RG 20

101 4 2
                                    

"San ba kasi tayo pupunta, Xander?" Inis na tanong ni Xienna kay Xander nang bigla nalang nitong hilahin palabas ng bahay ang dalaga at halos kaladkarin dahil sa mabilis na paglalakad.

"Eh kung tumahimik ka nalang diyan, sana hindi ka na napagod lalo." He said with no reaction, "You know? I can't understand you! One second you're sweet, the next second you're not. Para kang sinasaniban ng mabait na espiritu tapos aalis din agad!" Naiiritang sagot ng dalaga.

"That's me, masanay ka na."

"Tss, you're impossible!" Wala nang nagawa si Xienna kundi ang tumahimik nalang habang naglalakad pa rin sila sa gitna ng kagubatan na nasa likod lang ng mansyon. Maya-maya ay naramdaman niyang sumasakit na ang paa niya kaya naman napatigil siya.

"What's wrong?" He asked worried.

"Masakit na paa ko, pahinga muna tayo." Napasandal siya sa malakinh puno na nasa likod niya. Bigla namang tumalikod si Xander at lumuhod, "Sakay."

Bahagyang tumaas ang kilay niya sa tinuran ng binata, "Huh?"

"Ipapasan kita, dali na. Malapit na tayo." Tumingin ito sa kaniya at nakita niyang pagod na rin ito, "No, kaya ko na 'to. Tara na, malapit na rin naman--"

"Sasakay ka o iiwan kita dito?" Seryosong tanong nito, wala namang nagawa si Xienna kundi ang kumapit sa balikat niya habang hawak nito ang magkabilang hita ng dalaga para masuportahan siya sa likod. Tahimik lang sila habang si Xienna naman ay tumitingin lang sa mga nadadaanang puno hanggang sa napansin niyang tumigil na si Xander sa paglalakad.

"Ano ba talagang gagawin natin dito?" Tanong niya habang nakatingin lang kay Xander. "I just want to show you my home."

Ngumiti siya sa dalaga na nagpakunot ng noo nito, "What do you mean?" Lumipat ang tingin nito sa likod niya kaya naman napalingon siya para tignan kung ano ang nasa likod niya.

"Wow." Is the only word that she could say. Sa taas ng malaking puno ay may isang tree house na halatang ginawa ng mga eksperto sa konstruksyon. She looked at him to have more information about the tree house and as if on cue, he starts talking.

"Si Anthony ang gumawa ng design niyan, bata pa lang kami, I can see he has the potential to be an architect someday. Mahilig siyang magdrawing, we planned to have a tree house. Sabi ko sa kanya magdrawing lang siya, ako na gagawa. Of course I didn't do it, bata pa lang kami non. Nagpatulong kami kay Daddy, but instead of helping us, naghire siya ng mga professionals para lang sa isang tree house."

"Imbis na simpleng tree house lang, naging bahay talaga siya. They even put an aircondition system pero pinatanggal din ni Dad kasi sinasadya naming sirain. We tried to make it look like it was the drawing and it ended up like that. Masyadong maganda 'yung nagawa nila, and we never liked those things. Para sa'min ng kapatid ko, simpleng bagay lang okay na. Come on, sa loob tayo." He offered his hand to  her as they walked inside the trunk.

Halatang pinasadya lahat dahil kung titignan sa labas ay ordinaryong puno lang ito na pinatayuan ng bahay, what made her surprised is the mini-elevator inside the trunk of the tree as the entrance to the house. Within 3 seconds, nasa taas na sila and she was greeted by a warm and welcoming air. It has two beds, probably for the two boys when they were young. Maraming nagkalat na drawing sa dingding at nakadikit na litrato dito.

"You like it?" Tanong ni Xander sa kanya.

"Of course, ang ganda. You even call this a tree house? Masyado siyang modern." Still looking around the place.

While looking at the drawings, she stumbled upon a picture. Dalawang bata, magkaakbay habang nakangiti pareho. "Based on your stories, nakita kong close kayo ni Anthony dati. What happened?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon