Muntik nang mapatili si Xienna nang bumungad sa kanya ang isang maamong mukhang kaunti na lang ang layo sa mukha niya.
Naalala niya ang sinabi nito sa kaniya kagabi.
"Stay with me Xienna.. I promise to give you endless happiness, longer than forever.. and endless as infinity."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sinabi 'yon ni Xander sa kaniya. Hindi niya rin alam kung naaalala pa nito ang sinabi niya kagabi o nakalimutan na dahil nahihilo lamang ito dahil sa taas ng lagnat.
Tatayo na sana siya nang hilahin siya pabalik ni Xander at yakapin ng mahigpit, "Stay." Hindi siya nakagalaw, hindi rin siya makahinga ng maayos dahil sa mabilis na tibok ng puso niya. "K-kanina ka pa ba gising?" Utal na tanong niya habang nakatingin lang sa dibdib ng binata, hindi niya makuhang tignan ito sa mata dahil sa pagkailang.
"Oo eh.." Sagot naman ni Xander habang lalo pang hinigpitan ang yakap niya kaya naman napasubsob lalo si Xienna sa kanya, "Xander--"
"Xienna..." putol niya sa kung anumang sasabihin ng dalaga, "Ngayon lang naman eh, pagbigyan mo na'ko." Sabi niya habang hinahagod ang buhok ni Xienna, "I've got a secret to tell." Lumayo siya at tinignan si Xienna na natulala lang sa kanya. He smiled at her at nakita niyang namula ang pisngi nito.
Niyakap niya ito muli, "In the first place, wala talaga akong balak pumunta sa mission. Magdo-donate lang talaga ako pero..."
"Pero ano?" Tanong ni Xienna. "Nakita ko 'yung list ng volunteers, I saw your name." Tinulak naman niya ng bahagya si Xander at kumunot ang noo. "So you knew I was coming?" He shrugged.
"Gusto ko lang makipagbati sa'yo, that's all. Pero mukhang may iba pa pala akong nakitang dahilan." He looked straight into her eyes, ganun din si Xienna. "I realized that..." bumaba ang tingin nito sa labi niya, "I need to win you back Xienna."
He kissed her lips. Gently, passionately. Ngayon lang siya ulut nakaramdam ng pagmamahal simula nang iwan siya ni Christina. Surprisingly, she kissed him back. It's as if they kiss for the first time. Nang maramdaman nila ang pagkaubos ng hininga ay naghiwalay na sila, "I love you Xienna..." hingal na sabi niya habang hawak ang pisngi ni Xienna.
"I..." She hesitantly looked into his eyes, "I love you, too Xander." He smiled and claimed her lips again.
---------------------------------------
"Still no sign?" Tanong ni Oliver sa mga rescuer habang nakasakay sa sasakyan, "Wala pa po sir, pero may malapit na isla po dito. Pupunta po kami doon para makapaghanap." Sabi ng isang rescuer. "Sasama ako." Sagot niya, nagkatinginan naman ang mga rescuer sa loob ng sasakyan. "Sir, dito nalang po kayo--"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Ang sabi ko sasama ako." Ma-awtoridad na sabi niya na nagpatahimik sa lahat. "Malayo pa ba?" Tanong niya sa driver, "Malapit na po, boss."
-----------------------------------
"Kain na." Alok ni Xienna kay Xander na naghahanap ng kahoy, "Anong niluto mo?" Tinignan naman niya ito, "May iba pa ba tayong lulutuin bukod sa noodles?" Natatawang sabi ni Xienna. "Seriously, mapupurga na tayo sa noodles nito. We're here for 5 days now, hindi ako tatagal sa ganito." She frowned, "You know what? Kahit araw-arawin natin ang noodles, okay lang sa'kin. Basta ikaw ang kasama ko sa pagkain nito." Ngumiti siya at tinabihan siya para kumain ng instant noodles.
"Kaya kong magtiis na walang kainin, pero hindi ako magtatagal kung wala ka sa tabi ko." Seryosong sabi niya kay Xienna, "I love you. And I'm willing to sacrifice everything just to be with you." Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. Ngumiti si Xienna pero nawala din agad nang may maalala siya.