RG 12

101 3 0
                                    

XIENNA'S POV

"Yes, I'm on my way." Nagmamaneho ako ngayon papunta sa cafe, under-renovation ito kaya sinara muna namin for a month. Kausap ko ngayon si Jane, ang sabi niya ay may sisirain daw na part sa cafe para magkaroon pa ng mas malaking space.

"I'll just meet him there. Sige, bye."

Nang makarating ako ay agad niya akong sinalubong at may pinakilalang lalaki. He looks familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"By the way, this is Louisse. My bestfriend and also the co-owner of the cafe." Tumingin siya sa kausap niya at lumingon sa'kin.

"This is our new interior designer, Anthony Xavier."

Wait.

Did I heard it right?

"Nice to finally meet you again, Miss Louisse." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito.

Nagtaka naman si Jane dahil sa sinabing 'again', "Nagkakilala na ba kayo dati?"

Ngumiti naman sa kanya si Anthony, "Yeah, nagkita na kami. I don't know if she still remember."

"Yung sa kasal. You're Richard's brother, tama ba?" He just smirked then turned to walk towards the table.

"Hey, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Kapatid mo ba talaga siya?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya, si Jane naman ay nananahimik. Halatang nakikinig lang sa usapan.

"No. He's not my brother anymore. Tinakwil na siya ni Daddy pagkatapos ng mga nangyari noon. You know what I mean." Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

Itinakwil siya dahil lang sa nangyari sa'kin? I should be happy ngayong nalaman ko 'to. Pero iba eh, imbis na saya ay awa ang nararamdaman ko. Ano na kayang nangyari sa kanya pagkatapos nun?

"Don't think about him. Okay lang siya, in fact, he's enjoying his life in US. Malaya siya dun, 'yon ang hiningi niya kay Daddy."

Napalitan naman agad ng inis ang awa na nararamdaman ko kanina lang. Okay lang sa kanya ang lahat? Hindi man lang siya na konsensya sa mga ginawa niya?!

"Let's...let's just focus on your work." Pag-iiba ko ng topic.

Pinaliwanag niya naman lahat ng dapat ayusin sa cafe. Pinakit niya rin 'yung blueprint ng bagong design ng cafe, and I must say, maganda ang plano nito.

"So, babalik ako bukas dito para mas mapabilis ang trabaho. May background din naman ako sa construction kaya tutulong na rin ako sa pag-aayos." Seryosong saad niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Ibang iba siya sa nakita kong mayabang na lalaki na nagpakilala sa akin noong kasal.

"Okay, thank you for cooperating, Mr. Alcantara." Ngumiti ako sa kanya at nakipag-kamay.

"Masyado namang formal. Xavier nalang." Ngumiti rin siya.

"Okay, then." Sabay na kaming lumabas ng cafe, nauna nang umuwi si Jane dahil tumawag ang yaya ni Trixie at sinabing nilalagnat daw ito. Gusto ko sanang sumama sa kanya pero pinigilan niya ako dahil nandito pa si Xavier.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya sa'kin habang naglalakad papunta sa parking area.

"Yes. Why?"

"Uhm. Yayayain sana muna kitang kumain sa labas. Or coffee? Pambawi lang sa inasal ko dati sa'yo. Alam mo na." Nahihiya niyang sabi sa akin.

Natawa naman ako, nakakapanibago talaga. Ang akala ko dati ay mas mayabang pa siya sa kapatid niya, but it turned out na mabait pala ito at mahiyain.


My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon