RG 15

93 4 1
                                    

XIENNA'S POV

"Xienna.. wake up.."

I hear his voice, pero nakapikit pa rin ako. Ano bang nangyari?

"Xienna, please.." Napamulat ako nang maramdaman ko 'yung labi niya sa labi ko.

"Sh*t!" Tinulak ko siya at biglang tumayo. "What do you think you're doing huh? Ganyan ka ba talaga kapag may nakita kang babae? Pagsasamantalahan mo 'yung kahinaan tapos iiwan lang?!" Paghihisterikal ko habang lumalayo sa kanya.

"Pwede bang manahimik ka muna?! Pakinggan mo muna ako, okay!" Nagulat ako nang sigawan niya ako, ako naman ang natahimik ngayon. "Look, nakita kita nung nasusunog na 'yung barko. I even called you pero kung san-san ka tumitingin, pinuntahan kita agad pero nahuli ako ng dating kasi may humila sa'yong babae na nahulog kaya sumama ka." Huminga siya ng malalim at nagpatuloy, "Sumunod ako, tumalon ako at pinuntahan kita. Nahirapan ako kasi lumulubog ka na nung time na 'yun. Swerte nalang at may nadala akong dalawang bag, ginamit ko 'yun para lumutang tayo. Hindi ko namalayan na nakatulog ako, paggising ko nandito na tayo sa islang to."

Agad naman akong nakaramdam ng guilt. Niligtas niya pala ako. "Now, gising ka na. Tinulungan ka na nga, ikaw pa ang galit. Ako pa ang may kasalanan. Tsk" Tumalikod na siya at akmang lalayo na, "Uy teka! San ka pupunta?"

"Diyan lang. Magpapahangin."

"Iiwan mo'ko dito?" Tanong ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya. "Di ba 'yan naman ang gusto mo? Iwan kita? Layuan kita? That you don't talk to stranger and you treat me as one?" Napayuko naman ako, lupa kainin mo na'ko please. Uhg!

"Sorry.." I managed to say just one word. Ngumiti naman siya ng mapakla, "Sorry...you don't even look like you are." Tumalikod na siya ulit at naglakad papalayo.

Ako na ngayon ang may kasalanan? Bakit ganun? Niligtas niya lang ako, feeling niya dapat na siyang pasalamatan ng sobra? Kailangan nang kalimutan 'yung kagag*hang ginawa niya? Why do I have this feeling na ginawa niya 'to para makabawi? Haay! Bahala siya!


XANDER'S POV

Imbes na magpasalamat, nagalit pa siya. I don't understand her! Ganyan ba talaga ang mga babae? Lahat nalang ng ginagawa ng mga lalaki para sa kanila mali? Tsk.

Bumalik na ako kung saan ko siya iniwan, dala 'yung mga napulot kong kahoy, bato at malalaking dahon para gumawa ng maliit na tulugan para mamaya. I'm not fond of camping pero nakikita ko naman sa mga movies 'to and I think madali lang siya... or maybe not.

I stopped on my tracks nang makita ko siya malapit sa alon, nakaupo lang siya dun. I wonder what is she thinking. She even caressed her arms,nilalamig yata. Nilapitan ko siya pero napahinto ako at napaisip.

Bakit ko nga ba siya lalapitan? Baka sungitan na naman ako nito. Tsk.

I started building a small tent, hindi siya mukhang tent actually. Pinatong ko lang kasi 'yung mga dahon, tinali 'yung mga kahoy. I took a glance on Xienna and saw her looking at me. Agad naman siyang umiwas ng tingin, "Don't worry, gagawa ako ng para sa'yo. Hindi tayo matutulog sa isang tent lang." Napaismid naman siya agad, "You don't have to. Pabayaan mo nalang akong mamatay sa lamig dito." Natawa naman ako, nangonsensya pa.

After finishing the tents, nagsimula na akong gumawa ng bonfire dahil nagsisimula nang dumilim. As for Ms. Sungit, tahimik pa rin siya. For sure, gutom na 'yan.

Good thing is, 'yung dalawang bag na dala ko ay puro pagkain at medical supplies dahil 'yun ang pinadala sa'kin. Naka-plastic sila kaya hindi nasira 'yung mga laman. Kinuha ko 'yung dalawang ready-to-eat sandwich at inabot sa kanya. "Here, kumain ka." Nag-alangan pa siya pero kinuha niya rin at binuksan agad, sabi na eh. Gutom nga. "Thank you." She whispered, enough for me to hear.

"Next time, bago ka magsungit alamin mo muna lahat." I said without looking at her, hindi na siya nagsalita pagkatapos.

After numbers of trial and error, nagawa ko ring gumawa ng apoy sa bato. Nakakainis, kasi may posporo pala sa isang bag na nakita ni Xienna habang naghahanap ng tubig.

"You should've seen your face! Hahaha." Patuloy lang siya sa pagtawa habang kumakain ng isa pang sandwich, ang takaw ng babaeng 'to. "Oo na, 'wag ka na tumawa. Tapos na 'yun. Tsk." Hindi ko napigilang ngumiti, I finally see that smile. Sobrang genuine, I still feel the guilt inside when I see her. Nagsisisi akong hindi ko siya sinipot sa kasal noon.

Nagsisisi akong pinili kong maging malaya kesa makita 'yung mga ngiting ngayon ko lang nakita. Sana matagal ko na siyang hawak, sana masaya kami ngayon, sana hindi na umabot sa ganito.

Sana hindi nalang namatay ang anak ko...anak namin.

XIENNA

"Did you gave him a proper burial?" Natigilan ako sa tanong niya, tinignan ko siya at nakitang seryoso siya. Is he talking about Terrence?

"It's okay kung ayaw mong pag-usapan..." Umiwas siya.

"No... I mean, it's okay." Tumikhim ako bago lumapit ng konti sa kanya, "I named him Terrence, we assumed he was a boy. I chose to bury him at our town house... sa Batangas. We even celebrate his birthday every March 5. 'Yung araw kung kailan ko nalamang buntis ako." I stopped, ramdam kong iiyak na naman ako. I looked at him, nakikinig lang siya.

"Si Trixie... 'yung anak ni Jane at Stephen. Siya 'yung dahilan kung bakit nakabangon ako. Kung bakit nawala 'yung sakit nung iniwan ako ni Terrence. She gave me another chance to be happy. Kahit na anak siya ng bestfriend ko, anak na rin ang turing ko sa kanya."

"I know how I f*cked all things up," nagsalita siya bigla, napatingin ako at nakitang nakayuko lang siya. "And sorry is not enough to forget the damages I did. Nung nalaman kong nawala si Terrence, dun ko narealize na napakalaki kong gag* kasi hindi ko man lang inisip 'yung kapakanan niya." That's when he broke down into tears, "'yung kapakanan ng mag-ina ko..."

All my life... I've been waiting for this day to happen, lumuha siya sa harap ko. Ang malaman kong nasaktan din siya sa nangyari, ang makita kong nagsisisi siya, sapat na 'yon para masabi kong nakaganti na ako. Nakaganti na kami ng anak ko sa mga ginawa niya noon.

Pero nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko makapa 'yung galit ko sa kanya na kinimkim ko ng matagal na panahon. Wala akong maramdaman kundi lungkot at awa dahil nakikita ko kung gaano siya kamiserable ngayon.

"Ilang taon kong binitbit 'yung sakit. My father disowned me, it's okay. Wala akong nakuhang mana, it's still okay. But killing my own child because of my selfishness? It's not f*cking okay!"

"Xander..."

"You wanna know the reason why I left?" Tumingin siya sa'kin, di ko alam ang isasagot ko. "Nung araw na 'yun, malapit na kami sa simbahan pero na-traffic kami. Napahinto kami sa tapat ng isa pang simbahan, I saw my ex. Married to her bestfriend. At that moment, nawala sa isip ko ang kasal. Galit ang namuo sa loob ko, gusto ko lang magpakalayo. Too late when I realize that I should've married you, na sana dumiretso ako. Sana hindi siya nawala."

Puro hikbi ang namagitan sa aming dal'wa, tahimik lang kami. Walang nagsalita, hanggang sa lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry Xienna... I'm sorry, nagsisisi na ako. Please, hayaan mo akong bumawi sa'yo." Our eyes met, and that very moment nakita kong sincere siya. Nakita ko 'yung sakit na tinago niya, 'yung pagsisisi sa mga luhang pumapatak sa mata niya. "I'm sorry..." ulit niya.

"Okay na...pinapatawad na kita, Alexander." He looked at me again, then smiled. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

----

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon