\\Chapter One

564 14 4
                                    

Salamat sa pag-fan! :)

**

Behind the Mask is a Deeper Secret. 

[Chapter One]

"Ano ba yan miss! Umalis ka nga dito!" Pananaway ng isang lalaking nakatayo sa harap nya. May singkit ngunit mapupukaw na mga mata, mapula ang kanyang labi at tamang hubog ng mukha. Mukha syang galit at iritable. Tinignan nya lang ang binata ng ilang segundo pero mukhang mas lalo pa itong nainis sa kanya. "Hindi ka ba aalis?"

"S-sorry." Tumayo na lang na lang sya. Mamaya saktan pa ko neto, hindi ko naman sya kilala. Sabi nya sa sarili nya "Pero wala namang pangalan dyan sa pinag-upuan ko e."

Naglabas ang binata ng ballpen galing sa bulsa nya at sinulat ang pangalan nya sa bench. "Kenedy". Estudyante lang pala ito. -__- Umupo ang binata sa inuupuan nya kanina at nagpaka-cool. Ang yabang, porke't gwapo dapat arogante? Tss. Sabi nya sa sarili nya.

"Kenedy pala huh?" Napalakas nyang bulong. Tumingin lang ang binata sakanya. She got startled. Tumingin lang na lang sya sa ibang direksyon pero hindi pa din sya umalis. Bwiset~!

"Wala ka bang balak na lumayas sa harapan ko?" Nilabas nya ang wallet nya at kumuha ng pera. "Oh!" Naghagis sya ng pera sa harap ni Bree. ABA! E siraulo pala 'to e. Pinangalanan na nga yung upuan tapos ngayon.. Pigilan nyo ko, sasapakin ko 'to. Sabi nya sa sarili nya. "Ngayon umalis ka na."

Tinignan lang sya ni Bree with a fake smile on her face. Pinulot nya ang pera na hinagis ng binata at muling tumayo. She leaned on him like he was nothing. Yung mukha nilang dalawa, sobrang lapit na. Wala na syang pakialam kung halikan sya ng binata. Hinawakan nya sa baba ang binata at pinisil ang pisngi nya gamit ang kaliwa nyang kamay (na walang hawak) hanggang sa bumukas ang bibig nito kahit papano. "First of all, mahirap man ako, hindi ako pulubi. Napadaan lang ako sa park na 'to. Second of all, wala kang karapatang yurakin ang pagkatao ko, o kahit sino pa man sa mundong ito. Hindi ikaw ang ruler ng life and death. Third of all, hindi ako mukhang pera, kaya ito...." Sinuksok ni Bree ang pera nya sa masama nyang bunganga. ".....Lamunin mo ang pera mo. Siraulo!" At lumayas na sya. Wala na syang pakialam kung may nalunok sya. Dapat pa nga barya yung binigay nya para pinainom pa sya ng tubig galing sa imbornal e. >____< Sa sobrang galit ni Bree ay kung ano-ano na ang naiisip nya.

Badtrip talaga...

"Sorry Bree, pero kailangan na din kasi naming magbawas ng empleyado e. Bumabagsak na kasi ang negosyo."

"Sige po..." Magsara na lang kayo ng negosyo. Bwiset! Sabi nya sa sarili nya sa sobrang galit nya sa boss nya.

Natanggal na nga sya sa trabaho nya. Tapos...

"Ano?! Nagtanggal ka?! Ano pang silbi mo dito sa bahay na to? Magiging palamunin ka na lang? Lumayas ka!"

Pinalayas pa sya sa sarili nyang bahay. Pero ang tanga din ng tita nya ah? Pinalayas sya pero walang pinadalang gamit? Pero badtrip pa din sya. Walang karapatang sigaw-sigawan sya ng ganun. Tapos ngayon ganito pa.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon