?"

"Actually, hindi ko alam," natatawang sabi ni Anna. "kaya nga kita isinama dahil bukod sa kailangan ko ng kasama sa pag-cecelebrate ko, kailangan ko rin magpasama dahil hindi ko alam kung saan ko icecelebrate ang special ocassion na ito."

"Gano'n?" ani Adrian na pakiramdam ay isinama lang dahil kailangan siya ni Anna.

"Oh, huwag kang mag-alala, talagang kailangan kita, dahil ikaw ang date ko."

"Hindi ba very awkward ang situation na iyon. Ako ang magtuturo ng restaurant and then ikaw ang magbabayad." Nahihiyang tanong ni Adrian.

"Ano ka ba, magtatalo pa ba tayo, first, ako ang nagyaya, second, ako ang celebrant, and third ako ang magbabayad so leave it all from me, and believe me, everything is fine."

Hindi na nakuhang magtanong pa ni Adrian. Ipinaalam na niya ang susi ng sasakyan ni Padre Gabriel nang mayroong magamit sa okasyon.

"Dito tayo, sa Chinese restaurant." Ani Anna ng makita niya ito sa mga hile-hilerang kainan na naroroon.

Bumaba nag dalawa at pumasok roon.

Kahit na si Anna ang nagbayad ng bill ng kinain nila ay ramdam pa rin niya ang pagka-gentleman ni Adrian dahil sa mga ginagawa nito, tulad na lang ng lady's first attitude nito.

Matapos nilang kumain ay niyaya ni Anna si Adrian sa park, gusto raw kasi niyang malanghap ang sariwang hangin ng probinsiyang iyon, at gusto rin niyang maramdaman ang lamig ng simoy ng probinsiyang iyon.

"Siguro naman, you can tell me na what is the occasion?"

"Tama ka sa sinabi mo, today is my birthday."

"So, happy Birthday." Nakangiting sabi ni Adrian.

"At dahil you help me a lot, magiging honest naman ako sa'yo. I am going to tell you now my big secret. The reason why I am here."

Nabigla si Adrian sa narinig. "You know what, you don't have to."

"No, I want to. Gusto ko nang gumaan yung pakiramdam ko."

"Okay, if that's what you want."

"Lumayas ako sa amin. Tumakas ako sa mismong araw ng kasal ko."

Halos hindi makapaniwala si Adrian sa narinig.

"Hindi ka makapaniwala, but that's the truth."

"I'm sorry."

"You don't have to say sorry. Ginusto ko 'yon, pinagdesisyunan ko 'yon. Hindi ko rin naman pinagsisisihan.

"Huwag ka sanang magalit no, pero gusto kong malaman kung bakit?"

"Sige, I'll tell you, pero promise mo, hindi mo sasabihin kay Padre Gabriel?"

"You have my word." Ani Adrian.

"Hindi ko naman kasi talaga gustong magpakasal. Kinakailangan ko lang gawin iyon para makakuha kami ng property sa kumpanya na pinalago ng daddy ko pero hindi niya pag-aari, pag-aari ng daddy ng mapapangasawa ko. Parang pelikula no, kahit nga ako, hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin iyon." Pagtatapat ni Anna.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon