Dedicated to you. Thanks for following me bebe. Ingat ka diyan, miss ka na naming lahat. :*
This chapter is unedited, I’d be happy if you tell me where the problem is. Thank you.Behind the Mask is a Deeper Secret
[Chapter Twelve]
Buong weekend na iniisip ni Bree ang tungkol sa posibilidad na pwede siyang maging cover ng magazine.
Ang taray nun! Gusto niyang sumigaw, kaso naiisip niya din na sila Trinity ang may ari ng company kaya imposibleng pumayag si Trinity na hindi siya ang maging cover.
"OK ka lang ba Bree? Kanina ka pang tulala e." Tanong ni Analyn na katabi ni Bree kanina pa. Hindi siya nagsasalita mula kanina nang pumasok siya. Parang umalis ang utak niya at nagpunta sa araw para magpa-tan.
"O-Oo. Pasensya na. May iniisip lang kasi ako." Sagot niya sa tanong ni Analyn. Magkaklase sila, at masasabi niyang close sila, mabait si Analyn. Half Chinese.
"Ano naman yun? Yung mga nang-aaway sayo? Kalimutan mo na sila, pag naman siguro napansin ni Harvey na kulang na lang patayin ka nga mga tingin nila siguro ipagtatanggol ka naman siguro niya."
"Siguro." She said without any emotion.
"Masakit pa ba yang mukha mo?" Tanong ni Analyn sa pag-aalala niya.
Sa sobrang pagkatulala kasi ni Bree ay tinamaan siya ng bola ng basketball kanina PE class nila sa mukha. Solid talaga.
"OK nanaman. Wag kang mag-alala, hindi ko naman iniisip na patayin yung bumato saakin e. Kung sino man siya. At dun sa sinasabi mo tungkol sa pagtulong ni Harvey. Imposible yun, self centered kaya yun." SAbi ni Bree, binulong niya ang mga huling sinabi niya para wala masyadong makarinig.
"Oo. Gwapo nga lang. At yun ang isa mo pang kalaban."
"Ang kagwapuhan niya?"
"Oo, diba, nakaka-fall naman talaga yung itsura niya. Tapos nakatira ka pa sa bahay nila."
"Hindi yun dahilan para mafall ako sa kanya. Baka nga siya mafall saakin eh." Bree says confidently.
"Teka, bakit parang mas sumungit siya these days?" Analyn asked while placing her brown slightly curled hair to the side.
"Ewan ko sa kanya. Talo pa nun menapause, yaan mo na."
"Bitch alert." Bulong ni Analyn. Hinanap ng mga mata ni Bree ang sinasabi ni Analyn at nakita niya si Jennifer na papalapit sa kanila.
"Bree, can I ask you one thing?" sabi ni Jennifer nang makalapit na siya sa kanilang dalawa.
"You already did." sabi ni Analyn sa kanya.
"Not talking to you." Sagot naman ni Jennifer sa kanya. Bago pa man magsimula ang giyera ay pinigilan na sila ni Bree.
"Oo naman, ano ba yun?" Sabi ni Bree kay Jennifer tumayo siya para magkakitaan sila at para din hindi niya masyadong tinitingala si Jennifer.
"Kayo ba ni Harvey? Or is there something between you ang him? M.U? Enggage? Married even? Tell me." Tanong ni Jennifer, halata sa mga mata niya na hindi niya papaalisin si Bree hangga't di siya sumasagot.
"Well, kung meron man, ano naman sayo?" sinagot ni Bree si Jennifer ng isa ring tanong.
"Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko para matapos na 'to?"
"Bakit ba kasi hindi na lang si Harvey ang tanungin mo?" Tanong niya. "Wala. Amo ko siya diba? Paano naman mangyayari na magasawa kami?"
"Malay ba namin kung sinasabi niyo lang yan?"
BINABASA MO ANG
Behind the Mask is a Deeper Secret.
Teen FictionEach person who wears masks wears a deep secret. [Tagalog story] First draft. Please understand all the typographical errors.