Dedicated sayo! :D Patuloy nating suportahan ang siyam na anghel ng buhay natin. ;)) Mag-samasama tayong mga SONEs <3
--
Behind the Mask is a Deeper Secret
[Chapter Two]
Pagkatapos ng isang stressful na araw kahapon, nagpahinga muna si Bree sa bahay ng ilang araw bago naghanap ng bagong trabaho. Hindi ito naging madali para sa kanya dahil sa tuwing magkikita sila ng Untie nya sa bahay kung anu-anong pinagsasasabi nito sa kanya at gusto nyang maghanap na agad sya ng trabaho.
"Buti kahit kelan hindi ka nagalit kay Bro dahil luka-loka ang nag sisilbing guardian mo." Sabi ni Aubrey sa kanya. "Teka, hindi akong guardian mo a? Yung untie mo."
Natawa na lang si Bree sa sinabi ni Aubrey. "Alam mo, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung buhay pa sila Mommy at Daddy. It feels like I have a perfect family. Until I met them. . . . Personally. I never met them until my parents died." Bree sunddenly changes her mood.
"Don't talk about them na. Malulungkot ka lang." Sabi ni Aubrey para magbago ang topic nila. Halata naman sa mukha ni Bree na nalulungkot sya kapag napag-uusapan ang parents nya.
Hanggang ngayon kasi, ang sarili pa rin nya ang iniisip nyang dahilan kaya namatay ang mga magulang nya. Hindi nya alam kung dahil ba namatay sila sa mismong araw ng birthday nya o dahil pinilit pa nya itong lumabas.
Pero syempre, hindi naman talaga sya ang dahilan, dahil kung ayaw talaga ng mga magulang nya na lumabas sila ay hindi talaga sila papayag kahit anong pilit nya. It's God's will, so she can fulfill her destined mission.
"Oo nga pala. Bakit hanggang ngayon nakaupo ka pa din dyan? Hindi ba dapat naghahanap ka na ng trabaho?" Sabi ni Aubrey kay Bree.
Bigla namang napaisip si Bree. "Hindi ba pwedeng ibigay nyo na lang saakin yung dapat na maging trabaho ko? Nakakapagod e, ang init pa naman. Malapit na kayang mag-summer."
"Sorry. Hindi pwede." Sagot ni Aubrey na may kasabay pa na pag-iling-iling. Nag pout na lang si Bree.
Sobrang pagod na sya, dumagdag pa ang init ng panahon. Ang pinaka ayaw na panahon ni Bree ang summer. Ayos lang sa kanya ang mga preskong damit pero sa tuwing lalabas sya ng bahay na ganun ang suot, palagi syang pinagtitinginan ng mga tambay kahit saan sya pumunta. Kaya kahit na nasa bahay lang sya, palagi syang naka tshirt at mahabang shorts. At dahil dito, lalo lang syang naiinitan.
"Ikaw ang kailangang maghanap sa mga dapat mong hanapin."
"Ayan ka nanaman. Pwede itigil mo yang pagiging mysterious mo?"
"Ang payo ko naman sayo, isaksak mo sa tenga mo yang earplugs mo at baka may makapansin sayong wala kang kausap."
"Mm, hindi na. Bumalik ka na, hinahanap ka na dun."
"Sigurado ka?" Tumango lang si Bree. "Sige, pero mag-iingat ka huh? Baka kung anong mangyari sayo e."
![](https://img.wattpad.com/cover/5720898-288-k298970.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the Mask is a Deeper Secret.
Genç KurguEach person who wears masks wears a deep secret. [Tagalog story] First draft. Please understand all the typographical errors.