Xienna's POV
Ang sakit ng ulo ko, sh*t. Ano bang nangyari kagabi? Tsaka, bakit parang may nakadagan sa'kin na mabigat na bagay... braso... braso lang pala.
Teka... BRASO?!
"Sh*t! Get up! What do you think you're doing huh?!"
"Good morning din." He said sleepily, ugh! Ano bang nangyari?!
"Tumayo ka diyan at sabihin mo sakin kung anong nangyari kagabe!"
"We had sex! Happy?!" Napatayo siya ng di oras at dumiretso sa banyo.
And I... was left dumbfounded.
Sh*t lang. Sh*t talaga! I gave up my virginity to a guy, na hindi ko naman kilala?! I don't even know where he brought me! I know condo 'to pero -- Sh*t talaga!
Habang nasa banyo siya, pinulot ko nalang yung damit ko at nagbihis ng mabilis. My head is turning at parang nasusuka ako pero pinilit ko pa'ring lumabas sa condo at nag-taxi nalang pauwi.
I know it happened, pero hindi ko alam na nagawa namin yun kagabi. There's the evidence, bloodstains on the bed, at hanggang ngayon nahihirapan ako maglakad.
To: Bestie :)
Hey, san ka? Lets talk,asap
I need to let these all out, kailangan kong sabihin 'to sa bestfriend ko dahil mababaliw ako kung ililihim ko lang 'to.
From: Bestie :)
Dito ako sa office now, punta ka sa cafe.paalis nako
I replied 'ok' then sinabi ko sa driver yung direction ng cafe.
"Best, sorry kahapon. Hindi kita nasamahan kasi--"
"It's okay best, I have to tell you something but..." putol ko, kinakabahan ako. Should I tell her what happened?
"But?" She looked at me, curiousity in her eyes. "Not here, private best."
Her eyes widened, mukhang alam niya na agad ang gusto kong sabihin.
"Okay, I u-understand." Tumayo na kami at dumiretso sa kotse niya since I don't have my car with me. Baka nasa bar pa'rin.
"Tell me." Tinignan niya 'ko na para bang hindi niya ako kilala. "Tell you what?"
"Seriously, Lou? You gave up your v-card tapos parang wala lang sayo?!" Inis niyang sabi.
"Jane, hindi ko alam 'yon. Lasing ako, hindi ko nga alam na nakaalis pala ako ng bar eh! Pagkagising ko, masakit yung ulo ko, masakit yung katawan ko, at kahit yung iniingatan ko sa loob ng 23 years, masakit din hanggang ngayon at hindi ko alam kung hanggang kailan 'to sasakit!" Bwisit! Totoo naman kasi, hindi ko alam kung anong ginawa sa'kin ng lalaking iyon kagabi at sobrang sakit ng ano ko!
"Calm down. Okay, Xienna. Explain everything to me, from the top. Bago ka pa mapunta sa bar." Inihinto niya ang kotse sa isang tabi at tumingin sa'kin.
"Jeffrey broke up with me. Nagsawa na daw siya. He even laughed nung tinanong ko yun. And guess what?"
"May iba na siya?"
"May iba na -- teka, paano mo naman nalaman?!" Paano nga ba?!
"Matagal ko nang sinasabi 'yan, 'di ka lang talaga naniniwala." She shrugged.
Well, it's true. Sinasabi niya sa'kin na nakita niya si Jeff na may kasamang babae pero sa t'wing tinatanong ko siya,katrabaho niya lang daw 'yon.
"Anyway," I continued, "Ayun nga, nasampal ko siya and then I walked out of that place. Fast forward, I went to the bar. Drink as many as I can, then I woke up naked with a man hugging me. Tinulak ko siya, iniwan at dumiretso ako sa cafe mo at ngayon nangk-kwento ako sa'yo at--"
"Stop, okay na." Pinigilan niya na'ko magsalita. She knows me very well, kapag kinakabahan ako, wala akong tigil sa pagsasalita.
"So, what's your plan?" Natahimik ako sa tanong niya. Ano nga ba?
"I don't know. Maybe, I'll just forget it."
"What if... may mabuo?" Huh? Mabuong alin?
"You know what I mean, Lou. Pa'no kung magbunga yung pagkakamali niyo?"
Magbunga... yung pagkakamali...
Ssssshhhhhhh***tttttt!!! THIS IS NOT HAPPENING!
Sino bang niloloko ko?! Nangyari na 'to, all I need to do is pray. Pray that it will NEVER happen! Swear!!
"Best, you okay?" Bumalik ako sa realidad nang tapikin ni Jane yung pisngi ko. "Namumutla ka, anong nangyayari? May masakit ba? Nahihilo ka? Gutom? Ano?"
"I'm okay, really. Gutom lang siguro 'to. Kumain muna tayo." Yeah, I'm VERY FINE.
And I will feel much better if my bestfriend's ideas are not 'always' right.
---