"Xander..." She said. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, kaba? Galit? Hiya? Lahat 'yun naglalaro sa isip niya habang naghihintay sa sasabihin ng lalaking nasa kabilang linya. "Paanong..."
"It doesn't matter kung kanino ko nalaman 'tong number mo... I just wanna talk to you." Seryosong saad nito.
"You really have your ways, huh? Still have those connections of yours?" She sarcastically replied, emphasizing the 'connections'. "Ano bang kailangan nating pag-usapan?" Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata, "It's about us, Xienna."
Hindi niya maiwasang matawa ng pagak sa narinig niya, "Us? Tayo? Kelan pa nagkaron ng 'tayo'? As far as I can remember, I'm not your girlfriend, you're not my boyfriend. I have a boyfriend, and you also have a girlfriend. Walang tayo, Xander."
"Xienna... listen to me. Wala akong panahon sa mga pilosopo mong sagot, na'san ka?" Iritableng tanong ni Xander. "Nasa bahay ako, gusto kong matulog. Sabihin mo na lahat ng gusto mo sabihin."
She heard him sigh again. "Papunta na'ko diyan, prepare yourself. Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo." Napatayo naman siya bigla sa higaan niya, "What?! Anong balak mong gawin?"
"Just..just hurry up, will you? Nandito na'ko, nakabihis ka na ba?" Lalo naman siyang nataranta nang makita niya sa bintana na nasa tapat nga ng bahay nila ang sasakyan ni Xander. "Shit, Xander! Ano bang ginagawa mo?!" Natatarantang sabi ni Xienna habang naghahanap ng matinong damit na pwedeng suotin dahil hindi niya pwedeng harapin si Xander na naka-t shirt at short lang.
"We'll just talk, hindi mo naman kailangang kabahan diyan. Walang mangyayaring masama, unless you want it to happen again..."
Namula naman ang pisngi niya dahil sa sinabi sa kanya ng binata, "You're blushing.." narinig niyang tumawa si Xander, "Stop it! Teka, magbibihis lang ako!" She ended the call.
"Ang tagal mo naman.." bungad sa kaniya ni Xander nang makasakay na siya ng sasakyan.
"Ano ba kasing gusto mong sabihin at kailangan pang personal ha?" Naiinis niyang tanong.
"I love you..." He said without looking at her, naka-focus lang siya sa pagda-drive. Tinignan siya ni Xienna, "Anong sabi mo?"
"I said I love you." Nilakasan niya pa. Namula na naman ang pisngi ni Xienna, "Wala bang 'I love you too, Xander' dyan?" Nakangising tanong niya kay Xienna na lalong nagpapula sa pisngi niya, hindi na siya nakatingin kay Xander at dumiretso nalang ng upo habang nakatingin sa dinadaanan nila sa labas.
Nagtaka siya nang itabi ni Xander ang sasakyan, hinawakan niya ang baba ni Xienna at hinarap sa kanya para magpantay ang mukha nila.
"You're cute when you're blushing, Love." He gave her a short but sweet kiss, wala siyang nagawa kundi pumikit nalang. Dumilat siya nang humiwalay si Xander na nakangiti lang sa kaniya, "I missed you."
Umayos na ng upo si Xander at nagsimulang mag-drive ulit. Gustuhin man ni Xienna na itanong ulit kung saan sila pupunta ni Xander ay hindi niya na ginawa, ilang oras na silang nasa daan pero hindi niya pa rin makalimutan 'yung ginawa ni Xander kanina. Nagugutom na siya dahil magga-gabi na at wala pa rin sila sa destinasyon na si Xander lang ang nakakaalam pero hindi pa rin siya makapagsalita.
"We're here." Narinig niyang sabi ni Xander, hindi niya namalayan na nasa harap sila ng isang malaking bahay na mukhang alagang-alaga dahil sa pagkamoderno nito.
"Uhm, Xander. Ayaw maalis ng seatbelt." Naiilang niyang sabi, umiiling naman na lumapit sa kaniya si Xander at inaalis 'yung na-stock na seatbelt habang nakatitig lang sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/47275516-288-k22484.jpg)