XIENNA'S POV
"What?! Akala ko ba sabay tayong aalis?" Angal ko nang marinig ang sinabi ni Oliver sa kabilang linya.
"Sorry, okay? May kailangan kasing asikasuhin sa company, I get another ticket tomorrow. Maaga akong pupunta doon, promise 'yan Louisse."
Narinig kong naiinis din siya dahil sinisigawan niya 'yung secretary niya. "But you promised to be with me... I can wait, hindi na 'ko sasama mamaya."
I heard him sighed, "Lou, sige na. Magkikita naman tayo bukas eh, sumama ka na kila Mike. Kailangan ka nila mamaya sa medical mission."
"Fine. I'll go," I said in defeat, "I'll see you tomorrow then. Bye." I ended the call, naiinis ako kaya hindi ko na siya hinintay pang magsalita.
After 5 months, sinagot ko si Oliver. Yes, I am still trying. Masaya ako 'pag kasama ko siya, nakakaramdam ng selos 'pag may kasama siyang ibang babae. Nagagalit, nagtatampo. Gaya ngayon, but still, I feel incomplete. Hindi ko alam pero nakukulangan pa rin ako, I can't find the contentment I want to have.
"Naka-ayos na ba lahat ng gamit mo?" Tanong sa'kin ni Jane na kumakain ng chips, habang tinitignan si Trixie na naglalaro sa pool. "Yeah." Wala sa mood kong sabi, napansin naman agad ni Jane kaya sinubuan ako ng chips. "Come on, cheer up! Ang possessive mo sa boyfriend mo ha, masanay ka na kung madalas kayong hindi magkasama!"
"Hindi naman 'yun eh. I'm okay, kaya lang natatakot ako. It's my first time na sasakay ako sa barko, what if may mangyari? What if--"
"Lumubog 'yung barko?" Putol niya. "Sis, stop thinking negative thoughts. Andami nang nangyari sa'yo oh, ngayon mo pa ba iisipin 'yan?"
Tama siya, pero natatakot parin ako. I have this feeling na may mangyayaring hindi maganda.
Lumipas ang oras at dumating na 'yung mga kasama kong volunteer sa medical mission. Sumakay na'ko matapos nila ilagay ang gamit ko sa likod ng sasakyan.
"Hindi mo ba sasagutin 'yan? Kanina pa tumatawag oh, sagutin mo na." Sabi ni Mike na katabi ko, "Hayaan mo siya." Pinatay ko nalang 'yung cellphone ko at tumingin nalang sa bintana. Nakarating kami sa terminal at kinausap ang iba pang volunteers na galing sa iba't-ibang lugar. Kilala ko 'yung iba sa kanila pero hindi kami ganun ka-close. Si Mike lang talaga ang kausap ko palagi, kaibigan siya ni Oliver, siya rin 'yung nagsabi sa min ng tungkol sa mission kaya kami nandito ngayon.
"Guys, makinig muna." Pumalakpak 'yung isang organizer, dahilan para tumingin kami sa kanya.
"May isa pa tayong volunteer na hinihintay, nasa kanya 'yung mga pagkain na kailangan para sa feeding program natin." Huminto siya at tumingin sa likod namin kaya napatingin din kami, "Oh. Andiyan na pala siya, Xander! Here!"
Lumingon siya sa direksyon namin nang marinig niya 'yung organizer. Sa mga oras na 'to, parang gusto ko nalang mag-back out at umuwi.
Ngumiti siya pero nawala din 'yun nang makita niya ako.
Yes, makunsensya ka. Gusto kong makunsensya siya at siya nalang ang umuwi.
"Uhm, I guess I'll be needing some help here." Tumingin siya sa mga dala niyang bigas at iba pang kahon, tumulong naman ang ibang lalaki para makasakay na kami sa barko.
Nagstay lang ako sa upuan, gusto kong magsuka dahil sa alon. Nahihilo ako, ayokong tumingin sa labas kaya pumikit nalang ako.
"Chocolates?" Napadilat ako nang may magsalita at bumungad sa'kin ang dalawang bar ng chocolate.
"Pampakalma 'yan. Distraction, para hindi mo na maramdaman 'yung takot." Tinignan ko lang 'yung hawak niya. "No thanks, kaya ko na sarili ko." Pumikit na ulit ako, akala ko aalis na siya pero naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Ano bang problema nitong lalaking 'to?
"Pwede bang 'wag mo munang isipin na tinakasan kita nung kasal natin? Kahit ngayon lang?" He playfully said, pero may halong lungkot. "Kahit ngayon lang, pansinin mo ako. As a volunteer, as a stranger you just met." Dumilat ako ulit at tumingin sa kanya. "I am treating you as a stranger then. I'm not talking to stranger, hindi kita kilala." I said in a cold tone.
"Should I introduce myself again?"
"You don't have to. As if I care." Sinuot ko nalang 'yung sunglass ko, trip ko kasing tulugan 'tong katabi ko.
"I'm Alexander Richard," inabot niya ang kamay niya. "Nice to meet you, miss?"
"Can you please shut up? Inaantok ako, gusto kong matulog. Istorbo ka, alam mo 'yun?" Hindi ko mapigilang mairita, ano ba kasing binabalak niya?! Bakit pa siya bumalik?
Napayuko naman siya, maraming pasahero ang nakatingin sa amin. "Atleast, I have the chance to talk to you. Kahit ilang beses na 'kong napapahiya sa'yo. Okay lang, I think I deserve it. Iiwan ko nalang 'tong chocolates, para sa'yo talaga 'yan." He smiled as if I said nothing to hurt him. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt, tumayo na siya at bumalik sa pwesto niya sa likod. I looked at the chocolates, feeling ko sincere siya. But I shouldn't feel that way, hindi tama 'yun. Maling mali. Galit lang dapat, galit lang.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, nagising ako nang marinig kong nagsisigawan ang lahat ng tao sa loob ng barko. Anong nangyayare?
"Xienna! Suotin mo 'to dali! Tara na!" Binigay sa'kin ni Mike ang isang life vest at hinila ako palabas. "Ano bang nangyayare?!"
"Nasusunog 'tong barko, kailangan na nating tumalon sa dagat bago pa tayo masama sa sunog!"
Hindi ako nakapagreact agad sa sinabi niya, andaming tao. Siksikan at lahat nagtutulakan.
"Xienna!"
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig kong may tumatawag sa'kin. "Xienna, halika na!" Tawag sa'kin ni Mike, tinulak ako ng isang babae kaya naman nabitawan ko ang kamay niya at nadala sa tulakan at siksikan ng tao.
"Xienna!" Hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw na hinahanap ko.
Tinignan ko kung san ako papunta at nagulat dahil malapit na pala ako sa dulo, lahat ng tao ay walang magawa kundi tumalon. Yung iba naman tinutulak nalang.
"Diyos ko po." Wala sa loob kong sinabi
"Miss, tumalon ka na kung tatalon ka!" Sabi sa'kin ng isang lalaki, lilingunin ko sana siya pero hindi ko na nagawa dahil may kamay na humila sa'kin pababa.
"Xienna!"
Sh*t! Naalis 'yung life vest ko..
Lumulubog na'ko... I can't swim...
Help...
Hindi ko na kaya.. mauubusan na'ko ng hininga..
I closed my eyes and gave up...
Then everything went black.