Chapter Twelve

1.8K 371 6
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Adrian. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil pinag-isipan niyang mabuti ang mga sinabi ni Padre Gabriel. Sa mga sinabing iyon ng pari sa kanya ay napag-dalawang isip tuloy siya.

Naisipan niyang maglakad-lakad muna, habang nagmumuni-muni. Nagulat si Adrian ng makita niya si Anna sa daan at naglalakad din.

"Anna," tawag niya. "Saan ang punta mo?"

"Wala, naglalakad-lakad lang ako. Hindi kasi ako makatulog, sobrang ginaw." Pagdadahilan niya, ngunit ang totoo'y dahil talaga iyon sa tawag sa telepono kanina.

"Ako rin, hindi gaanong nakatulog."

"Bakit naman?"

"Wala lang." Pagtatakip rin ni Adrian.

"Saan ngayon ang punta mo." Tanong ni Anna.

"Ang totoo, hindi ko alam, siguro kahit saan ako dalhin ng paa ko ngayon."

"Puwede bang sumama?"

"Bakit naman hindi?"

Naglakad ang dalawa hanggang sa matunton nila ang pinakamalapit na park. At doon sila ay umupo at nag-usap.

"Ang ganda talaga dito."

"Lahat kasi ng ginawa ng Diyos ay maganda, tayo lang naman ang sumisira nito."

"Ayan ka na naman, pangangaralan mo na naman ako."

"Hindi ako nangangaral, nagsasabi lang ako ng totoo. Ikaw, bakit gandang-ganda ka sa mga nakikita mo sa iyong paligid, pero nahihirapan ka pa ring maniwala." Tanong ni Adrian.

"Dahil sa isang banda lang ng isang lugar mo matatagpuan ang kagandahan ng mundo. Hindi mo ito makikita sa lahat ng lugar. Para bang doon ko napatunayan na, hindi talaga tayo ginawa ng Diyos na pantay-pantay."

"Paano mo nasabi iyan, alam mong ginawa tayo ng Diyos na pantay-pantay."

"Kung ganoon, bakit may mayaman at mahirap, may maputi at may maitim. Sa Amerika lang, katakot-takot na diskriminasyon ang makukuha mo roon."

"May dahilan ang Diyos kung bakit niya ginawa iyon."

"Eh di inamin mo rin na ang Diyos ang may kagagawan ng lahat ng ito."

"Hindi naman lahat. Tayo ring mga tao ang gumawa noon."

"Puwede bang change topic na lang." Pakiusap ni Anna dahil nararamdaman niya kung saan na naman patutungo ang usapang iyon.

"O sige, tungkol saan."

"Sa buhay-buhay."

"Sige mag-umpisa ka."

"Mula ba noong bata ka, iyan na talaga ang gusto mong maging sa buhay mo."

"Hindi ah, pilyo ako noong bata ako, iyon lagi ang sinasabi sa akin ni Manang Bining. Minsan nga ay napalo na rin ako ni Padre Gabriel dahil nagnakaw ako ng kropek sa may tindahan."

"Pilyo ka nga." Sang-ayon ni Anna. Sa mga babae, huwag mong sabihing parang kapatid lang ang turing m,o sa kanila noon kapag tinitingnan mo sila?"

"Hindi naman, nainlove din ako, maraming beses na nga. Kung sino-sino na nga ang nililigawan ko noon, at lahat sila napapasagot ko."

"Yabang?"

"Puwera biro."

"Ganoon naman pala, pero bakit naisipan mo pa ring ituloy iyan."

"Hindi ba sinabi ko sa'yo, may mga tawag ang Diyos, at mararamdaman mo ito, para sa akin, naramdaman ko iyong tawag na iyon."

"Sigurado ka na bang tatapusin mo ang gawaing iyan."

"Ang totoo, nagdadalawang isip na ako, binilinan na ri n ako ni Padre Gabriel na wala raw masama kung tatalikuran ko ito, marami raw namang bagay na puwede akong gawin na makapaglilingkod sa diyos na hindi na kaiolangan pang magpari ako."

"Huwag kang magagalit, pero sang-ayon ako diyan sa payo ni Padre Gabriel."

"Ganoon. Sige, ikaw naman ang magkuwento."

"Alam mo kung anong okasyon meron ako bukas?" tanong ni Anna.

Sandaling nag-isip si Adrian. "Ano, birthday mo?" tanong ni Adrian.

Tumayo si Anna at ipinagpag ang suot na short na nadumihan sa pagkakaupo nito sa sahig. "Hindi ko sasabihin sa'yo, pero gusto ko bukas ay magbihis ka ng pang-alis at sasamahan mo ako, mag-cecelebrate tayo." Ani Anna.

"Anong icecelebrate natin?" muling tanong ni Adrian.

"Basta, magbihis ka, susunduin kita mga seven ng gabi." Ani Anna na naglalakad papalayo kay Adrian.

"Sige hihintayin kita bukas" malakas na sabi ni Adrian ng makitang malayo na sa kanyang kinaroroonan si Anna.

----------

"Kamusta na si Mark, Elaine?" tanong ni Anna ng tawagan niya ang kaibigan.

"Bagsak na bagsak na ang katawan. Hindi na pumapasok sa trabaho. Hindi niya sinabi kung bakit, pero sa palagay ko nahihiya siya dahil wala siyang mukhang ihaharap sa mga katrabaho niya."

"And it's all because of me. Hindi ko alam why do I always put burden to other people."

"You don't have to balme yourself hindi mo kagustuhan iyon Anna, at hindi rin kita masisi."

"Nakausap mo na ba siya, galit ba siya sa akin?"

"Sa nangyari siguro oo, pero sa'yo hindi ko alam. Kasi ng makausap ko siya hindi ka naman niya sinisisi. Pero ramdam ko yung lungkot sa mga mata niya. Hindi pa rin siya makapaniwala." Pagtatapat ni Elaine sa kaibigan. "At alam mo ba, hinihintay ka pa rin niya, katunayan nga iniutos niyang itago muna ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa kasal niyo. Pati yung bahay na binili niya para sa inyo, inaayos niya. Doon na siya tumutuloy, umaasang darating ka."

Halos pumatak ang luha ni Anna sa narinig. Totoo, walang kasalanan sa kanya si Mark, minahal siya nito ng buong-buo kaya wala siyang karapatang tratuhin ito ng ganito. "Kung makakausap mo siya uli, sabihin mong tinawagan kita, pakisabing I am really very sorry. Alam kong hindi niya pa matatanggap sa ngayon iyon pero gusto kong malaman niya."

Natapos ang usapan nila ng mabigat ang dibdib ni Anna, dahilan upang hindi siya makatulog.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon