Xander's POV
"Another round!" I heard her loud voice, matagal ko na diyang napapansin dito sa bar ko and I can see that she's broken right now...like me.
Naramaman kong nagvibrate ang phone ko kaya lumabas muna ako at tinignan kung sinong tumatawag.
Stephen calling...
"Yes, Stephen?"
"Hey, kasama ko si Jane dito sa office, nagpunta daw diyan sa bar yung kaibigan niya. She's asking if--
Hello? Ikaw ba yung may ari ng bar na pinuntahan ni Louisse? Teka lang! Ano ba!"
Magulo sa kabilang linya pero narinig kong nagsalita ulit ang babae, "Hey. If you saw a woman crying and drinking at the same time, that's my bestfriend. Please look after her, pero 'wag mo siyang pipilitin sa ayaw niyang gawin. It could make her do worse things kaya pabayaan mo nalang muna siya, she's broken right now. I can't go there for some reasons and--
Tama na! Ang over-protetive mo ha, ikaw ba nanay niyan?!"
Naririnig ko pa rin silang nagtatalo sa kabilang linya kaya pinatay ko nalang at bumalik na'ko sa loob. Nakita kong natutulog na siya sa pwesto niya, pinagising ko siya kay Greg pero ayaw pa rin at mukhang lasing na lasing ito dahil may sinasabi siya.
"Jeff, please don't go."
Paunti narin ng paunti ang tao sa bar kaya sinabihan ko na silang magligpit na habang maaga. Nang malapit ng matapos ang pagliligpit ay nakita kong ginigising pa rin ni Greg yung babae, I think siya yung Louisse na sinasabi nung girlfriend ni Stephen, siya lang naman kasi ang bukod tanging babaeng umiinom at umiiyak at the same time.
"Ma'am? Gising na po, magsasara na po yung bar."
"Greg, 'wag mo na gisingin. Ako na bahala sa kanya. Yung babayaran niya, bigay mo nalang sa'kin bukas."
"Sige po, Sir Xander." Tumango nalang ako at binuhat siya papunta sa kotse. Sa condo ko nalang siya dadalhin, but hey, I know what you're thinking! Hindi ko siya gagalawin kagaya ng iniisip niyo. Simula nung 'underwear' incident, hindi na'ko nakipagflirt. I even stopped drinking pero siyempre umiinom parin ako sa bahay kapag naaalala ko siya.
Christina Lianne Alcantara, my fiancee. She broke up with me last week, nasasakal na daw siya and she thinks she needs some space from me. Unexpectedly, bumalik siya, wrong timing nga lang.
Note to self? 'Wag magdadala ng babae sa condo. Sa hotel nalang, hahaha! Biro lang siyempre, nagbago na'ko no! Promise.
Nakarating na kami sa condo, tulog pa rin siya kaya binuhat ko siya hanggang sa unit ko. Nang makarating kami sa guess room, dahan-dahan ko siyang nilagay sa kama.
Lumabas na'ko at dumiretso sa mini bar, iinom para makatulog na rin. Inalala ko ang mga nangyari kanina. One mintue we're okay, then the next minute she left me. Thanks to that missing underwear, tsk.
Before going back to bed, I checked on her again. Nakita kong lumihis ang kumot kaya inayos ko ito.
Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinila kaya napayakap ako sa kanya.
"Jeff, 'wag mo'kong iiwan please." Nakapikit pa rin siya habang nagsasalita, then suddenly, she kissed me. Pinilit kong lumayo pero hindi niya ako binibitawan sa pagkakayakap. Nanghihina na rin ako dahil sa alak na ininom ko kanina at nanawalan na rin ako ng kontrol sa sarili.
I never thought I'll do it again, lalaki rin ako natutukso.
--