From: Jeff
Kita tayo.2pm, usual place.
Ito ang bumungad kay Xienna niya. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba, excitement? Siguro. Ngunit ilang araw na siyang kinakabahan dahil sa kinikilos ni Jeffrey, boyfriend niya.
Halos 6 years na rin ang tinagal nila at sa panahong iyon ay nakilala na nila ang isa't-isa pero nagbago ang lahat simula nang lumipat ng trabaho ang binata.
Kung minsan ay dry na ito sa mga reply sakanya at palagi na rin itong busy. Sweet naman ito kapag magkasama sila ngunit hindi niya maalis sa isip ang magduda t'wing makikita niya itong nagtetext.
"Ma, alis na'ko." Kinuha niya ang bag niya at lumingon sa nanay niya.
"Mag-iingat ka ha? Ayaw mo bang magpahatid nalang sa kuya mo? Para naman masundo ka rin niya kung sakaling--"
"Ma, okay lang ako. 'Wag OA, kaya ko na 'to." Ngumiti siya at dumiretso na sa labas at sumakay sa kotse.
--
"Hey, kanina ka pa ba?" Napalingon siya nang may nagsalita sa harap niya. "Hindi naman, kararating ko lang din naman eh." She just smiled, a bit of nervous."So, ano nga palang meron ngayon?" She said, breaking the silence. "Uhm, Xienna..." She looked at him, not in the eyes. Please jeff, not now. Please.
"It's been 6 years, alam ko naguguluhan ka na sa 'kin these past few days. And believe me, naguguluhan na rin ako sa sarili ko."
"Alam ko kung gaano mo 'ko kamahal. And I think.. I think I don't deserve your love now." Napayuko siya sa narinig, blinking a couple of times to stop the tears from falling.
"Xienna, please be strong." Hinawakan nito ang kamay niya, "Ayokong makitang umiiyak ka ng dahil sa kagag*han ko, alam ko nagkamali ako and I hate myself because I let you down. Hindi ko napanindigan yung mga promises ko sa'yo."
Huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso sakanya, "It's okay, jeff."
"Believe me, it's okay. May pagkukulang din ako, and..." She breathed, "alam kong nagsasawa ka na rin." Pinilit niyang tumawa at sa tingin niya ay napaniwala niya si Jeff. Tumawa rin ito.
"Yeah, actually I think tama ka." Ouch. "Nagsawa na'ko, for 6 years. Akala ko ikaw na yung sinasabi nilang the one pero hindi ko alam na darating pa rin pala ako sa point na mawawala lahat." Again, she looked down as she asks, " May iba na ba?"
Please say no.. wala..
"Yes.."
Tila may sariling isip ang kamay niya at dumapo ito sa pisngi ni Jeff. May ilang taong napatingin sa kanila pero hindi niya pinansin iyon.
"I'm sorry." Hindi niya na napigilang umiyak, "I just... I'm sorry. Nabigla lang ako, aalis na'ko. Bye." Hindi niya na ito hinintay pang sumagot.
It's too much to handle. Akala niya kaya niya, akala niya hindi siya iiyak sa harap nito ngunit dahil sa isang tanong na sinagot ng tama ay nawala lahat ng lakas niya.
"Hello? Lou?"
"Jane.."
"Wait, umiiyak ka ba?! Oh my.. what happened?! Niloko ka ba niya? Nahuli mo ba?! Tara, resbakan na natin. Ready ako!" Kung hindi lang siya broken ay malamang na tumawa na ito sa kalokohan ng kaibigan.
"Tara sa bar, inom tayo. My treat." Aya nito sa kaibigan. "Best naman, you know I don't drink. Samahan nalang kita if you want?"
"Fine, hindi ka talaga mapipilit." Matagal niya na itong pinipilit uminom ngunit hindi talaga ito natitinag. "See you in a bit, I'm on my way. Bye."
--
"Hi, Miss Villafuerte. Mukhang napapadalas po tayo ah?" Bati sakanya ng bartender ng bar. "Yes, at talagang mapapadalas na ako dito. Brandy, please."
Nakarami na siya ng nainom ng magtext sakanya si Jane
From: Bestie :)
Lou, sorry. di ako mkakapunta, my emergency meeting kc dto sa office :(
Pissed off, in-off niya nalang ang cellphone atumorder pa siya ng marami. Hindi siya galit sa bestfriend niya, totoo naman kasi ang sinabi nito. Kilala na ang cafe business nila kaya naman maraming nag-ooffer ng partnership.
"Hey, miss. Napaparami na yata inom mo ah." She looked at the guy standing beside her, "Why do you mind?" Inirapan niya lang ito.
"Another round!" Inabot niya ang baso, "Ma'am marami na po kayong naiinom, tama na po."
"Kuyah naman, close naman tayow di vah? Shige naahh."
Pinagbigyan nalang siya hanggang sa nakatulog na siya sa stall niya. "Ma'am? Gising na po, magsasara na po yung bar."
"Greg, 'wag mo na gisingin. Ako na bahala sa kanya. Yung babayaran niya, bigay mo nalang sa'kin bukas." Sabat ng lalaki.
"Sige po, Sir Xander."
Xienna Louisse Villafuerte.. meets Alexander Richard Alcantara..
and this is where the story begins..
--