Salamat sa pag-fan! Dedicated sayo. :D
--
Behind the Mask is a Deeper Secret.
[Chapter Three]
Kagaya ng inaasahan nya, late nga syang dumating sa binigay na address nung lalaking pinag-applyan nya kagabi. Si Mr. Bautista. Natatakot tuloy sya, baka matuluyan nga ang iniisip nya nung nasa bahay palang sya.
Baka nga matanggal sya sa trabaho nya kahit hindi pa sya nagsisimula.
"Mr. Bautista? Sorry po kung ngayon lang ako dumating. nagkaroon po kasi ng problema kagabi kaya late na kong nakauwi. Muntik na po kasi akong maaksidente kagabi.---" Natigilan si Bree. Nagtaka sya kung bakit nya pa nabanggit yun.
Kahit na abala si Mr Bautista sa kanyang trabaho na nadala nya sa bahay ay kinumusta nya pa rin si Bree, at tinanong kung may masakit ba sa kanya at kung gusto nyang magpatingin sa ospital. Mas mabuti na rin daw kung makasisigurado sila.
Pero ayaw ni Bree na nagpupunta sa ospital. Ospital ang pinaka ayaw nyang lugar sa buong buhay nya. Lalo pa nung naaksidente sila ng mga magulang nya. Ilang buwan din syang nanatili sa kwartong yun. Nakahiga, tinuturukan ng kung ano-anong gamot, nakatulala maghapon. Ayaw nya nang balikan pa yun.
"At ang aalagaan mo naman, si Harvey. Pero magiingat ka sa kanya. Hindi sya kagaya ng normal na binatang kilala mo. Parang syang halimaw sabi ng ibang mga naging personal yaya nya." Paliwanag ni Mr Bautista kay Bree. Nagtaka naman si Bree kung bakit 'halimaw' na naituring ang lalaking aalagaan nya.
"Bakit naman po halimaw. Ang deep naman nun. Okay lang po sa inyo na tinatawag na halimaw ang anak ninyo? Saklap naman nun sa side ko." Hinaan nya lang ang huling linyang binitawan nya pero arinig pa din ni Mr Bautista ang sinabi nya. Natawa lang ito.
"Alam mo hija, kahit kagabi lang tayo nagkakilala, mas pinagkakatiwalaan pa kita kesa sa anak kong yun. I just want someone to change him. Like, make him go back to school, change his point of view about the world. You know, be like someone like. . . . . . " Napaisip si Mr Bautista kung kanino nya ito pwedeng ikumpara. ". . . . . you?" Hesitant nyang sinabi.
Hindi sigurado si Bree sa magiging reaksyon nya kaya iniba nya na lang ang pinag-uusapan nila. "Mas pinagkakatiwalaan nyo po ako? E diba po, hindi nyo naman ako kilala? Paano po kung, isa pala kong member ng akyat-bahay gang? O kaya naman po sa sindikato. Paano po kung pumasok ako dito bilang 'yaya' ng anak ninyo para kidnap-in sya tapos hihingi ako ng malaking ransom? Edi kawawa naman kayo, tapos maghihirap pa kayo, tapos mamomroblema pa kayo sa anak ninyo, tapos mapapabayaan ninyo yung opisina ninyo, tapos maghihi----"
"Kung totoo man yang sinabi mo, why mention it?" Pagpipigil ni Mr Bautista sa kadaldalan ni Bree. Tama naman ito, kung isa kang masamang tao, bakit mo ipagsisigawan sa mundo? Anong trip mo?
Dito sa bahay ng mga Bautista maninirahan ni Bree tuwing weekdays kaya weekend na lang sya makakauwi.
BUTI NA LANG. Sabi nya sa sarili nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5720898-288-k298970.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the Mask is a Deeper Secret.
Teen FictionEach person who wears masks wears a deep secret. [Tagalog story] First draft. Please understand all the typographical errors.