Chapter Two

2.5K 436 2
                                        

"My goodness Martina! Isang napakalaking eskandalo ang ginawang ito ng anak mo. Isang malaking kahihiyan!!." Iyon ang malakas na tinig na narinig ni Elaine mula sa nanggagalaiting si Don Roberto nang makapasok siya sa mansion ng mga ito.

Hindi na nagtaka si Elaine kung bakit maraming reporter ang naroon sa mansion. Isa nga namang napakalaking istorya, ang totoo'y pang headline, ang hindi pagkakatuloy ng engrandeng kasal ngayon ng mga anak ng dalawang kilalang business tycoons ng Pilipinas.

"Huminahon ka Roberto, may kasalanan din tayo. Iyan na nga ba ang sinasabi ko, kung hindi mo sana pinangunahan ang anak natin, hindi niya ito gagawin." Naluluhang sabi ni Donya Martina.

"Ako pa ngayon ang sinisisi mo?" si Don Roberto.

"Bakit? Ano po ang nangyari Tita Martina?" Tanong ni Elaine na kunwari'y hindi alam kung ano ang dahilan ng kaguluhan.

"Walang kasalang magaganap ngayon, umalis si Anna, hindi namin alam kung saan nagpunta." Ani Donya Martina at iniabot nito sa kanya ang sulat na gawa ni Anna.

"Ha?" Kunwari'y nagulat sa nabasa niya si Elaine. Inilibot niya ang mata sa paligid, at roo'y napansin niya ang nakalugmok at tulalang si Mark.

"Hindi na lamang sana niya tinanggap ang engagement ring. Hindi na lamang sana niya pinaasa ang anak namin" Si Don Santiago, ama ni Mark.

"Isa itong malaking kahihiyan!!" nagpipigil sa galit ngunit naiiyak na ring sabi ni Dona Petra na ina ni Mark habang hinahagod ang likod nito na tulala pa rin.

Lumapit si Elaine kay Mark at hinawakan ang balikat nito. "I am sorry for what happened Mark." Iyon na lang ang nasabi niya. Pakiramdam niya'y nagi-guilty siya sa ginawa niya lalo na ng humarap ito sa kanya at makita niya ang parang gustong lumuhang mga mata nito. Mga matang parang nagtatanong kung bakit ginawa ito ni Anna. Bakit?

"Totoo bang walang magaganap na kasalan?" tanong ng isang reporter kay Elaine ng makalabas siya ng mansion.

"Yes, the wedding has been cancelled." Pag-amin ni Elaine.

"Pero bakit? Totoo bang nagback-out si Miss Anna Madrigal?"

"No, may mga hindi inaasahang pangyayari lang ang naganap."

"Anong pangyayari?"

"I can't comment on that. Could we just leave them alone for awhile. Let's give them some privacy." Pagmamakawa ni Elaine sa mga matatanong na reporters.

----------

Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Anna. Alas nuwebe-kinse, iyon ang oras na nasa kanyang relo. Mabigat man ang pakiramdam niya ay pinilit pa rin niyang bumangon.

Ganoon na lang ang kanyang pagtataka ng makitang marami ng taong nauna pa sa kanya. Marami na ang nakapila. Lumingon-lingon siya upang hanapin ang bus na sasakyan niya. At nang sa wakas ay nakita na niya ito'y sumakay na siya rito.

Kahit papaano ay may magandang puwesto pa rin siyang naupuan.

Makalipas ang ilang minuto ay napuno na ang bus. At matapos itong mapuno ay umandar na ito. Napangiti si Anna ng maramdaman niyang unti-unti na siyang nagiging malaya, lilisanin na rin niya ang Maynila at kahit papaano, sa konting panahon ay magkakaroon na rin siya ng peace of mind.

Malayo ang iniisip ni Anna ng pukawin siya ng katabi niya. Isa itong matangkad na lalaking may matipunong katawan na halos kasing edad niya.

"Miss gusto mo?" alok ng lalaki kay Anna sa chichiryang hawak nito.

Patangging tumango si Anna.

"Miss, mukhang malalim ang iniisip mo ha, mag-isa ka lang sa biyahe ano?" tanong ng lalaki sa kaniya.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon