RG 16

62 3 0
                                    

XANDER'S



Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko, "Xander, wake up!" Napatayo ako nang makita ko si Xienna na basang-basa. "Hey! Tara na, lumalakas na 'yung ulan! Humanap na muna tayo ng masisilungan!" Dun ko narealize na umuulan na pala, 'yung mga dahon na nakapatong sa ginawa kong tent, nilipad lang ng malakas na hangin. Agad naming inayos 'yung mga gamit at naghanap na ng pwedeng silungan, "Saan naman kaya tayo makakahanap ng bahay dito? Mukhang wala namang nakatira dito eh!" Naiinis na sabi niya, "Maglakad ka nalang, walang matutulong 'yang pagrereklamo mo." Napaismid naman siya sa sinabi ko.

After the confession last night, the atmosphere became lighter. Nawala 'yung malaking pader na nakaharang sa'min sa loob ng limang taon. Well, hindi naman nawala lahat. But atleast, nabawasan siya. Knowing Xienna, basta pride ang pinag-uusapan mahirap siyang pakisamahan.

"Ouch." Hindi ko napansing huminto siya kaya nabangga ko siya, "Bakit ka ba huminto?" Tanong ko, "Look, there's a small hut there. Pwede siguro tayong makituloy?" She said without looking at me. Sinundan ko ang tingin niya and she was right, may maliit na kubo na pwede naming puntahan.

"Tara.." hinawakan ko ang kamay niya at pinuntahan ang kubo.

Kumatok kami ng ilang beses, pero nung walang sumasagot, binuksan nalang namin 'yung pinto at bumungad sa min ang maduming loob nito. "It's abandoned, dito nalang muna tayo. Okay na'to kesa wala." Sabi ko habang nilalapag 'yung dawalang bag sa isang papag. "You still have the match with you?" Nilingon ko si Xienna na may hawak na maliit na kaldero na may tubig, "Mag-iinit sana ako ng tubig, may instant coffee ka naman diyan di ba?" Tumango ako at inabot sa kanya 'yung posporo.

Malakas pa rin ang ulan sa labas, sunud-sunod din ang kulog at kidlat. I wonder if they are looking for us, baka inisip nilang patay na kami. In the first place, hindi namin alam kung pano kami napadpad dito.


"Uhh.. may nakita akong cup kaya lang isa lang, share nalang tayo dito?" Alangang sabi ni Xienna habang hawak ang isang tasang kape. "It's okay, pwede na 'yan." Sabi ko sa kanya tsaka ngumiti. Pinagpag ko ang isang kumot at nilagay sa isang papag na para pang-sapin.

"Sa tingin mo, hinahanap kaya nila tayo?" She asked while munching the biscuits, "Well, ikaw oo... ako hindi na." I said without hesitating, nakita ko namang kumunot ang noo niya. "So, it's true? Tinakwil ka ng daddy mo dahil sa kasal?" Now it's my turn to be confused, pano niya nalaman? "Your brother told me," She said, answering my unspoken question. "He's the designer of our cafe, we had time to talk at hindi maiiwasan 'yung topic na 'yun so..." she looked at me, waiting for an answer.

"Yes...that's true." I smiled sadly, "Akala ko okay lang na iwan nila ako, na pabor sa'kin na walang nangingialam sa mga desisyon ko. Ang hirap pala, ang hirap na wala kang makapitan. Kahit na pagmamay-ari ko ang isang bar at kahit na may small business ako sa US, mahirap pa rin mabuhay ng wala sila. Hindi ako kumpleto," I sighed then looked at her, ang laki ng impact nung nangyari sa'min. Binuntis ko siya, pinaasang pananagutan ko siya, hindi ako sumipot ng kasal, I even killed my own son. Feeling ko wala akong karapatan na magreklamo sa mga dumating na kamalasan sa'kin dahil mas naghirap siya kumpara sa'kin. Ang dami kong kasalanan sa kanya so I think I deserve it, kulang pa nga yata 'yon.

"I'm sorry... kasi napunta pa tayo sa ganto." Sabi niya habang nakayuko, "It's my fault kung bakit ka naging ganyan,"

"No...it's my fault Xienna, don't blame yourself..." Pigil ko sa sasabihin niya. "Let me finish first, okay?" She said. "It's actully my fault. Kung hindi ako nagpakalasing nun, baka hindi sana ganito ang nangyari. Baka masaya tayo't may kanya-kanya nang buhay...but it never happened, and it sucks. Dumating din sa point na sinisisi ko na 'yung ex ko. Kung 'di dahil sa kanya, sana hindi ako nagpakatanga nun."

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon