RG 7

101 3 0
                                    

XANDER'S POV

"Sir, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo, may pag-uusapan daw po kayo."

"Is he angry?" Napatingin ako sa secretary ko, she nodded.

"Sige, pupunta na'ko. Thank you." Lumabas na siya at tumayo na ako, alam na kaya ni daddy?

"Dad." Nakatayo siya habang nakatingin sa bintana at may hawak na basong may alak.

"What did you do this time, Mr. Good-guy?" Humarap na siya sa'kin at humigpit ang hawak sa baso.

"It's not my fault. Siya yung--"

"Oh really? It's not your fault?! Eh kanino! You always do this Richard! Hindi ka na ba nagsasawa sa mga kapalpakang binibigay mo sa company?! You bring too much trouble! At ngayon, idadamay mo pa yung 10-million contract ng kompanya sa Villafuerte Company!" Hinagis niya yung basong hawak niya sa galit.

"Dad, it's just a deal. Marami pa namang iba dyan. Makakabawi pa tayo."

"Oh, come on brother. You call a 10-million contract 'just a deal'? Nananaginip ka ba?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking nasa likuran ko. Nandito na naman siya, ang kapatid kong magaling.

"Dad, why don't you consider the 'wedding'?" He said while smirking at me.

"I'm thinking about it. That's why you're here, Richard." Sabay tingin sa'kin.

"What?! No way!"

"Yes way! Whether you like it or not, you'll marry that woman or else malulugi ang kompanya at sabay-sabay tayong pupulutin sa kangkungan!" Lumabas na siya at naiwan kami ni Anthony.

I looked at him, "Anong ginagawa mo dito?"

"Long time no see, too brother." Ngumisi siya, ang sarap basagin ng mukha ang puta.

"Namiss lang kita, don't you miss me too?"

"Oh cut the act, Anthony. What do you wany?!" Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit nandito 'tong ugok na 'to.

"I want your position. I want the company. I'm here to take back what's mine, Xander."

Nilampasan niya ako at tinapik ako sa balikat, "At sa nakikita ko ngayon, mukhang umaayon sa'kin ang tadhana. Hindi na'ko mahihirapan pa, just say 'no' to Daddy. Ako na bahala sa iiwan mong responsibilidad."

----

XIENNA'S POV

"Xienna.."

"What are you doing here, Jeff?" Malamig kong sabi sakanya. Ang kapal ng mukha, pagkatapos niyang makipaghiwalay bigla siyang magpapakita?!

"I've heard about what happened. Okay ka lang ba?"

"Now you're concerned?! Chismoso ka rin pala no? Kanino mo naman nalaman 'yan? Ang bilis naman yatang kumalat ng balita?" Inis kong sabi, gusto kong alisin yung dextrose na nakakabit sa'kin at itatali ko dito sa lalaking 'to.

"Best, labas muna kami."

"No, walang lalabas." Pinigilan ko sila Jane, "kung meron mang dapat lumabas, ikaw yun Jeff. Wala na tayo, stop acting like you care! Wala ka nang karapatan pang magpakita sa'kin dahil tapos na tayo!"

"Lou, you're pregnant." Putol ni Jane.

"I don't care! Hindi ako magrerelax hangga't hindi umaalis yang lalaking yan sa harap ko!" Tumingin sila kay Jeffrey na nakayuko lang, show yourself Mr. Nice guy, tsk.

"Jeff, mabuti pa siguro umalis ka na. Delikado ang lagay ni Xienna at ng baby."

"Mabuti pa nga, huwag ka na ring babalik." Tuloy ko sa sinabi ni Jane.

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon