RG 13

97 4 1
                                    

"Titaaaaaa.."

Bungad sa kanya ng pamangkin niya pagkapasok sa bahay. She felt as if she was recharged as soon as she saw the child, nawala lahat ng badvibes na para bang naiwan sa labas ng bahay.

"Trixie! Oh, mainit ka pa rin. Did you drink your med na?" Tanong niya matapos hipuin ang noo ng bata para masiguro kung may lagnat pa ito.

Tumango naman ito at tinaas ang dalawang braso. Natawa naman siya sa inasal nito, nagpapakarga sa kanya si Trixie. Kinarga niya naman ito at dumiretso sila sa kusina kung saan naabutan niyang nagluluto ang ina niya.

"Ma.." humalik naman siya agad sa pisngi nito pagkatapos ilagay sa upuan si Trixie.

"Nakausap mo na ba ang kuya mo?" Tanong ng mama niya.

"Tungkol po saan?" Kumunot naman ang noo niya. Magmula noong matapos ang birthday ni Terrence ay hindi niya na nakausap pa ang kapatid niya ang alam niya ay nasa Europe ito para sa isang business trip.

"Sabi niya may pakikilala daw siya sa'yo. Kababata niyo daw, pero ayaw niyang sabihin ang pangalan."

Lalo namang napakunot ang noo niya sa sagot ng mama niya. Ilang beses nang may pinakilala sa kanya si Chrixtian pero ni isa dito ay wala siang nagustuhan. Hindi naman sa nagiinarte siya, pero lahat ng pinapakilala sa kanya ay umaatras kapag dinadala niya ito sa townhouse kung nasaan ang puntod ng anak niya. Kung hindi busy, ay iba't-ibang dahilan pa ang sinasabi nila para lang hindi makapunta sa townhouse. Naiiling na naman siya sa naiisip niyang posibleng mangyari.

"What's with the frown, sister?" Napalingon naman siya sa likod niya, napangiti naman siya nang makita niya ang kuya niya na may dalang paperbags at dalawang box na sa tingin niya ay mga pasalubong.

"This isn't yours Xienna, it's for Trixie." Napasimangot naman siya sa narinig at tumingin kay Trixie na ngiting-ngiti sa nakita.

"We can share if you want, tita." Said her niece, still smiling.

"Sadly, hindi kasya kay tita 'yung mga dress mo." Nang-aasar pa na sabi ni Chrixtian habang nilalabas ang mga pinamili.

Kahit hindi dapat ay nakaramdam ng selos si Xienna kay Trixie. Noon kasi ay lagi siyang may pasalubong sa kuya niya kapag galing ito sa mga business trip. Now that Trixie is on the picture, siya na ang 'apple of the eye' ng kuya niya. Since Xienna is attached to the girl, napamahal na rin si Chrixtian dito dahil napapadalas ang pagdalaw ng bata sa kanila.

After the dinner, dumiretso na si Xienna sa kwarto kasama si Trixie na kinulit siya buong hapunan kasi gusto niyang tumabi sa kanya sa pagtulog. Pagkatapos ng mahabang pakiusapan at iyakang naganap ay pumayag na si Xienna, nawala na rin ang tampo niya sa kapatid dahil sa binigay nitong maliit na box na nasa bag pala nito kaya hindi niya napansin.

"Wear your best outfit tomorrow, may papakilala ako sa'yo." Ngumiti sa kanya ang binata.

"Sino na naman ba 'yan?" Raising a brow. "Baka mamaya kapag dinala ko siya kay Terrence magbago na naman ang isip niya?" Natatawang sabi niya pa.

"Alam niya 'yung tungkol kay Terrence. Actually, matagal na rin kaming nag-uusap. Naghahanap lang ako ng right timing, kilala mo siya." He smirked, "Hindi ko lang sasabihin kung sino."

"Hay nako, kuya. Kung ako sa'yo, itigil mo na 'yang kakareto sa'kin ng mga lalaki. Darating naman ng kusa 'yan kung gusto niyang dumating." Naiinip at inaantok na sabi ni Xienna.

"Matulog ka na nga lang. Sige na, bukas ah? 'Wag mo 'kong ipapahiya." May makahulugang ngiti na nakapaskil sa labi nito bago tumalikod at dumiretso sa kwarto niya.

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon