RG 10

89 4 0
                                    


"Trixie!"

Tawag ni Xienna sa isang batang naglalaro sa may garden.

"Mommy, tita!" Tumakbo naman ang bata papalapit sa kanilang dalawa ni Jane at niyakap sila.

"What took you so long? Kanina pa namin kayo hinihintay ni Trixie. Halina kayo at kakain na tayo." Sabi naman ng mama niya.

Nauna namang tumakbo ang bata papasok sa bahay habang nakangiti itong pinagmamasdan ni Xienna.

"It's been 5 years. Kasing edad niya na sana si Terrence kung sakali." She said sadly. Napalingon naman si Jane sa kaibigan. "Hey, 'wag ka nang malungkot. Diba sabi ko naman sa'yo, what's mine is yours and what's yours is mine? Pwede ko namang i-share sa'yo ang anak ko eh." Ngumiti na lamang siya at tumungo na sila sa dining area kung saan may hinahanda si Trixie sa may lamesa.

"Tita Lou, I made this for you!" Sabay pakita sa cupcake na may smiling face na icing.

"Aww, thank you baby." She kissed her cheeks then put the cupcake at the table.

"Bakit ako na mommy mo walang cupcake?" Napalingon sila sa kay Jane na naka-simangot at natawa.

"Of course, you have a cupcake, too. Here oh." Kinuha niya ang isang cupcake na may heart-shaped icing.

"Cute." They smiled then went to their seats.

"Sasabay ka ba sa'kin bukas, ma?" Tanong ni Xienna habang kumakain.

"Hahabol nalang siguro ako anak. Marami pa kaming kailangang asikasuhin ng kuya mo sa kompanya, lalo na ngayon na magbibitiw na'ko at ibibigay sa kanya ang mas malaki pang responsibilidad." Napatango na lang siya sa sinabi ng mama niya at nagpatuloy sa pagkain.

Habang tinitignan niya ang bata ay hindi niya maiwasang isipin ang nangyari 5 years ago.

"Doc, how is she?" Tanong ng mama ni Xienna habang naghihintay sa labas ng ER.

"She's still unconcious, but she's fine now."

Napatayo naman si Chrixtian sa kinauupuan, " and the baby?"

Nabalot ng katahimikan ang lugar bago nagsalita ang doktor, "I'm sorry. She miscarried the child. Nalaglag ang bata, marahil dahil sa emotionally stressed ang pasyente. The baby didn't make it. I'm sorry." Nakayukong bumalik sa loob ng ER ang doktor at nabalot muli ng katahimikan ang hallway.

"I'll make sure he'll pay for all of these!" Nanggigigil na saad ni Chrixtian, nagkuyom ang kamao nito at nagmadaling naglakad papunta sa labas ng ospital.


"Ma," nagising si Xienna na nakahiga sa isang kwartong pamilyar sa kanya, nakapatong sa kamay niya ang ulo ng natutulog nitong ina.

"Anak." Nagising naman agad ang mama niya at tinignan siya, alam niyang magdamag itong umiyak dahil namumugto ang mga mata nito, "kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo? Gusto mo bang tawagin ko 'yung doctor?"

Akmang tatayo na sana siya ngunit pinigilan niya ito, "Ma, I'm fine," Napatingin siya sa tiyan niya, "how's my baby?"

Nag-iwas naman ng tingin sakanya ang mama niya, "p-paparating na pala sila Jane, pupunta sila dito para bantayan ka. K-kailangan ko muna kasing umalis para---"

"Ma," putol niya sa pagsasalita nito. "Yung baby ko."

"The baby..." tila naluluhang sabi nito sa kanya. "I-i'm sorry Xienna." Tuluyan nang napaluha ang mama niya.

"I'm sorry but... but the baby didn't make it."

"Xienna, are you with us?"

Bumalik siya sa kasalukuyan nang punasan ng mama niya ang pisngi niya. Ni hindi niya namalayan na may luha na palang pumapatak sa mga mata niya.

"Y-yeah. Sorry, may...may naalala lang ako." Tinignan naman siy ng kaibigan, eyes full of concern. "Naaalala mo na naman ba 'yung nangyari?" Hinawakan nito agad ang kamay ni Xienna.

"Hanggang ngayon kasi masakit. Kahit 5 years na ang nakakaraan, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit kailangang may madamay na inosenteng nilalang. Kung bakit kailangang mawala ng anak ko." Muling tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Sshh, tahan na. You'll get over it Xienna. Alam kong kaya mo 'yan. Maybe not now, but someday." Niyakap siya ni Jane mula sa likod at tinapik ng mahina ang balikat.

Naramdaman niya naman ang maliit na kamay na nakayakap sa bandang bewang niya at nakita niya si Trixie na may namumuo ring luha sa mata. Napangiti naman siya ng makita ito. She looked at her mother and spread her arms wide, lumapit naman sa kanya ang mama niya at nagyakapan silang apat.

"Hindi niyo ba kami isasali sa group hug niyo?" Napalingon sila ng may may lalaking nagsalita.

"Tito Chrix! Daddy Tep!"

Humiwalay sa yakap si Trixie at pumunta sa dalwang lalaking nasa pintuan. "Tita is crying again, I think I made her cry." She pouts as she looked at them.

Lumuhod naman si Stephen at tumingin sa bata, "Why did you make her cry?"

"I think the cupcakes I baked earlier taste horrible." Natawa naman sila sa tinuran ng bata kahit nakasimangot pa rin ito.

"It's not your fault, Trixie. Napuwing lang si Tita." Nakangiting saad ni Xienna.

"Umupo na kayo dito at sabay-sabay na tayong kumain." Nagsi-upuan na sila at kumain habang nagkkwentuhan.

Iniiwasan nilang pagusapan ang mga bagay na magpapabalik ng mga masasamang ala-ala ni Xienna. Hangga't maaari ay ayaw na nila itong maging sanhi ng pagiging malungkot niya.

Noong malaman ni Xienna na hindi nailigtas ang bata sa aksidente ay halos hindi na ito nagsasalita. Ang mama niya lang ang kinakausap niya, hindi niya rin magawang kumain at kahit anong pilit ng mga kasama niya sa bahay ay hindi nila ito mapalabas ng kwarto.

It took about 4 months until she heard the news, Jane is 6 months pregnant. Parang may nabuhay na ilaw sa loob ng puso niya at nagsimula siyang muli. She took the accident as a lesson, ayaw niyang mangyari iyon sa bestfriend niya kaya kung todo alaga siya dito. Hindi niya rin hinahayaang gumalaw ito ng gumalaw, okay lang sakanya na utus-utusan siya ni Jane noon. Mas doble pa ang alagang binibigay niya kaysa sa pagaalaga ni Stephen dito.

When Jane gave birth, Xienna was the one who named the baby Trixie... Patricia Jane and Xienna Louisse. Siya na din ang gumastos sa binyag nito.

Napansin nilang ito ang naging dahilan kung bakit bumalik ang sigla ni Xienna kaya naman pinabayaan na nila ang gusto nito. Every year, lahat ng birthday ni Trixie ay siya ang nag-oorganize at hindi siya papayag na hindi magarbo ang party ng bata.


For her, Trixie is her life-saver. Sorry for her bestfriend, pangalawa na lamang siya dito. Pero hindi niya ito sinasabi dahil baka kung ano pa ang mangyari at ilayo ni Jane ang anak niya.


"Bye, tita! See you again tomorrow!" Trixie waved as she went inside the car. "Kita nalang tayo bukas best." Jane smiled at her, she smiled and nodded. Sumakay na si Stephen at sumunod na si Jane, bago pa maisara ang pinto ng kotse ay kumaway pa ito sa kanya. "Mag-iingat kayo ha? Tell Trixie to fasten her seatbelt."

"I will tita!" Dinig niya ang pagsigaw ni Trixie sa loob ng sasakyan. Napangiti siyang muli at pinagmasdan na lamang ang sasakyan na papalayo na sa bahay nila.


"Happy?" Naramdaman niya ang kuya niya sa tabi niya, lumingon naman siya dito at nakitang nakangiti rin ito.




"Super." She looked up at the sky, "I've never been this happy kuya. Masaya rin naman siguro si Terrence dun sa taas 'di ba?"

"Of course, makita ka lang niyang masaya. Masaya na rin siya." Inakbayan siya ni Chrixtian, "tara na sa loob, malamig na dito sa labas. Baka sipunin ka pa, sakitin ka pa naman."

"Kuya naman eh.."

Tumawa lang ang kuya niya at pati na rin siya ay natawa. Maybe he's right. Masaya na ang anak niya kung nasaan man ito ngayon. And now, it's time for her to be happy again. For real.

-------

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon