Maaga pa lang ay pumunta na si Xienna sa town house nila kasama ang ilang kasambahay para maghanda ng kaunting salo-salo. Ngayong araw kasi ang birthday ni Terrence, bagama't hindi naisilang ang bata ay binigyan pa rin ni Xienna ng kaarawan ang bata at napili niya ang araw na ito dahil ito mismo ang araw na nalaman niyang ipinagbubuntis niya si Terrence.May malawak na garden ang townhouse na ito na pinasadya ng mama ni Xienna noon para sa mga selebrasyon ng pamilya. Dito piniling ipa-libing ni Xienna ang anak, iniisip na kahit dito man lang ay maramdaman ng kaniyang anak na mahal na mahal niya ito. Noong una ay ayaw silang payagan na iuwi ang fetus pero dahil sa impluwensya ng kanilang pamilya ay napapayag nila ang mga tauhan sa ospital.
"Ate Grace, pakidala na po 'to sa labas." Iniabot ni Xienna ang mga tela na ilalagay sa lamesa. Inilabas na rin niya ang mga pinamiling ingedients para sa lulutuin nila. Si Jane ang bahala sa dessert kaya naman bago pa mag-alas dyes ay nakarating na ito para magbake ng cake at tumulong sa iba pang gawain.
"Bakit hindi mo sinama si Trixie? Sayang naman at hindi siya nakapag-bake ng cupcake." May halong panghihinayang sa boses niya, marahil ay ang pagka-miss niya sa bata.
"Nako, sis. Mukhang nakalimutan ka niya agad eh. Dumating kasi 'yung batang kalaro niya sa park sa loob ng subdivision noon sa bahay, kaya ayun, kahit anong pilit kong sabihin na aalis kami ay ayaw pa rin sumama." Natatawang sambit naman ni Jane sa kaibigan.
Napangiti nalang rin siya at bumuntong-hininga, "Hay, siguro kung nandito si Terrence, siya ang kalaro ni Trixie ngayon. Sana nandito silang dalawa, nanggugulo sa kitchen. Tumatakbo sa sala, nagtatawanan, nag-iingay." Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya at tumingin sa labas ng garden kung saan may isang pangalan na lagi niyang tinitignan.
Terrence Xedrick Villafuerte
Pinagpatuloy nalang niya ang paghihiwa ng mga gulay habang si Jane naman ay nagsisimula nang gumawa ng fruit salad matapos ilagay sa oven ang cake mixture.
"May balita ka na ba kay Xander?" Tanong ni Jane sakanya.
"Wala eh. Mabuti nga at tumigil na si kuya sa paghahanap dun sa lalaking 'yun. Wala rin kasi siyang mapapala kung maghihiganti siya." Tinignan naman siya ng kaibigan na parang may hinihintay.
"Well, siguro meron. Justice for my child but, wala na eh. Hindi na rin naman niya maibabalik pa si Terrence kahit magsisi pa siya o lumuhod sa harap ko." Bakas sa tinig niya ang hinanakit na hanggang ngayon ay hindi nabubura sa loob niya.
Oo, ayaw niyang maghiganti. Pero kahit papano ay makakapagpagaan ng loob sakanya kung sakaling humingi ito ng tawad. Which is impossible to happen because until now, hindi pa rin nagpapakita ang binata sa kanila. Baka na nakapag-asawa na ito kung sakali.
"Honestly, bilib ako sa'yo best. Kasi nakayanan mo 'yan. Hindi ka rin umasa ng sobra na papanagutan ka ng halimaw na 'yun--"
"Hindi naman ako umasa ah!" Depensa nito.
"Okay! Okay, hindi ka umasa." Natatawang sabi ni Jane, "but seriously, I know deep inside you ay galit ka rin sa lalaking 'yun for making you like what you are right now. Part of me is angry because pinagmukha ka niyang tanga. Pero may maliit na parte sa'kin ang thankful na ginawa niya 'yun."
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito, "what do you mean? You're happy that my baby died?"
"Yeah-- what?! No! Of course not, that's not what I mean!" Nanlaki naman ang mata ng kausap niya.
"A part of me is thankful because, he made you what you are right now. Stronger, nakakayanan mo nang maging matatag at hindi umiyak. Hindi na ikaw 'yung iyaking Xienna na ultimo naubos na ketchup sa fries ay iniiyakan." Nakangiting sambit niya kay Xienna.