RG 18

66 3 0
                                    

XIENNA'S POV


from: Oliver

Hey..okay ka na ba? Don't forget to eat breakfast ha? Text mko pag ok kna. I'll go there later. I love you...



Ito ang bumungad sa'kin pagkagising ko pa lang. Araw-araw niya akong tinitext, araw-araw din akong kinikilig...dati. Pero ngayon, kahit pagngiti lang ay hindi ko magawa.

Nagi-guilty ako. Hindi ko alam na hahantong sa ganito, sana pala hindi ko na lang siya pinaasa kung sa umpisa palang talaga, pinilit ko lang kalimutan 'yung sakit.

Sinabi ko lang talaga sa sarili kong kaya kong magmahal ulit, pinilit ko lang talagang maging masaya kahit alam kong hindi magtatagal 'to.

Alam kong mali ang ginawa namin. Xander has a girlfriend, and I have Oliver as my boyfriend. At alam kong wala akong karapatang magselos sa babaeng 'humalik' sa kanya.

I love Oliver. Totoo 'yun, minahal ko siya. And as for Xander? I don't know...

Hindi ako sure nung sinabi kong mahal ko siya. Maybe I'm just attached to him dahil almost 1 week din kaming stranded sa isla, at para naman sa nagawa naming 'aksidente', hindi ko rin alam kung anong pumasok sa katawan ko. You know that feeling when your brain says no but your body says yes?

I have a secret to tell, hindi pa namin nagagawa ni Oliver 'yun'. He never asks for it anyway, pero hindi ko naman sinasabing gusto kong gawin namin 'yun. It's just that, wala talaga kaming interest don. And if you're wondering about why I did that with Xander, the feeling is mutual. I'm also wondering kung bakit pagdating sa kaniya, parang nawawala ako sa sistema ko.

"Xienna Louisse, nasa baba si Oliver. Tumayo ka na diyan kung ayaw mong papsukin ko siya sa kwarto mo." Sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko. Napatayo naman ako agad... at napaisip kung anong gagawin ko.

I can just keep it as a secret and go on with my life.

Or sasabihin ko nalang dahil kasalanan ko naman at malakas makahatak ang konsensya ko.

"Aish! Bahala na nga!" Bulong ko.

Tumayo na'ko at naligo ng mabilis. I wear my over-sized shirt and short shorts tapos bumaba na'ko para kumain.

"Baby.." I almost forgot na nandito nga pala siya, I smiled at him and kissed his cheeks. "Sorry about last night. I was just tired and..." hinawakan niya ang kamay ko, "I know. It's okay, kung alam ko lang na mangyayari 'yun sana pala hindi nalang kita iniwan."

Oo nga..kung alam ko lang rin na may mangyayari sa'min, sana hindi nalang talaga ako nag-volunteer.

"Hey," hinawakan niya ang pisngi ko, "Stop frowning. Kumain ka na ba? Kain na muna tayo." He smiled again, lalo tuloy akong nagi-guilty, tsk.

We ate brunch together with kuya Chrixtian, tinanong nila lahat kung anong nangyari sa isla at kung pano kami nakarating sa isla. Siyempre kinuwento ko lahat except dun sa 'alam niyo na'.

Niyaya ako ni Oliver na mamasyal muna sa mall pero hindi ako pumayag kasi nga sobrang pagod ako at wala ako sa mood mamasyal. Nung umalis na siya, umakyat nalang ako ulit sa kwarto at nahiga sa kama.

I was about to get some sleep when my phone vibrated.

from: Oliver

I know theres a problem, i can see it Louisse. Sana naman sabihin mo agad sakin, im you boyfriend remember? Let me help, wag mo solohin yang problema mo. I love you..


My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon