\\Chapter Twenty.

88 2 1
                                    

Behind the Mask is a Deeper Secret.

[Chapter Twenty]

"Bree!" Harvey shouted on the other side of the door. "Nandyan ka ba?"

          "Bukas yan!" Sagot ni Bree pagkatapos niyang takpan ng kumot ang mga paa niya.

          The door swung open. "Bakit hindi ka pa sumabay saakin--?" Natigilan siya ng makita si Bree na nakaupo sa kama. "May sakit ka?" Tanong niya.

          "Huh? Wala."

          "Matutulog ka na? Sa ala-siyete ng gabi?" Nagtataka niyang tanong. Bago sa kanyang makita si Bree na nakahanda nang matulog ng alas-siyete.

          "Huh? Hindi pa." Sagot niya, sabay ngiti.

          "Eh bakit nakahiga ka na?"

          "Higa tawag mo dito?" Tinuro ni Bree ang sarili niyang nakaupo sa kama niya. "Upo ang tawag ko dito."

          "Pero bakit ka--ugh! Nevermind." He waves his hand in front of his face, para siyang nagtataboy ng langaw na lumilipad sa may tenga niya. "Aalis ako." Nagsimula na siyang umalis ng kwarto ni Bree.

          "Saan ka pupunta? Tsaka bakit saakin ka nagpapaalam?"Tanong ni Bree. Tumigil naman siya sa may pintuan. "Tsaka, sinong kasama mo?"

          "Kahit saan. Wala, gusto ko lang sabihin sayo. Baka magpaka-praning ka dahil hindi mo alam na umalis ako." Sagot ni Harvey ng tuloy-tuloy.Binuksan ni Bree ang bibig niya para magsalita pero hindi pa pala tapos si Harvey. "Mga kaibigan ko, hindi mo nga lang sila kilala--bumaba ka kung gusto mo. Baka gusto mo na din itanong kung anong oras akong uuwi. At kung paano. At baka gusto mo na ding sabihing mag-ingat ako sa mga tambay sa labas, baka ma-rape ako."

          Bree thought about it for a few seconds. "Hindi ako makakababa eh." She smiled revealing her front, white teeth to the world. "Sige, mag-ingat ka, baka kagatin ka ng aso sa kanto. Nakakaamoy sila ng kayabangan at yun ang tina-target nila. Nagusap kami eh."

          Harvey rubbed his shoulders. "Whoo, takot ako." he said then grinned. "Bakit pala hindi ka makakababa? Pilay ka?"

          Creepily, biglang bumukas ang pinto ng CR sa kwarto ni Bree.

          "Oo pilay ang lola mo." Sagot ni Lyn na kanina pang nasa banyo.

          Bree looked at Harvey, then smiled. "Surprise." she whispered. Bigla na lang hiniling ni Bree na sana hindi niya na lang pinayagan si Analyn na mag-stay at i-babysit siya.

          "Bakit?" Lumapit si Harvey sa kama ni Bree at tinanggal ang kumot sa paanan ni Bree. Naka-pajamas at t-shirt na siya. Itsura niya, para na talaga siyang matutulog. Naupo siya sa gilid ng kama.

          Lumapit din si Analyn sa kanilang dalawa. "Para kasing timang, hindi tumitingin sa dinadaanan niya, ayun na-strain."

          Harvey looked at Bree and gave her a disappointed look. "Para kang bata. Malabo ba mata mo?"

          Bree shook her head.

          "Now that made you look more pathetic."

          Bree grimaced at him and sighed. Kasalanan niya naman talagang hindi siya nakatingin sa dinaanan niya. Pero hindi niya kasalanan na mabato dun.

          "Teka lang ah." Tumayo si Harvey at lumabas ng kwarto. At habang wala siya ay abala si Analyn na tanugin siya kung may ibang masakit sa kanya bukod sa paa.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon