\\Chapter Seven

155 5 0
                                    

June 12 pa nung huli, so so sorry. Busy busy-han sa school. Dami kasing ginagawa. Lol. Pero dahil ikaw ang nag-request, dedicated ang chapter na 'to sayo dahil sabi mo kahit ano. XD Labyu. :* Basahin mo na din 'to oke? :D 

--

Behind the Mask is a Deeper Secret. 

[Chapter Seven]

Point of View: 

[Bree Gonzales]

"Ano naman yang ginagawa mo?" Tanong ni untie nangmakita nya ko sa kusina at nag-aayos ng pagkain kahit madaling araw pa.

"Jjajangmyeon po untie, gusto nyo po? Wag iiwan po ba ko?" Tanong ko sa kanya, sayang kasi kung mag-iiwan ako ng kahit konti tapos hindi naman pala nila gusto. Mapapanis lang.

"Wag na, walang kakain nyan. Wala naman dito yung pinsan mo e." Sagot naman ni untie sabay inom sa baso nyang may tubig. Buti na lang, makakaagaw ko na nga si Harvey kung sakaling gusto nya din 'to. Buti na lang! *(n_n)* Bakit ang matatanda ang agang gumising? XD

"Kelan po pala sya dadating?" Tanong ko ulit pero ipinagpapatuloy ko pa din ang ginagawa kong pagluluto.

"Sa susunod na linggo, sa miyerkules." Sagot nya tapos umalis na sya. Hay, isang tanong isang sagot. Period.

Walang kahit isang explanation man lang.

"Teka, anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko. Ganyan talaga ko kapag wala akong kausap. Kausap ko sarili ko, ako na lang ang kasama ko e.

"Mag-aalas sais naaaa~" Sagot ni Aubrey na pakanta. Kantang hindi ko alam kung ano.

"Aba himala. Long time no see ah?" Sabi ko sa kanya. "Nakita mo ba yung lalagyan na hinahanap ko kagabi? Patulong naman oh?"

Ngumuso lang sya na may kasamang taas ng kilay. Pero hindi sya saakin nakatingin. Tinignan ko yung direksyon na nginusuan nya, nakita ko yun cabinet na nasa ilalim ng lababo kung saan nasan yung mga tupperware. "Oh. Salamat, ang bilis nun a?"

*

Dahil sa tulong ni Aubrey, napabilis ako at nakapagsave ng oras. Nakaligo na ko agad at nakapagbihis at naghanda na para magpunta kila Mr. Bautista. Monday ngayon. At kailangan ko nang magpunta sa kanila kahit maaga pa, di katulad nung huli na MEDYO na late ako.

Pagkadating ko dun ay wala pang masyadong gising bukod kila manong guard at mga yaya nila.

"Good morning manong guard!" Bati ko sa mga guard na naka tayo sa may gate ng bahay na may kasamang matamis na ngiti na lahat ng ngipin ko ay labas.

"Maganda na ang umaga." Bati naman saakin ng isa sa kanila. Si kuya Cayabyab. Sya yung pinaka masiyahin sa lahat ng guard dito sa bahay na 'to. Mapagbiro din sya.

Tumawa lang ako. "Sige po, papasok na po ako." Sabi ko sa kanila.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon