XANDER'S POV"Get up! Aalis tayo." Nagising ako dahil sa ingay ng boses ni daddy. Ano daw? Aalis?
"Where are we going? Hindi ba pwedeng mamaya nalang 'yan dad?" Nakahiga pa rin ako, kaya naman napatingin siya sa'kin. "We're going to you fiancee, kailangan nating mapag-usapan ang kasal niyo."
"What?! Dad naman!"
"Hihintayin kita sa baba. Be there in 30 minutes, kung ayaw mong mawalan ng mana." He seriously said then he go out. Tumayo na'ko at nagmadali dahil alam ko na galit pa rin si daddy sa'kin at alam kong kayang kaya niyang gawin yun.
Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso na'ko sa baba. Naabutan ko siyang naghihintay sa pintuan at lumabas na siya nang makita niya ako, sumunod nalang ako sa sasakyan at umalis na kami papunta sa bahay nila na ayaw ko nang makita.
"David, I'm so glad you made it here with your son. Kumain na ba kayo? Nakapagluto na ako, we can eat first before preceeding on our topic." Bungad ni Mrs. Villafuerte nang makarating kami sa bahay nila.
"Nag-abala ka pa, Monette. You don't have to do so much effort." Nakangiting sabi ni daddy. She smiled and entered the house, "Wala lang 'yan. Matagal-tagal na rin simula nung hindi ako nagluluto sa bahay. Lagi kasing busy sa office, bumabawi lang ako sa mga anak ko."
Dumiretso na kami sa dining area at nakita kong marami nang nakahandang pagkain. She made these all?
"Niluto ko lahat 'yan, pero siyempre tinulungan na'ko ng mga kasambahay namin para mapabilis ang pagluluto." She answered the question in my head. Suddenly, nakaramdam ako ng inggit kay Louisse, she's so lucky to have a mother like her. Mabait, maalaga, protective, lahat gagawin para lang sa anak niya.
"Mama! 'Wag mo 'kong iiwan dito, ayoko sa kanila! Sasama ako sa'yo." Pagmamakaawa ko kay mama habang patuloy na umiiyak at nakayakap sa bewang niya. Pilit niya namang inaalis ang kamay ko at tinutulak ako palayo.
"Dito ka nalang! Sawang-sawa na'ko sa pag-aalaga sa'yo! Dito kaya kang buhayin ng ama mo! Hindi ko na matiis na makasama ka pa!" Sigaw niya sa'kin, kitang-kita sa mata niya ang galit habang sinasabi niya ito.
"Mama.. 'wag mo 'kong iiwan.." Hinila na ako ng lalaking hindi ko kilala. "Anak, halika na."
"Hindi! Hindi ako sasama sa'yo! Mama!" Naglakad na si mama palayo, habang pilit akong nagpupumiglas sa lalaking hinihila ako papasok sa bahay.
Ni minsan, hindi niya ako tinuring na anak. Hindi ko naranasan ang pag-aaruga ng isang ina.
"Xander," nagising ako sa katotohanan ng tapikin ako ni Daddy sa balikat, "ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa hindi umiimik, okay ka lang ba?"
"Yes, dad." Umayos ako ng upo at tinignan ang paligid, nandito na si Xienna. May kasama pa silang lalaki, kuya niya siguro.
"As I was saying, kailangan na nating maayos ang kasal nang mas maaga dahil buntis ka na, hija. But you don't have to think too much, maraming mag-aassist sa'yo. Sila nalang ang pupunta dito sa bahay niyo para hindi ka na maabala pa sa pagbiyahe." Sabi niya kay Xienna.
"Hindi naman po kailangang engrade ang kasal, kahit simple lang okay na po 'yun." Nahihiyang sagot niya.
"No, I want your wedding to be special. Hindi pwede sa'kin ang simple lang, you don't have to think about the expenses. Knowing the tradition, kailangan ang pamilya ng lalaki ang gagastos sa kasal."
Nagsalita naman ang mama ni Xienna, "Don't you think it's too soon kung next month agad ang kasal? You don't have to rush, why don't we set it 2 months from now?"