XIENNA'S POV
"Wow." Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko, "Ang ganda mo, Lou. Hindi halatang buntis ka sa gown mo, grabe! Ang galing ng designer mo!"
I smiled at her then looked back at my reflection. Tama siya, ang ganda ng pagkakagawa ng gown. Tapos na rin ako lagyan ng make-up, light lang ang nilagay kasi ayaw daw ni mama na matakpan ang natural beauty ko, natawa ang mga make-up artist sa sinabi ni mama pero ginawa naman nila ng maayos ang trabaho nila.
"Kinakabahan ako, Jane." I breathed.
Kinuha niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko, "Bestfriend, this is your day. Hindi ka dapat kabahan, baka mamaya bigla kang magcollapse sa aisle, relax lang ha?" Biro niya sa'kin. "Just smile, okay? Matatapos din 'to mamaya, basta relax ka lang. Feel this day, goodvibes lang."
Ngumiti ako at niyakap siya, humiwalay na'ko sa yakap namin nang pumasok na si mama sa kwarto.
"Tara na, anak. Jane, sumabay ka na rin sa'min papuntang simbahan." Nakangiting sabi ni mama, bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
Sumakay na kami sa sasakyan at dumiretso sa simbahan.
Kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mangyayaring hindi maganda.
Pagdating namin sa simbahan, hindi muna ako pinalabas ni mama. Naiwan ako sa loob kasama si Jane, nakikita ko namang nag-uusap si mama at si tito David. Nakakunot ang noo nila at panay ang tingin ni tito sa relo.
"Anong nangyayare? Bakit parang may problema sa labas?" I asked no one in particular. "Best, wala pa yata siya."
"Baka na-traffic lang, best. 'Wag nega." Sagot sa'kin ng katabi ko.
Nakita ko namang may isang sasakyang paparating, tinignan ko naman sila mama na parang nakahinga ng maluwag. Siya na nga kaya?
------------
XANDER'S POV
"I'm on my way, Dad."
Naririnig ko naman ang ingay sa kabilang linya at ang galit na boses ni Daddy.
"This is your wedding! Hindi ka dapat nale-late sa kasal mo! Louisse is on her way, kailangang mauna ka dito! Mahiya ka naman sa bride mo!"
Nilayo ko ng konti ang tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. "Dad, 5 minutes okay? Malapit na kami." Nakatingin lang ako sa bintana, secretary ko ang driver ng sinasakyan ko ngayon. My dad suggested it, para daw hindi ako makatakas. As if I can. Kahit naman gustuhin ko, hindi rin mangyayari 'yun dahil sa banta ng kapatid ni Xienna.
Patuloy lang ang pagsasalita ni Daddy sa kabilang linya nang huminto ang kotse sa harap ng isang simbahan dahil sa traffic. Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae na naglalakad palabas ng simbahan. She looks so beautiful... and happy on her wedding dress. It's Christina, with her bestfriend...
As her groom.
All of a sudden, I found myself out of the car and walking towards the church. Hindi ko pinansin ang secretary ko na bumaba na rin ng sasakyan at pinigilan ako.
All I want is to see her, to hug her. For the last time.
Dire-diretso akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit, not minding everyone around us. Not even her husband.
"Mark!"
Napahiga ako sa semento nang maramdaman ang kamao ni Mark sa pisngi ko. "Ang lakas ng loob mong yakapin sa harap ko ang asawa ko! Sino ka ba para gawin 'yan ha?!"
