Xienna's POV
"I'm craving for salad." It's been a month since the accident happened. And when I said 'accident', 'yun yung nangyari sa'min nung wirdong lalaki sa condo niya.
"Seryoso? Kahapon, mangga tapos ngayon salad. Best, tapatin mo nga ako. Are you --"
"I'm not pregnant." Putol ko sa sasabihin niya. Andito na naman kami sa topic na ayaw ko.
"Have you tried using PT? You know, just to be sure." Sabi ni Jane habang kumakain ng pasta na inorder ko kanina pero hindi ko naman kinain.
"Okay, para sa ikatatahimik ng buhay mo." I rolled my eyes then looked at her. Nagulat ako ng may nilabas siya sa bag niya.
Teka lang, bakit meron siya niyan?! Alam niya bang papayag ako? "What the hell, Jane?!"
"Come on, alam ko namang mahihiya kang bumili niyan kaya ako na gumawa. Be proud of your supportive bestfriend!" Sa lapad ng ngiti niya, parang gusto nang mapunit ng pisngi niya. Nakakatakot.
"Tss, akin na nga yan." Inabot ko yung PT at pumasok sa cr.
One line please.. isang line lang, hindi dalawa.
Oh no...
--
"Oh, ang tagal mo naman sa banyo? Akala ko hindi mo alam gamitin yan eh, pupuntahan na sana kita. What's the result?"
"Best..." I gave her the test and saw her eyes widened.
"Patay tayo nito, do you still remember his face?" Nagtaka naman ako sa tanong niya, "Why?"
"Para naman masapak ko yung lalaking bumuntis sa bestfriend ko! Best, buntis ka! Kailangan niyang panagutan 'yan!"
She's right, pero hindi ko na alam kung san siya hahanapin.
"Sabi ko na eh, wala ring kwenta yung kaibigan nung Stephen na yon. Leche lang." Narinig kong bulong niya, anong sinasabi nito?
"What are you talking about?"
"Kilala kasi ni Stephen yung may ari ng bar kung san ka uminom nun. Nakausap ko siya, sinabi kong bantayan ka. Pero mukhang iba yung binantayan ng loko." Napaismid pa siya habang tinatawagan si Stephen sa phone.
"Hello?.. kasama mo ba yung sinasabi mong owner nung bar?.. Pwede bang pumunta kayo sa bahay?.. yes, ngayon mismo dahil madadamay ka kapag hindi mo dinala yang lalaking yan dito. I will break up with you, Stephen... bilisan mo na! Ang daming arte eh!... bye!"
Inis niyang pinatay yung phone niya at tinignan ako, ano bang problema nito?!
"May gulay sa bahay, dun nalang tayo at igagawa kita ng salad." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Yes, suplada siya. Pero pagdating sa'kin, sobrang understanding. And I thank God for having her as my bestfriend.
--
Kasalukuyan kaming gumagawa ng fruit salad sa kitchen nila Jane. Yes, fruit salad. Ayoko na ng gulay. Gulo no?
"Anong oras ba darating yung mga yun? Ang tagal naman." Tanong ko habang naghihiwa ng mansanas.
"Traffic sa EDSA, best." Sarkastiko niyang sagot, binuksan ko nalang yung ref para maghanap pa ng pwedeng ilagay sa fruit salad na walang cream.
"Jane?" Narinig ko na yung boses ni Stephen. "Kitchen." Sigaw naman ni Jane.
Naramdaman kong nakarating na sila pero hanggang ngayon nasa harap pa rin ako ng ref, ang lamig kasi eh. Hehe
"Ano bang problema? Bakit kailangan pang isama si Xander dito?"
"Xienna is pregnant. And that Xander is responsible dahil hindi niya nabantayan ang bestfriend ko!"
"Woah, teka lang ha. Pa'no ko ba naman kasi kayo maiintindihan nun kung nag-aagawan kayo sa phone? And besides, hindi ko kilala yung Xienna, ang sabi niyo Louisse." Sagot naman nung Xander.
And suddenly, his voice sounds familiar to me. At bago ko pa tuluyang enjoy-in ang lamig sa ref, tinignan ko na sila.
And I was shocked. So was he.
"IKAW?!"
---
![](https://img.wattpad.com/cover/47275516-288-k22484.jpg)